1 / 185

EBALWASYON SA KATATASAN SA PAGBASA

EBALWASYON SA KATATASAN SA PAGBASA. PATROCINIO V. VILLAFUERTE Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila. Panimula. Nakababahala ang pagdami ng mga mag-aaral na hindi makabasa’t makasulat. .

thane
Download Presentation

EBALWASYON SA KATATASAN SA PAGBASA

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. EBALWASYON SA KATATASAN SA PAGBASA PATROCINIO V. VILLAFUERTE Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila

  2. Panimula Nakababahala ang pagdami ng mga mag-aaral na hindi makabasa’t makasulat.

  3. Sa panahon ngayon na mabilis matuto ang mga mag-aaral sa tulong ng makabagong imbensyon ng teknolohiya gaya ng internet, nakapagtatakang napakabagal ang pag-unlad sa pagbasa ng mga mag-aaral.

  4. Marami pa ring nakababasa nang mabagal at hindi nauunawaan ang binabasa, at mayroon ding mga nakababasa ngunit hindi matatas at hindi tuluy-tuloy.

  5. Dahil sa mga suliraning ito, mahalagang makatuklas ng mga bagong paraan ang mga guro upang mabawasan ang ganitong suliranin.

  6. Kailangang mapanatili sa kanilang kaisipan na upang maging ganap na produkto ang pagbasa, kailangang makagawa sila ng mga hakbang sa pagkakaroon ng mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa.

  7. Layunin ng papel na ito na (1) makapili ng tekstong nakalilibang basahin para sa matatas at tuluy-tuloy na pagbasa, (2) makagamit ng mga estratehiyang angkop para sa matatas at tuluy-tuloy na pagbasa,

  8. at (3) makalikha ng mga gawaing pangklasrum para sa matatas at tuluy-tuloy na pagbasa.

  9. Ang mga Katangian ng mga Mag-aaral na Matatas at Tuluy-tuloy Bumasa

  10. 1. Malayang nakapipili at nakababasa ng mga akdang nakalilibang mula sa mga tekstong historikal at kontemporaryo. Walang pinipiling basahin ang mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa.

  11. Mula sa tekstong pangkasaysayan hanggang sa makabagong uri ng babasahin ay interesado pa ring basahin ng mga mag-aaral ang mga akdang naglalarawan ng kalagayan

  12. ng ating mga kababayan noong unang panahon at maging sa panahong sinakop ang Pilipinas ng mga dayuhan. Samantala, nakahihiligan ding basahin ng mga mag-aaral ang mga kasalukuyang

  13. akda gaya ng tula, sanaysay, maikling kuwento at dula-dulaan na nakapokus ang paksa sa tao, pamilya, paaralan, kapaligiran at lipunan.

  14. 2. Ipinagpapatuloy ang interes sa pagbabasa at may panahong bumasa. Madaling makilala ang mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa. Ang isang paraan ay ang pag-alam sa oras na kanilang iginugugol sa pagbabasa.

  15. Bukod dito, patuloy silang nagtatanong at naghahanap ng mga akdang babasahin, pagpapatunay lamang na nagpapatuloy ang kanilang interes sa pagbasa.

  16. 3. Umaasang makatutuklas ng mga bagong kaalaman sa binasang akda. Ang mga mag-aaral ay umaasang makatutuklas ng mga bagong kaalaman sa binasang akda at maiaplay ang mga ito para sa malawak na pagbasa.

  17. Iba-iba ang uri ng babasahing binabasa ng mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa. Mula sa malapantasyang babasahin hanggang sa mga babasahing nauukol sa agham at teknolohiya, partikular sa mga

  18. makabagong imbensyon. Dahil dito, patuloy na nakatutuklas ng mga bagong salita at impormasyon ang mga mag-aaral na magagamit nila sa pang-araw-araw na gawain.

  19. Ang Mapanuring Pag-iisip ng Mag-aaral na Matatas at Tuluy-tuloy Bumasa

  20. 1. Natutukoy at naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda. Hindi lamang sa akdang binabasa nakatuon ang mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa.

  21. Matapos niyang matukoy ang mga pangyayari sa akda ay ipinaliliwanag niya kung bakit ganoon ang naganap. Ipinaliliwanag din niya ang naging desisyon ng may-akda sa naging wakas ng akda.

  22. 2. Natutukoy at naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda. Dahil ang isa sa mga gustung-gustong basahin ng mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa ay

  23. panitikan, hindi siya nasisiyahan na basahin lamang ang akda at sagutin ang mga tanong. Ipinaliliwanag niya ang naging pananaw ng may-akda na likhain ang ganito’t ganireng karakter, tagpuan, atbp.

  24. 3. Nailalahad ang mga napapanahong isyu mula sa mga napakinggang balita o pangyayari sa radyo, napanood na palabas sa telebisyon, at nabasa sa pahayagan at naiuugnay ang mga ito sa kanilang naging karanasan.

