4.14k likes | 17.37k Views
PANGSASALING-WIKA. Pagsasaling-Wika. Mga Depinisyon at Kahulugan. - Ito ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang Isinasalin (Santiago). INGLES ------------------------ FILIPINO
E N D
Pagsasaling-Wika Mga Depinisyon at Kahulugan
-Itoang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang Isinasalin (Santiago). INGLES ------------------------FILIPINO ( Wikang Isinasalin ) ( Wikang Pinagsasalinan) Tagabasa A < ======== = > Tagabasa B Pagsasaling-wika- - paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa panimulaang wika papunta sa tunguhang wika
Isang paraan ng paglalapat ng katumbas na kahulugan ng isang wika (isinalin) ng tinutumbasang kahulugan sa ibang wika (pinagsasalinan) Ang pagsasalingwika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal – ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo (Eugene Nida at Charles Taber:1969)
Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika. (Peter Newmark, 1988) Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na naganap sa loob ng isang kontekstong panlipunan (Hatim at I. Mason)
Ang pagsasaling-wika: -paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika -isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihahahayag sa isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika -ito ay dapat mabatay sa mga teorya at simulain ng wika na kagaya ng kahalagahan ng wika, papel na ginagampanan nito sa lipunan ng mga tao, mga uri at antas ng gamit nito, At mga pagbabago sa mga katangian nito samantalang nagbabago rin ang lipunang gumagamit at pakikisama sa kanyang kapwa
MalayangTalakayan He became swell headed after being elected president of the Student Council. Tone down your voice. You are my life and my soul, my inspiration. Laws grind the poor and the rich man rule the law. He seems to have lost his senses.
Isalin:“Like Father, Like Son” “Kung anong puno, siyang bunga” You will know its fruit by its tree(mali; literal na salin)
Isalin:“I’m the apple of her eyes” “Ako ang kanyang paborito” Ako ang mansanas ng kanyang mata (literal)
Isalin:“This is a red letter day” “Isa itong mahalaga at masayang araw” Kulay pula ang araw na ito (mali: literal)
“If I were in your shoes.” “Kung ako ikaw.” “Kung ako ang nasa sapatos mo.” Halimbawa Parirala
“He is a well known poet.” “Isa syang makatang may pangalan.” “Isa siyang bantog na makata.” “Siya ay isang mabuti-alam makata.” Halimbawa (Pangungusap)
Mahigpit ang bilin ng mga dalubwika na dapat iwasan ng nagsasalin ang tumbasang salita sa salitang salin. Dapat ba natin itong sundin? Bakit? 2. Paano nangyayaring nagagamit din ang literal o salita sa salitang salin?
Mga pinapayagang Literal na Pagsasalin
He went out of the room. Salin: Lumabas siya ng kwarto. Give me a piece of string. Salin: Bigyan mo ako ng kapirasong tali.
“The wind is blowing” Salin: “Ang hangin ay umiihip” “ Umiihip ang hangin” “ Humahangin” “Reap what you sow” Salin: “ Anihin kung anong iyong itinanim” “ Kung anong itinanim siyang aanihin”
President Cory was accorded a state funeral. Salin: Si Pangulong Cory ay binigyan ng pambansang libing. Gawaing Pang-upuan: Bumuo ng limang pangungusap na Ingles pagtapos ay isalin ito sa Filipino.
PAALALA Nananatili sa Filipino ang mga sagisag internasyonal sa larangan ng agham at teknolohiya katulad ng: (iron(Fe)-bakal; water(H2O)-tubig; salt(NaCl)-asin; calcium(Ca)- kalsiyum; muriatic acid(MCl)-asido muryatiko; ammonia(NH)- amonya; calcium carbide(CaC)-kalburo; lime(CaO)-apog; silicon lioxide(SiO)-buhangin; nickel(Ni)-nikel; copper(Cu)-tanso; tin(Sn)-lata; iodine(I)-yodo; phosphorous(P)-posporo; arsenic(As)-arseniko)
St.Jerome • Ang totoong pangalan niya ay Eusebius Hieronymus Sophronius. • Siya ay pinanganak sa Stridone- Zrenj (347). • Siya ay isang doctor of the church, theologian, writer and historian. • Nag-aral siya sa Roma,kung saan ang kanyang guro ay siAelius Donatus. • Doon dumaan siya sa standard course of studies classical literature and rhetoric. • Siya ay bininyagan ni Pope Liberius, sa taong 366.
