370 likes | 1.78k Views
Buwan ng Wikang Pambansa 2013 Tema: Wika Natin ang Daang Matuwid. Daang Matuwid: Demistipikasyon ng Katuturan sa Hulagway at Danas ng Panlipunang Pagbabanyuhay Assoc. Prof. Adriano Dela Cruz Balagot Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
E N D
Buwan ng Wikang Pambansa 2013Tema: Wika Natin ang Daang Matuwid
Daang Matuwid: Demistipikasyon ng Katuturan sa Hulagway at Danas ng Panlipunang Pagbabanyuhay Assoc. Prof. Adriano Dela Cruz Balagot Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
Pagtahak sa matuwid na landas ang krusada ng Administrasyong ng Pangulong Aquino. Isang pagtatangkang bumalikwas sa malaon nang balikukong sistema ng pamamahalang umiiral sa Pilipinong Bayan. Ideyolohiyang waring suntok sa buwan sa unang tingin sanhi nang malalang sakit ng lipunan.
Waring imposible subalit, higit naman itong mainam kaysa naman walang pagsusulong o pagtatangkang gibain ang matibay na pader ng korapsyon na panahon pa ng mga Kastilang mananakop ay umiiral na sa ating bayan, at sa paglipas nang panahon ay waring isang sakit na patuloy na lumalala bunga nang kawalan ng mga pagtatangkang lapatan ito ng angkop na lunas, ugat na rin marahil nito ang pakinabang na nakukuha sa ganitong kalakaran.
Hindi madaliangpagtatangkangito, matibaynasuhayangkailangannglipunanupangganapnamaitugaangbayansapronaosngkatotohanan, katuwiran at paggalangsakarapatangpantao. Isanglipunangligtassamgabantangsalotnalikhangitinuturingnapinakamataasnauringhayopnanabubuhaysadaigdig, angtao. NilikhangmakapangyarihangmgaKamayupangpamahalaanangmganilalangnahigitnamabababataysakaniyangpagtatakda. Ngunitsakabilangkababaangitobataynarinsapagtinginngmgatinatawagnatao, naroroonangnakakublingkatotohanannaangkanilangpag-iral ay ugatngpagkakabalansengebolusyon at inbolusyonngbuhay. Sabingasamatandangpalapahaman (pilosopiya) ngbuhay“Everthing Flows, Everything Connects”.
Nauunawaan ng tao ang lahat ng mga danas na ito sa pagitan ng mga negatibo at positibong daloy ng enerhiya ng wika. Wika ang lawas na padaluyan ng pamahalaan upang ipaunawa sa mamamayan ang kaniyang mga layunin na magsusulong ng interes ng mga ito. Malaki at lubhang mahalaga ang gampanin ng wika sa pagtatangka ng pamahalaan na isulong ang krusada nito, ang “daang matuwid”. Ito rin ang nagsisilbing tundos na magsasaysay kung bigo o tagumpay ang pamahalaan sa kaniyang mga balakin para bayan.
Pinatotohananlamangngmganaunangpahayaganglaki at lawaknggahum (kapangyarihan) ngwika. Isanglakasnanamaaaringmagdalasataosapinakamataasna pedestal ngkaligayahan at magbaonsakaniyasa hades ngkabiguan.
Daang Matuwid sa Bisa ng Salita Pinagsamang unlaping “ma at salitang ugat na tuwid”. Ang “ma” ay isang halimbawa ng di malayang morpema ngunit kapag isinaman sa salitang ugat ay nakapagdaragdag ng denotasyon o konotasyon nito. Ang “tuwid” naman sa kabilang banda ay maikakawing sa porma o pagiging diretso ng isang bagay.
Kung pakasisipating mabuti, ang pagtatagpo ng di malayang morpemang “ma” at malayang morpema o salitang ugat na “tuwid” ay mahihiwatigang nagkaroon ng panibagong kahulugan ang salita. Mula sa pagiging katangian ng isang bagay ay tumawid ang nabuong salita sa pag-uugnay nito sa kaaya-ayang katangian ng tao. Pagiging walang bahid-dungis, may taglay na kaalaman at karunungang na magagamit sa matalinong pagtitimbang-timbang sa pagitan ng mga kabulaanan, katotohanan at katuwiran. Matarong o kadalisayan ng katuwirang hindi pa naabot ng sinoman na pinatotohanan din naman ng mga teksto sa Banal na Kasulatan (Roma 3:10).
