150 likes | 358 Views
Lahat ng Nauukol sa Akin. By: Charize Divina Filipino Speakers 1P 5 th period. Simpleng tao. Ako ay si Charize Divina Ako ay labing-anim na taong gulang at ipinanganak noong ika 17 ng Pebrero, 1996. Ako ay kasalukuyang nasa ika-sampung baitang na nag-aaral sa Vallejo High School.
E N D
Lahat ng Nauukol sa Akin • By: Charize Divina • Filipino Speakers 1P • 5th period
Simpleng tao. • Ako ay si Charize Divina • Ako ay labing-anim na taong gulang at ipinanganak noong ika 17 ng Pebrero, 1996. • Ako ay kasalukuyang nasa ika-sampung baitang na nag-aaral sa Vallejo High School. • Ako ay palatawang tao ngunit minsan ay sensitibo. • Noong ako ay labing-dalawang taong gulang, pumunta ako dito sa Amerika, sa pag-asang makahanap ng mas magandang kalagayan sa buhay.
Ang Aking Pamilya • Dahil sa napalayo ako sa aking mga magulang at mga kapatid, minsan ay hindi ko maiwasang malungkot at masabik na makita silang muli.
Mga Kapatid • Hindi man kami nagkakasundo sa lahat ng pagkakataon, walang ibang makapagpapalit sa kaligayahang aking nararamdaman tuwing sila ay kasama. • Kevin Jason (left), Kariza Donne (right), Kimberly Sheena (bottom).
Noong bata ako ay madalas masermonan dahil sa maliliit na mga bagay. Pero kung hindi dahil sa kanilang mga payo, hindi ako lalaki na maging isang mabuting tao. • Papa Nelson
Hanggang ngayon, mahirap tanggapin na hindi na kami muling magsasama-sama bilang iisang pamilya... Pero siguro, isa lang ito sa mga pagsubok na dapat naming lagpasan. Bagong Simula • Noong nakaraang taon, nagkaroon ng isang malaking away ang aking mga magulang na nauwi sa hiwalayan. • Biglaan man, wala kaming nagawa para mapanatili ang kanilang pagsasama.
Mga Kaibigan • Apat na taon na ang nakalipas noong nakilala ko siya. • May mga panahon mang lagi kaming nag-aaway pero walang tuluyang makapagtatapos ng aming pagkakaibigan. • Maaasahan kong nariyan siya palagi sa oras ng kagipitan. • Hanna Lorica
Daniel Cababaro • Guwapo, matalino, masipag at habulin ng mga babae. • Maaasahan siya sa oras ng pangangailan at mapagsasabihan ng mga personal na bagay. • Dahil sa marami kaming parehong klase, naging isa siya sa pinakamalapit kong mga kaibigan.
Christian Encarnacion • Mabait, matalino, pilosopo, at palatawa. • Kahit na may pagka-sungit kung minsan ay masaya pa rin siyang kasama. • Kasama nila Hanna at Daniel, isa rin siya sa mga taong aking pinahahalagahan.
Colorguard <3 • Apat na taon na akong nasa colorguard. • Dahil sa sila madalas ang aking kasama, naging malapit kami sa isa't isa. • Itinuturing ko silang pangalawang pamilya.
Volleyball • Ang paborito kong sport ay volleyball. • Ginusto ko mang sumali sa team, hindi maaaring mapagsabay ko ito sa colorguard. • Masaya itong laruin pero mas pinaninindigan ko ang colorguard.
Past time • Tuwing walang magawa, mahilig akong makinig sa musika. • Hindi man masyadong magaling, tumutugtog din ako ng gitara. • Madalas rin ako magbasa.
Hawaii • Kung mabibigyan man ng pagkakataon, gusto kong makapunta sa Hawaii. • Gusto kong makita ang iba't ibang tanawin doon na dinadayo ng mga turista.
Balang araw... • Dahil sa mahilig ako sa Math, pangarap kong maging Accountant balang araw. • Malayo pa man bago ko maabot ang pangarap na ito, hindi ako susuko hangga't hindi ko nabibigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya.
Darating din ang panahon na mabibigyan ko ang aking pamilya ng sariling bahay at sasakyan. • Pero gaano man ito kagara at kalaki, wala itong kwenta kung ang pamilya ay hindi sama-sama.