Nagsimulang magkaroon ng sistematiko at maayos na mga simulain at panuntunan ng pagsasaling wika sa panahon niya nang ihanda niya ang “Bagong Tipan ng Bibliya” sa atas ni Papa Damaso. Sinunod niyang simulain at panuntunan ng pagsasaling wika ang “diwa sa diwa” at hindi “salita sa salita”.
Unang Yugto – Panahon ng Kastila sa Pilipinas Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin noong panahon ng pananakop ng mga Kastila dahil sa pangangailangang pangrelihiyon ang mga akdangTagalog at ibang katutubong ang mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana (Kristiyanismo).
Ikalawang Yugto – Pagdating ng Amerikano Nang pumalit ang Amerika sa España bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na ginagampanan ng pagsasaling wika. Kung ang pangunahing paraang ginamit noong panahon ng Kastila ay krus o relihiyon para masakop ang Pilipinas; edukasyon naman ang kinasangkapan ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay napilitang pag-aaralan ang pagsasalita at pagsulat sa Ingles.
Ikatlong Yugto – Paglinang at Pagtupad sa patakarang Billingwal -Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa, kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon.
Ikaapat na Yugto – Pagsasalin ng mga akda at tekstong di- Tagalog -Ang maituturing namang ikaapat na yugto na kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog. -Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na ‘pambansa’.
Paanong nakatulong ang pagsasaling-wika sa kasalukuyang panahon? • 1. Nagkakaroon ng mga kaalaman at mga karunungang nababasa at napag-aaralan na naisulat sa iba’t ibang wika. • 2. Napapahalagahan ang ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lipunan at lahi ng iba’t ibang bansa sa mga partikular na panahon • 3. Mas kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral.
1. Sapat na kaalaman sa 2 wikang kasangkot sa Pagsasalin a) Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin 1. kailangang maunawaan ang bawat himaymay ng kahulugan ng salita, gamitin ang anyo ng mga pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami. 2. Pag-isipan at suriin ang angkop na salitang gagamitin sa salin 3. Kung may alinlangan sa kahulugan gumamit ng diksyunaryo kung kinakailangan
2.Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. a) malaking tulong para masapol ang konseptong napapaloob b) Nagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalin ng parirala, pangungusap, talataan, idyoma at tula
3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin • Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay makatutulong para masapol ang tunay na nais paratingin ng teksto. • b) Magsaliksik para makatipon ng iba pang impormasyon para mas lumawak ang kaalaman na malaking tulong sa magiging bisa at kahusayan ng salin • c) Kailangang ganap na maunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at intensyon ng awtor ng akdang isinasalin.
Tandaan na ang wika ng isang bansa ay laging nakabuhol sa kanyang kultura. • Kung ano ang mga kahulugang sangkot sa kahulugan ng mga salita • Hal: Ingles Filipino • ricerice • 1. He plants rice : (palay) 1. Nagtatanim siya ng palay. • 2. He cooks rice: (bigas) 2. Bumili siya ng bigas. • He eats some rice: (kanin) 3. Nagluto siya ng kanin. • 4. Kumain siya ng bahaw. 5. Nagluto si nanay ng malagkit. 4.Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
5. Sapat na kalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin • Alamin ang istuktura o ayos ng pangungusap ng isasalin (Ingles) para maiakma sa wikang pagsasalinan (Filipino) • Hal: Ingles Filipino • 1. Ayos ng pangungusap • Subject + Predicate Panaguri + Paksa • Paksa + panaguri 2. Pagpaparami ng pangngalan • Mouse mice daga mga daga kiss kisses halik mga halik 3. Impleksiyon ng pandiwa – natapos na ba ang kilos, ipinagpapatuloy pa o binabalak pa lang gawin ang aksyon.
