480 likes | 4.07k Views
Tips sa Pagsulat ng Riserts. Kahulugan : - Isang maingat at masinop na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa isang paksa. Katuturan:
E N D
Kahulugan : - Isang maingat at masinop na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa isang paksa. Katuturan: - Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natutulungan ang isang indibidwal sa pagtuklas ng ilang bagay na nais malaman sa pamamagitan ng pagkalap ng mga napag-aralan na rin ng iba. Sulating Pananaliksik
Layunin 1. natuturuan ang isang indibidwal na maging independent sa kanyang pag-aaral. 2. nadedebelop ang kakayahang mag-organisa nang lohikal. 3. nasasanay na maging mapanuri sa pamamagitan ng makabuluhang pagpili na babasahing magagamit sa pananaliksik.
Mga Uri nga Pananaliksik • Maka-agham o siyentipiko • Makakuha ng katibayan o katunayan • May haypotesis o eksperimento • Ang pamamaraan ay pabuod o indaktibo
Pampanitikan o Literari • Mas payak karaniwang ginagamit sa kolehiyo • Walang haypotesis o eksperimento
Ang Pagpili ng Paksa • Interesado ang gagawa at mambabasa • 2. Payak at ispisipiko • 3. Sapat ang mga materyales na pagkukunan • 4. Iwasan ang paksang teknikal • 5. Napapanahon
Ang pagpapayahayag ng layunin 1. Gumawa ng paunang pahayag 2. Suriin ang mga salita ayon sa tiyak na kahulugan 3. Bigyan ng kahulugan ang mga termino
Ang Paghahanda ng Tentatibong Bibliograpi 1. Isulat ang tentatibong bibliograpi sa 3” x 5” na indeks kard. 2. Paggamit ng Kard Katalog a. Kard sa awtor b. Kard sa paksa c. kard ng pamagat * Taglay ng bawat kard ang mga impormasyon: a. pangalan ng awtor b. pamagat ng libro c. lugar na pinaglimbagan,palimbagan at petsa ng pagkakalimbag d. ilang pahayag tungkol sa nilalaman ng libro
Ang Paggawa ng Tentatibong Balangkas 3 Uri ng Balangkas 1. balangkas sa paksa 2. balangkas sa pangungusap 3. balangkas sa talata
Pamagat: “ Ang mga Suliranin sa pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan ng Ikaapat na taon sa Hayskul “ Halimbawa ng Tentatibong balangkas
I. Introduksyon • Kahulugan ng panitikan at mga uri nito B. Layunin sa Pag-aaral ng panitikan
II. Ang Mga suliranin sa Pagsusuri ng mga akdang pampanitikan • Mga uri ng Panitikan B. Mga simbolismo at pagdulog C. Mga kahinaan sa termino at talasalitaan
III. Pangwakas A. Pagbubuod B. Konklusyon C. Rekomendasyon
1. Gumamit ng indeks Kard 2. Isang ideya bawat kard 3. Maging maingat sa pagbubuod ng sinasabi ng isang awtor. Sipiin ng buo ang mga kailangang kopyahin ng ekasakto. Mga dapat isaalang-alang
Mga Pinagkunan ng Datos 1. Pangunahin a. binubuo ng manuskrito b. mga dokumentong pampubliko na opisyal at pribado c. panayam o interbyu 2. Sekondaryaa. a. nakalimbag na na bunga ng naunang pananaliksik
Ang Pagsulat Mismo sa Papel - maging mapanuri sa pagsulat. Isama ang mga impormasyong mahalaga at itapon ang hindi kakailanganin sa sulatin.
Ang Pangwakas na Balangkas a. karaniwang balangkas ng pangungusap. b. maging konsistent sa paggawa ng balangkas. c. Pormal sa anyo at ang gagamiting panauhan ay ikatlo maliban sa paunang salita.
Ang Pagwawasto Mga Dapat Tandaan: • Basahin ng mabuti ang mga pangungusap na medyo masakit sa mata at pagkakasulat. 2. Itanong sa sarili a. ano ba ang pangunahing ideya? b. maliwanag ba ito sa sinulat? c. sapat ba ang pagtalakay? d. magkakaugnay ba ang mga pangungusap? e. orihinal ba ang pagkakapahayag?
Ang Pagtatalababa -Ang talababa ay ang pagbibigay bangit sa mga pinagkunan ng mga datos sa ginawang pananaliksik. Uri ng Talalababa 1. Kumikilala 2. Nagbibigay-kahulugan at/o impormasyon
Paglalagay ng Talababa at Pagmamakinilya -Ang unang talalababa sa ilalim ng papel ay nakamakinilya ng dalawang espasyo sa ilalim ng linyang isa at kalahating dali ( inch ) ang haba na siyang naghihiwalay sa teksto. May indensyon na pitong espasyo.
Halimbawa: Libro: Isang awtor Juan S. Tupido, Ang Tamang Pagtawid sa Kalsada ( Quezon City: R.P. Pulubi Publishing House Co., 1990), p.89.
Mahigit sa dalawang awtor Gloria D. Macuscos et al., Sining ng Malikhaing Paglalaba at Pamamalantsa ( Cavite City, R.P. Dugyot Publishing House Co.,Inc., 1998), p.178.
Journal: Renato O. Touto, “ Ang Iskwater sa Taong 2008 “ mula sa Mga bagong Pananaw sa Lipunan ( Journal ng Masaklaw na kalagayan sa Lipunan ), Jose Pidal Valiw, blg. 23-24 ( 1972-73 ) , pp.101-500
Magasin: Leon B. Mangubat, “ Ang Kahayupan sa bayan”, Malaya, bol. 3, blg.8, pp.9-12.