  25. Ang mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa ay nakapaglalahad ng mga karanasang batay sa mga sitwasyong kanyang napakinggan o napanood. Madali niyang maiugnay ang kanyang mga naging karanasan sa paksa at mga naganap na pangyayari.

  26. Ang Pagpapalawak ng Wika ng mga Mag-aaral na Matatas at Tuluy-tuloy Bumasa

  27. 1. Nagagamit ang talaan ng nilalaman, glosaryo at indeks nang may tiwala sa sarili. Mabilis gamitin ng mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa ang mahahalagang bahagi ng aklat at ng iba pang babasahin.

  28. Pagkaraang matutuhan ang paggamit ng mga ito ay madali nilang matukoy kung saang pahina matatagpuan ang bawat bahagi at mabilis nilang nagagamit ang mga ito nang may buong pagtitiwala sa kanilang sarili.

  29. 2. Nagbibigay-puna sa mga elemento ng mga akdang bungang-isip lamang ng may-akda gaya ng banghay, mga tauhan, gayundin ng mga makatotohanang akda gaya ng pangangatuwiran, sariling pananaw, atbp.

  30. Dahil matatas at tuluy-tuloy bumasa, mabilis makapagbigay ng sariling ideya o opinyon ang mga mag-aaral na matatas at tuluy-tuloy bumasa ukol sa mga isyu o bagay-bagay na mahalagang pag-usapan mula sa mga akda na kanyang nabasa.

  31. Isinasaad sa Philippine Elementary Learning Competencies ng Basic Education Curriculum sa Filipino ang ganito:

  32. Para sa mabisang pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay nalilinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon at iba’t ibang kagamitan tungo sa lubusang pagkatuto.

  33. Ang mga bata ay tuturuan ng angkop na kagamitang panliteratura tulad ng jingles, tugma, tula, diyalogo, atbp

  34. Samakatuwid, mula sa pahayag na ito ay kinikilala ang panitikang pambata bilang isa sa mga salik na tutugon sa mabisang pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral lalung-lalo na sa

  35. mga may depekto sa pagsasalita at sa mga hindi makabasa nang matatas at tuluy-tuloy.

  36. Ang mga Estratehiya sa Pagbasa nang Matatas at Tuluy-tuloy

  37. 1. Shared Reading. Maraming babasahin ang angkop sa pagbabahagi ng binabasa. Hinihikayat ang mga mag-aaral na nagsisimula pa lamang bumasa nang matatas at tuluy-tuloy na ibilang ang istilo, relasyon ng

  38. binabasang akda sa mga akda mula sa ibang lugar at panahon, at iba pang perspektibo ng panitikan. Narito ang paraang susundin sa estratehiyang ito:

  39. 1.1. Bago Bumasa – Pagpapakilala sa tekstong babasahin Bago bumasa ay ganyakin muna ang mga mag-aaral na basahin ang pamagat ng akdang

  40. babasahin. Ipalarawan din ang nakapaloob sa aklat. Kung ang babasahin ay isang alamat, kailangan munang banggitin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng alamat at kung paano ito naiiba sa ibang anyo ng akdang tuluyan.

  41. Sabihin: Mga bata, ano ang pamagat ng akdang babasahin natin ngayon? Sagot: Alamat ng Buwan at Bituin. Itanong: May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang kahulugan ng alamat?

  42. Kung walang nakakaalam o wala ni isa mang mag-aaral na sumagot, sabihin sa kanila ang kahulugan ng alamat.

  43. 1. Ang alamat ay isang uri ng kuwento na naglalarawan kung saan nagmula ang isang tao, bagay, lugar o hayop.

  44. 2. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o di pangkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

  45. 3. Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.

  46. Kung hindi nababasa sa pamagat ang uri ng kuwento na ipababasa sa mga mag-aaral ay ipokus na lamang ang pamagat at ang larawan sa pabalat ng aklat. 1.2 Habang Bumabasa

  47. 1.2.1 Pagtalakay sa teksto Sa bahaging ito, hindi dapat magambala ang pagbabasa ng mga mag- aaral dahil lamang sa maraming pagtatanong ng guro o pagtalakay sa

  48. kabuuan ng kuwento. Kailangang mabigyang-pansin ang iba’t ibang kilos ng mga tauhan sa kuwento at ang kalakasan ng mga larawan na nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

  49. 1.2.2 Pagtalakay sa istilo Mahalaga ring mapag-usapan ang istilong ginamit ng tagaguhit sa paglalarawan ng mga pangyayari sa kuwento.

  50. Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga reaksyon sa pamamagitan ng malikhaing gawain. Maaari nilang magawa ang alinman sa mga sumusunod:

More Related