Paano nga ba ang makukuha ang tama at angkop na salin? MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSASALIN
1. Suriin kung ang pangungusap ito ay Malaya o pormula. Pormula – hindi nagbabago ang anyo Halimbawa: How do you do? Salin: Kumusta Ka? Malaya – paiba-iba ng anyo Halimbawa: Rizal started writing poems at an early age. Salin: 1.1. Bata pa lamang ay nagsimula na si Rizal sa pagsusulat ng mga tula. 1.2 Si Rizal ay bata pa nang simulan ang pasusulat ng mga tula. 1.3 Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng mga tula nang siya’y bata pa. 35
2. Huwag ipagwalang-bahala ang maraming kahulugan ng salita, mag-ingay kung may madadagdag na salita o parirala dahil maaaring makapekto sa kahulugan ng salita. • Halimbawa: • He is learned. • learned – marunong, natuto • ** Siya ay marunong. • ** Siya ay natuto. • He knows how to swim. • ** Siya ay marunong lumangoy. • ** Alam niya kung paano ang • lumangoy.
Suriin kung ang pangungusap ay idiyomatiko o kawikaan - katulad din ng pormula na diwa ang isinasalin at hindi salita. Hal: give thanks - magpasalamat To give birth to – manganak To give up to the enemy – sumuko sa kaaway To give away – magpaubaya To give ear – pakinggan 37
Run across – nakasalubong Run after – habulin, tugisin Run short – kapusin, kulangin Run over – sagasaan 4. Ang salin ay dapat pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal. 5. Kunin ang pinakamalapit na kahulugan ng salita, parirala kung ang diwa ay maisasalin nang literal.
6. Isama ang pandiwa, pang-uri, pang-abay at pangngalan sa pagsasalin bagaman maaaring mapalipat ng posisyon o kinalagyan sa pangungusap. Hal: jumped –tumalon jumping-tumatalon mountains – mga bundok mountain- bundok 7. Sundin ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan. Halimbawa: Ingles: Subject + verb Filipino : Panaguri + Paksa Paksa + Panaguri 39
Sikaping maging maugnayin (consistent) o isang salin lamang ang gamitin sa bawat salitang tinatapatan (Pamfilo Catacataca) • 9.Tiyaking ang salin ay may natural na “tunog” o “daloy” o istilo ng wikang pinagsasalinan. • This sentence will be translated from English to Filipino. – Ang pangugusap na ito ay isasalin mula Ingles sa Filipino.
Ipaliwanag Kung paano isasakatuparan ang pahayag sa ibaba. Ayon kay Dr. Jose VillaPanganiban (Dating Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa): Ang tuntuning panlahat sa pagsasalingwika ay ang MALAYANG PAGSASALIN
Sa malayang pagsasalin kailangang: 1. Maunawaan muna ng nagsasalin ang kahulugan ng orihinal na teksto. 2. Mabuting pag-unawa sa mga kahulugang Tagalog (o wikang pinagsasalinan) at mga katangian sa pagpapahayag sa wikang ito
3. Kahusayan sa balarila at retorika upang ang mga pangungusap ay maging maluwag at magaang basahin o bigkasin 4. Dumaan ang nagsasalita sa literal na salin bago gawing diwa sa diwa upang makita muna ang di-wastong ayos. • Sa ganitong paraan, nakikita muna kung ano ang mga nararapat ituwid
Halimbawa: Orihinal: Honor, affluence, and pleasure seduce the heart. Saling literal: Karangalan, kariwasaan at kasayahan naghahaling ng puso. Saling malaya: Panghaling sa puso ang karangalan, kariwasaan at kasayahan.
“ Salita” laban sa “Diwa” • 2. Himig- orihinal” laban sa • “Himig – salin” • 3. Estilo ng Awtor” laban sa • ”Estilo ng Tagapagsalin”
“ 4. “Panahon ng Awtor” laban sa “Panahon ngTagapagsalin 5. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring Baguhin” 6. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula- sa-Prosa”
Layunin: 1. Sa pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda Bienvenido Lumbera 2. pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon 3. Sa pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang ituturing na makabuluhan ng isa o ilang tao.
Dahil sa pagsasaling-wika: • Nagkakaroon ng kaalaman at karunungan nababasa at napag-aaralan sa iba’t ibang wika. • Napapahalagahan ang ang aspekto ng kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lipunan at lipi ng iba’t ibang bansa sa mga partikular na panahon Sa larangan ng edukasyon: - Mas kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit na kaugnay ng mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral.