260 likes | 560 Views
MENSAHE NG PAKIKIPAGKAISA SA ILPS PHILIPPINE CHAPTER IKALAWANG PANGKALAHATANG ASEMBLEYA Prof. Jose Ma. Sison Tagapangulo International Coordinating Committee International League of Peoples’ Struggle 18 Agosto 2006.
E N D
MENSAHE NG PAKIKIPAGKAISA SA ILPS PHILIPPINE CHAPTER IKALAWANG PANGKALAHATANG ASEMBLEYA Prof. Jose Ma. Sison Tagapangulo International Coordinating Committee International League of Peoples’ Struggle 18 Agosto 2006
“Sa loob ng nakaraang apat na taon, malaki at makabuluhan ang naiambag ninyo sa pagpapakilala at pagpapatampok sa ILPS bilang rallying point ng militanteng anti-imperyalistang pakikibaka.”
“…matayog at masigasig ninyong naiwagayway ang bandila ng ILPS sa pagtataguyod ng tunay na interes ng mamamayan…”
Pagganap ng mayor na papel sa pangunguna sa mga workshop ng ILPS Second International Assembly • Pagganap ng mga susing papel sa paglulunsad at pagdaraos ng mga panrehyon at pandaigdig na mga kumperensya sa iba’t ibang concern ng ILPS (Manggagawa, Pesante, Kababaihan, Kabataan, Pangkalusugan, Kampanya laban sa mga baseng militar ng US, atbp) • Paglahok sa mga kumperensya ng ILPS sa ibayong dagat (Mumbai Resistance 2004, “Towards a Just and Lasting Peace Conference” – Vancouver 2006, Conference on Debt, Jakarta 2006)
Pagganap ng susing papel sa pagdaraos ng HK People’s Action Week laban sa WTO • Pagdiriwang ng Bandung Conference sa Indonesia
Mga aksyong protesta sa iba’t ibang pambansa at pandaigdigang isyu tulad ng gyerang agresyon ng US, pagtatanggol ng mga karapatan ng tagapangulo ng International Coordinating Committee ng ILPS at iba pang demokratikong pwersa, pagtutol sa pag-aresto at pagkabimbin kina Memek Horuz at Ka Crispin Beltran
Paglahok ng ilang myembrong-organisasyon ng ILPS Philippine Chapter sa mga internasyonal na kumperensya at porum (WSF 2004; Asian Social Forum – 2003, Now We the People, Australia 2003, 2005; All-Cuba Conference – Chennai 2005, atbp).
Ang nakamit doong tagumpay, tulad sa iba ninyong pagkilos, ay bunga ng obhetibong pagsusuri sa iba’t ibang isyu ayon sa pangkalahatang linya ng ILPS ng militanteng pakikibakang anti-imperyalista at pro-mamamayan, pagtukoy at pagpapatupad sa angkop at mabisang mga porma ng protesta at iba pang pagkilos, tumpak na taktika ng pagpapalakas ng ating mga pwersa at pakikiisang hanay ayon sa karampatang pagtukoy sa mga kaibigan, at kaaway, at ng karaniwang masigasig at masigla ngunit masinop at mabisang estilo ng paggawa.
Ipinapakita ang katumpakan at bisa ng pagbubuo ng pambansang balangay ng ILPS para ibayong isulong ang anti-imperyalista at demokratikong linya sa pakikibaka, at ang pangangailangan at kahusayan ng pagtatayo ng mga pambansa at rehyunal na mga pormasyong pangunahing magsisilbi bilang mga sentro ng koordinasyon para sa mga myembrong organisasyon ng ILPS sa isang bansa o rehiyon.
Napakainam ng pandaigdigang sitwasyon, gayundin ang kalagayan sa Pilipinas, para sa pagpapalakas at pagpapalawak sa ILPS para maisulong ang anti-imperyalista at demokratikong mga pakikibaka ng mamamayan.
Dapat walang lubay ang pakikibaka natin sa pagsasamantalang pinaigting ng monopolyo kapitalismo sa ilalim ng patakaran ng “neoliberal na globalisasyon” at sa pagpataw ng represyon o terrorismo ng estado sa mga mamamayan at sa imperyalistang agresyon at interbensiyon sa ngalan ng “gyera laban sa terorismo”.
Kamakailan lamang tuluyang gumuho ang negosasyon ng mga imperyalista sa Doha Round ng WTO at malinaw na nalantad ang kahungkagan ng sinasabi nilang “para sa kaunlaran ng Ikatlong Daigdig” ang isinusulong na mga panukala sa Doha Round.
Gayunman, marami pang paraan ang mga imperyalistang kapangyarihan para maipataw sa mas mahihinang mga bansa ang “neoliberal” na mga patakaran ng deregulasyon, liberalisasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon. Kaya’t kailangang pag-ibayuhin ang pagkakaisa at paglaban ng mamamayan sa mga ito.
Patuloy ding nalalantad at linalabanan ng mamamayan sa lahat ng dako ng daigdig ang imperyalistang gyera ng pananalakay at interbensyong militar, laluna ang buktot na “gyera laban sa terorismo” na inilulunsad ng imperyalismong US at ng mga ayudante nitong tulad ng Britanya at ng Zionistang Israel.
Gayundin, mabilis na ring nalalantad ngayon at nahihiwalay ang rehimeng Macapagal-Arroyo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, dahil sa buktot at walang habas nitong pagpaslang sa ilandaang inosenteng sibilyan, laluna sa mga progresibong lider at aktibistang masa.
Nagpasya ang ILPS na manawagan sa sabay-sabay na mga aksyong protesta laban sa panunupil ng estado sa Pilipinas sa iba’t ibang bayan sa buong daigdig, ayon sa resolusyong inihapag ninyo na suportahan ang kampanya para itigil ang mga pampulitikang pagpaslang na isinasagawa ng rehimeng US-Arroyo.
Nagpasya ang ICC na maging isa sa mga tagapagtaguyod (sponsor) ng Regional Conference on US Militarism and War on Terror in Asia-Pacific, at ilunsad ang Regional Campaign against US Bases sa Asia-Pacific.
Buo ang tiwala ng ICC na matagumpay ninyong maidaraos ang mga ito, gayundin ang binabalak na malalaking aksyong protesta tulad ng People’s Caravans kaugnay ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa darating na Disyembre 2006. Inaasahan din namin ang matagumpay na pagdaraos ng ILPS East Asia Consultative Conference sa Disyembre tungo sa pagtatatag ng ILPS East Asia Coordinating Committee.
Natitiyak kong sa pagtatasa ng gawain sa nakaraang apat na taon at sa pagbabalak para sa darating na panahon, patuloy kayong magagabayan ng pangkalahatang linya ng ILPS, mga pagsusuri, desisyon at patakaran ng ILPS-SIA, at ang sumunod na mga plano at desisyong inilatag ng ICC alinsunod dito.
Umaasa kaming mabibigyan din ninyo ng karampatang atensyon ang mga panawagan sa higit pang pagpapagana ng mga study commission. Gayundin ang pagharap sa mga usaping pampinansya at pagtakda ng mga angkop na hakbang para lutasin ang mga kaakibat na suliranin. May tiwala ang ICC na ibayong mapapalakas ang inyong hanay at mabisa ninyong magagawa ang iba’t ibang paraan para maglikom ng rekurso para sa pakikibaka.
ISULONG ANG PAKIKIBAKA NG MAMAMAYAN LABAN SA IMPERYALISTANG GYERA AT PANDARAMBONG SA PILIPINAS, SA REHYONG SILANGANG-ASYA AT OCEANIA, AT SA BUONG DAIGDIG!