190 likes | 602 Views
“Ang salita nati’y huwad din sa iba, Na may alpabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa, Ang lunday sa lawa noong dakong una.”. MARY ANNE B. VILLANUEVA. Tagapag-ulat. ANG EBOLUSYON NG ORTOGRAPIYA SA PILIPINAS. ANG ALIBATA.
E N D
“Ang salita nati’y huwad din sa iba,Na may alpabeto at sariling letra,Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,Ang lunday sa lawa noong dakong una.”
MARY ANNE B. VILLANUEVA Tagapag-ulat
ANG ALIBATA • Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa sa paniniwalang ang ating mga ninuno ay may kalinangan at sibilisasyon na bago pa mang dumating ang mga Kastila. • Samakatwid, mayroon na silang sistema ng pagsulat gamit ang alpabeto na tinawag nilang alibata.
Sa pag-aaral ni Dean Paul Versoza, 1914, sinabi niyang ang Alibata ay tumbas rin ng Baybayin. • Sinabi niyang ang alif, ba, at ta ay ang mga unang titik sa Arabikong Dialekto ng Maguindanao. • Hindi man niya lubusang naipaliwanag ang malinaw na relasyon ng baybayin at ng alibata, sinang-ayunan na rin ito ng maraming mga dalubwika.
ALPABETONG ROMANO • Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata. Itinuro nila sa mga Pilipino ang alpabetong romano, na itinuturing na mahalagang ambag ng mga Kastila. • Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila kaya di naglaon ay mas nakilala itong ABECEDARIO.
A B C CH D E F /a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ G H I J K L /he/ /ache//i/ /hota/ /ke/ /ele/ LL M N Ñ O P /elye/ /em/ /ene//enye/ /o/ /pe/ Q R RR S T U /ku/ / ere//erre/ /ese/ /te/ /u/ V W X Y Z /ve/ /doble u/ / ekis/ /ye/ /zeta/
HALIMBAWANG TEKSTO Cahinahinaiang cung ito i maputi, Cucupas ang bañgo, culai mauauacsi At yaong may ibig na mañgagcandili, Cusang pababayaan sa pagcaruhagi. Mula sa Sa Mai Mañga Anac na Dalaga ni Modesto Santiago
ANG ABAKADA • Hindi lahat ng Pilipino ay yumakap sa sistema ng ABECEDARIO. May ilang nagpasyang magsalamin ng tatak Pilipino at isa na rito ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal. • Kaya bunga ng pagsusumikap ni Lope K. Santos, binalangkas niya ang bagong alpabeto na tinawag sa ngalang ABAKADA. (1940)
MAKABABONG ALFABETONG FILIPINO • I. Ang Alfabetong Filipino • Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos: • A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, • NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z • Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa Ñ (enye) na tawag-Kastila. • A /ey/B /bi/C /si/D /di/E /i/F /ef/G/ji/H /eych/I /ay/J /jey/K /key/L /el/M /em/N /en/Ñ /enye/NG /enji/O /o/P /pi/Q /kyu/R /ar/S /es/T /ti/U /yu/V /vi/W /dobolyu/X /eks/Y /way/Z /zi/