Pahayagan: Esteban M. Pagtakhan, “ Taguan sa Lansangan:, Abante, Nob.1,1988, p.2
Nalathalang ulat: Geisa G. Jillien, Pag-aasawa ng banyaga, Ulat ng mga Marino, Sampaloc,Manila, Enero, 23, 1990 ( Sampaloc,Manila:Tanggapan ng Marino,1990 ), p.9.
Panayam: Kosina D. Malinis, Isang pribadong panayam na naganap pagkatapos ng pulong ng Kapisanan ng mga Mambababoy sa Bulacan, noong Agosto13,1998.
1 Bayani T. Akot at Milagros D. Banal, Kasaysayan ng mga Hunghang sa Pilipinas ( Quezon City: R.P. Gahaman Publishing House Co., 2004), p.2008 2 Ibid. 3 Ibid., p. 989. 4 Dra. Reneyda D. Maantig, “ Ang bayan kong Sawi”, Malaya, bol.1, blg.7, 1997. p.9 5 Kokie S. Bagal, “ Taguan sa Basilan”,Remate, Enero 18,2000, p.8 6 Ibid. 7 Maantig,loc. Cit. 8 Pusti N. Baso, Pabahay sa mga Asong Gala,Ulat ng Komite ng Pabahay,Sampaloc,Manila Enero 18,1989 ( sampaloc,Manila:Tanggapan ng Mayor,1990)p.8. 9 Banal, op cit., p.10
Mga Daglat ng Ginamit sa Pagtatalababa: blg. bilang bol. Bolyum cf. confer,ihambing et al. et alii,at iba pang manunulat ibid. ibidem ( in the same place ) sa parehong akda na magkasunod kab. Kabanata loc cit loco citato ( in the place cited) sa parehong pinagkunana na may namamagitang ib pang pinagkuan. Ang apelyido lamang ng awtor ang ilalagay.
Op Cit. Opere Citato ( in the work cited ), sa parehong pinagkunan na may namamagitang iba pang pinagkunan pero iba ang pahina.ang apelyido lamang ng awtor ang iallagay at ang bilang ng pahina. p. o pp. pahina o mga pahina sal. Salin [sic] ayon sa orihinal, may napansing kamalian ang sumulat ngunit hindi iwawasto.walang tuldok. w.p. (n.d.) walang petsa
Ang Pagsisipi Kailangang ang pagsisipi ay eksaktong kopya ng orihinal ayon sa pananalita,baybay,mga pananda at mga malalaking letra.
Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagsisipi 1. Kailangang lagyan ng dobleng panandang panipi ang buong sipi. “ Ang Karamdaman ng Bansa ay Kanser na Papatay sa kabataan.”
2. Kapag ang sipi ay higit sa limang linya, kailangang ibukod ito sa talata. Ang pagsisimula ng talata ay mayroon ding apat na espasyong indesyon. “ Ang bayang sawi ay bayang lugmok sa lugatisubalit ang bayang may pusong banal ay biyaya ng langit sa ating daigdig. Kaya manapa ay maging marangal upang ang bansa ay maging maligaya at mapayapa.” Ang kalagayan ng bansa ay tunay na…
3. Kung may bahaging kakaltasin sa sipi, ipaalam ito sa pamamagitan ng elipsis (…) at kung sa dakong huli ay idagdag ang tuldok kaya nagiging apat na tuldok (….) “ Ang mga Pilipinang nag-aasawa ng dayuhan ay ….”
4. Kung isang buong talata ang kinaltas ay ipaalam ito sa pamamagitan ng isang buong linya ng mga tuldok na may pagitan. Ang Pahayag ng guro ay lubhang nakatutuwa, “ Ang buhay ay maikli kailangang simulan ang bagay na magbibigay kulay sa iyong pagkatao . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . “
5. Ang isa pang sipi sa loob ng sipi ay nangangailangan ng isang panipi. “ Hindi kailanman tutuwid ang isang buktot na punongkahoy kung ito’y lumaki ng gayun na. “ Ang bungang kakainin ay siyang pinaghirapan matamis man ito o mapait .” Sapagkat ang punong ang bunga ay matamis ay lubos na tuwa sa kakain ay hatid.”
6. kapag may isisingit na pagbabago,pagwawasto o ano mang paliwanag, ilagay ito sa loob ng braket. “ Ang pinag-aalan ay ‘wag ipagyabang sapagkat ito ang lason na sa iyo ay papaslang.” [ Ang kayabangan kailanman ay magiging kapahamakan ng sinumang nilalang na gagawa ng ganitong kamalian. Tandaan na ang edukasyon ay nariyan upang gamitin sa kabutihan at hindi ng sariling kapakanan lamang. ]
7. Kung may mapunang pagkakamali sa baybay,salita,grammar o kaisipan, ipaalam ito sa pamamagitan ng salitang [sic] (walang tuldok ) At ipaloob sa dalawang braket. “ Ang tunay na talino ay nasa puson [sic] ng tao, hynghang [sic] ang nilalang na magpapanggap na henyo o pantas.”
8. kapag ang panghuling panipi at iba pang pananda ay magsasama, ang sumusunod na tuntunin ang dapat sundin: a. lahat ng tuldok at kuwit ay dapat na nasa loob ng paninipi. b.lahat ng tutuldok at tuldokuwit ay ilagay sa labas ng panipi. c. ang tandang pananong at panamdam ay depende sa pagkakagamit-kung kasama sa sipi o hindi. Kung bahagi ng sipi, ilagay sa loob ng panipi; kung hindi, ilagay sa labas ng panipi.