Sa kabilang banda naman, ang ugnzyan ng mga salitang “Daang Matuwid” ay isang signipikasyon lamang ng konotatatibong kahulugan nito. Hindi ito maikakawing sa denotasyon ng salitang tuwid (straight) kahit na ito ay tumutukoy pa sa salitang landas o daan, dahil kung tutuusin, wala naman talagang bagay na maituturing na perpekto ang pagiging tuwid. Anomang bagay na inaakala ng tao na ito ay tuwid batay sa kaniyang sukat at sipat, ang totoo ay hindi talaga ito perpekto. Hindi na kailangang pagtalunan pa ang puntong ito, sapagkat napatunayan na sa pamamagitan ng mga makabagong instrumentong pang-agham ang katotohanan hinggil sa argumentong ito.
Sa pag-uugnay ng denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan sa mga salitang bahagi ng islogan ng Administrasyon ng Pangulong Aquino, lutang sa lawas nito ang hulagway (larawan) ng isang abstraktong ideya na maituturing na isang relatibong perspektiba at mahirap o maaaring hindi kakiktaan ng unibersal na pagpapakahulugan. Ito ay sa dahilang ang mga terminong ginamit patikular ang salitang matuwid ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan depende sa interes ng gumagamit ng salita na nagtatakda ng pagitan sa essensiya ng salita at karakter ng tao. Nangangahulugan lamang ito na ang diwa ng salita kung minsan ay pilit na iniaangkop ng tao sa mga sitwasyong paborable sa kaniya.
Magkagayonman, sa likod ng pagkakaiba ng pagsipat at paglalapat ng essensiya at kahulugan ng salita, malinaw na mahihinuha sa mensahe ng islogan ng kasalukuyang Administrasyon ang pahiwatig ng pagbaklas sa iba’t ibang imahe ng korapsyon sa bansa. Isang panimula na kung ganap na maisasakatuparan batay sa taglay na kahulugan at esensiya ng salita ay maituturing na makabuluhang saysay ng pagtatangka tungo sa paghuhunos ng imahe ng pamamahala sa Lipunang Pilipino.
Ang Pagtawid sa Daang Matuwid sa Gitna ng Engkanto ng Ibong Adarna Sa bahaging ito ay hayaang ninyong hiramin ko ang ilang pahayag na binigkas ni Prop. Joel C. Malabanan ng Philippine Normal University sa SALIKSIKAN 2013 na ginanap noong Agosto 2, 2013 sa Pontifical and Royal University of Santo Tomas sa Espaňa, Maynila. Tinuran ni Prop. Malabanan na hanggang sa kasalukuyan ay buhay na buhay pa rin ang kapangyarihan ng Ibong Adarna, isa sa buhay na patunay nito sa kasalukuyan ay ang walang kaabug-abog na pagyakap ng mga kabataang Pilipino sa rumaragasang K-POP. Ayon pa sa kniay, maging ang mga lingkod ng akademiya ay nakikisawsaw na rin sa gusto ng mga kabataang mag-aral.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng ating sintang Pilipinas, mauunawaang hindi lamang tayo miminsang naengkanto ng awit ng Ibong Adarna. Mahihiwatigan ang mga danas na ito sa mga hibla ng kasaysayang ambag ng pagpasok ng mga Kastila, Hapon hanggang sa mga Amerikanong Kolonisador sa ating bansa. Waring naging bato ang daloy ng taal na kultura ng mga puod sa lipunang Pilipino sa mga panahong ito.
. Ang mga banwa (bayan) ay unti-unting niyakap ang tradisyong dala ng mga kolonisador, dahilan upang ang taal na etnosentrikong kalagayan ng bawat puod ay unti-unting nalusaw sanhi ng malasigwang pagpasok ng mga impluwensiyang dala ng mga taga-Kalunuran (Kanluran). Malinaw ang isinigawang pagsasaysay ni Zeus Salazar sa kaniyang aklat na Pantayong Pananaw hinggil dito, habang si Virgilio Enriquez naman ay sinikap na dalumatin ang mga paksang kaugnay nito sa kaniyang aklat na Sikolohiyang Pilipino.
Bunganarinmarahilngmgapangamba at mahigpitnasensurasamgapanahonngpagkakasakop, may mangilan-ngilangmanunulatnanagtangkangikublisamgatalinhagangawit, tula at iba pang mgaanyongakdaangkanilangmgapaghahayagngmgaisyungpanlipunannapatuloynayumuyuraksadangalngbayan at mamamayan. • Magkagayonman, angmgapagtatangkangito ay hindinagingmatibaynadaanupangmakabalikwasangmamamayansamgaaninongdalangmgadayuhan, nabagama’ttaposnaangkanilangpamamalakayasamgapuodngPilipinas ay nag-iwannamanngmgakultura at tradisyongangmgaimpluho ay hindi o mahirapnamabaklasngpanahon.
Sa mga nabanggit na pangkat ng mga kolonisador, ang pinakahuli bagama’t hindi kasing haba ng mga Kastila ang panahong ipinamalagi sa Pilipinas ay masasabing higit ang taglay na lakas nang kapangyarihan ng pagkakaengkanto sa Lipunang Pilipino. Malalim ang pagkakabaon nito sa damadamin at malay (DAMLAY) ng mga mamamayan, mula sa wika, edukasyon at kalakalan at sistema ng pamumuhay. Mga impluwensiyang tagos sa pagkataong-loob ng mga Pilipino, dahilan upang maging mababa ang kaniyang pagtingin sa mga angking kalinangan at maging sa sariling wika.
Kung sasaysayin nga ang takbo ng pagkataong-loob ng mga Pilipino sa kasalukuyan na naengkanto ng mga kalahi ni Uncle Sam, lilitaw ang katotohanang ang mga ito na isang lahing taglay ang katawang Oryental ngunit ang diwa ay maka-Kanluran. Waring ipinahihiwatig pa nga ng ilan sa mga ito na labis-labis ang pagsamba sa wikang dala ng mga sugo ni Uncle Sam, na kapag hindi ka makapagsasalita sa wikang ipinasuso nila sa liping kayumanggi ay may mga pagtuturing na ikaw ay mahina o bobo na para bang tanging ang wikang ito lamang ang pamantayan ng talino ng tao.
Isa pa samalakasangkapangyarihanngdalangengkanto ay angnabanggitkonasaunangtalatangbahagingitongtalakay. Ito angmabilisnapagpasokng K-POP sakamalayanngmga Pilipino, patikularnaangmgakabataan. Sa katotohanan, magingsailangmgaprogramasamgainstitusyon at akademyasaPilipinas ay mararamdamananglakaskapangyarihanngengkantongdalanito. Magingsi Asst. Secretary Dr. Eric Tayagng Department of Health ay waringlibangnalibangsapaggamitngmganakaeengkantongawitinngmgaKoreanongmang-aawitbilangbahagingngisinusulongnamgaprogramangnaturangDepartamento.
Ngunit, sa personal kong pagsasapantaha, maaari rin namang tingnan sa positibong sipat-dalumat ang malasigwang pagpasok na ito ng K-POP sa kamalayan ng mga kabataang Pilipino. Kung magpapatuloy ang ganitong pagpapatianod sa kasalukuyang agos ng kulturang popular na dala ng mga Koreano sa ating bansa, maituturing itong abstraktong pagbalikwas ng kamalayan mula sa mga aninong dala ng mga Kanluranin. Maaari rin itong maging landas patungo sa lagusan ng “Asyanong Pananaw” na sa kalaunan ay posibleng maghawan sa mga balakid ng isang tiyak na daan patungo sa “Pantayong Pananaw”.
Ang mga inihatag sa mga naunang talata ay pawang pagkalahatang konseptong kaugnay ng pagkakaengkanto ng mamamayang Pilipino sa makapangyarihang awit ng Ibong Adarna na nakasakay sa mga ipinayakap na gawi, kultura at tradisyon na dala ng mga kolonisador at ngayon ay pumapasok na rin sa arenang ito ang ilan sa mga karatig bansa natin sa Asya. Mga aninong patuloy na gumagalaw at nagpapagalaw sa sa mga hibla ng kamalayan o pagkataong-loob ng lahing kayumanggi, dahilan upang manatiling bato na waring walang nagtatangkang magbuhos ng tubig upang makalaya sa sumpa ng engkatong na ngayon ay nakabaon sa hulagway ng lahing nanahan sa Lupaing Perlas ng Silangan.
Angtanongngayon ay ito. PaanongmapalalayasamgapagkakaengkantongitoangmamamayanngPilipinas? Kasamabaangmgausapingitosamgabinalangkasnaprogramangkasalukuyangadministrasyon?
Wika Natin ang Daang Matuwid at ang Buwan ng Wikang Pambansa Sa bisa ng Proklamasyon Blg.1041 na nilagdan noong Enero 15, 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda nang pagbabago sa haba ng selebrasyon ng Wikang Pambansa. Mula sa kinagawiang Linggo ng Wika ay ginawa na itong Buwan ng Wikang Pambansa na naglalyong higit na mapatatag ang Filipino bilang Wikang Pambansa at upang higit na magkaroon nang sapat na oras at panahon upang maisulong ang mga progrmang pangwika ng bansa.
Nakaangkla sa mismong islogan ng kasalukuyang Administrasyon ang tema para sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito. “Wika Natin ang Daang Matuwid”, ibinabando ng pamahalaang Aquino bilang tuntungang pahayag ng kaniyang Administrasyon upang sugpuin ang mga tiwaling opisyal at tapusin ang bulok na sistema ng pamamalakad ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Mabigatanghamonngmgasalitangnakapaloobsatemanginihatagng KWF, hindilamangitotumtugonsakarakterngtagapamahalamanapa’ywaringisarinitongbantaparasamgaopisyalnalihissatungtungangprinsipyongpamahalaananguringpamamahala. Ipinahihiwatig din nitonawalangpuwangsakasalukuyangpamahalaananghindikaisa at sasabaysapagtahaksanabanggitnalandas.
Subalit’, ang malaking katanungan ngayon para sa panig ng mga namamahala sa KWF ay kung paano at ano-ano ang mga angkop na programang kanilang isasakatuparan upang makatawid sa Matuwid na Landas ang Filipino bilang isang malakas at matatag na wika ng bansa at pampagtuturo? Hindi lamang ng mga asignaturang Filipino kundi maging ng iba pang mga aralin. Subalit ang ganitong pagtingin ay taliwas sa kasulukuyang realidad, sapagkat tila lumilitaw na sekondaryang wika na lamang ang Filipino sa akdemya at nakapanganambang tuluyang maglaho sa antas tersaryo pagpasok ng taong 2016 na nagtatakda ng ganap na pagpapatupad ng K to 12 Curriculum ng Departamento ng Edukasyon.
Nasaan kung gayonangesensiyangtemangito kung walangpaghahatagnangmatibaynapaninindigan at polisiyangpangwikaangmgatao at ahensiyangkasangkotupangganapnamaisulonganginteresngWikang Filipino bilangPambansangWika, asignatura at wikangpanturo, naunanangnalagaysakahiya-hiyangestadobungangibinabang language policy ngAdministrasyong Arroyo.
Marahil, ang tugon dito ng pamahalaan ay ang programang K to 12.
Nakalulungkot isipin, subalit lantad na katotohanan na ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay waring isang ritwal na lamang bunga ng mga programa ng pamahalaan at mga institusyong akademiko na walang tiyak na direksyon na makapagtutuga sa pagtitiyak ng kalagayan ng Wikang Filipino. Totoong bahagi ng Wikang Filipino ang mga salitang “Daang Matuwid” ngunit nasaan ang kahulugan nito sa mga programa ng pamahalaan kaugnay ng mga isyung pangwika. Kung walang pagkilos na magaganap upang maiayos ang kasalukuyang bako-bakong landas ng Wikang Filipino sanhi nang kawalan nang matatag na polisiyang pangwika ng pamahalaan.
SA DARATING NA PANAHON… Hindi tayo tatanungin sa ganitong paraan: Bakit hindi ikaw si Moises? Manapay ganito ang magiging katanungan: Bakit hindi ka na si Adrian?