1.04k likes | 5.81k Views
Kasanayan sa Pagbasa. Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum (Urquhart at Weir)
E N D
Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum (Urquhart at Weir) • Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng aktibidad na kinasasangkutan ng awtor na siyang nagsulat o nag-enkowd ng mga simbolo na walang iba kundi ang mga letra para maghatid ng mensahe sa bumabasa
Sa pagtanggap ng masimbolong nakakodang mensahe, kailangang aktibo lahat sa aspektong mental sa kakayahan ng tagatanggap sa pagbasa • Kailangang gumagana ang kanyang memorya para maalala lahat ng kanyang mga kaalamang pangwika, gayundin, ang kanyang mga pinagdaanang karanasan para maiugnay sa binabasa. • Kailangang gumamit ng mga istratehiya para madali niyang makilala ang mga simbolo, makuha ang mga kahulugan, at maintindihan ang kaisipan o mensaheng ipinarating
Pagbasa at ang Halaga nito sa Tao • Susi sa pagtuklas sa mas malawak pang karunungan • Sa pagbabasa nadidivelop ng tao ang kanyang katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at nakakamtan niya ang kasiyahan at kayamanang dulot ng karunungang nakakatas sa mga tekstong kanyang binabasa • Nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging puhunan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan, sa kapwa at sa mundong kanyang ginagalawan
Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa tungo sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na nais marating ng tao sa pagkilala sa mga bantog at dakila na hindi nakikita • Gabay ito sa pagtugaygay ng landas sa mga karanasan at mithiing pinapangarap ng tao • Nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan • Isa itong aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nagbibigay ng iba’t ibang karanasan sa buhay
Dalawang Pangunahing Layunin sa Mapanaliksik na Pagbasa • Makapangalap ng mahalagang impormasyon at mapataas pa ang antas ng pag-unawa • Nagagawa ito sa pang-araw-araw na pagtunghay sa mga dyaryo, magasin, folyeto at iba pa • Magagaan lamang ang mga itong intindihin • Hindi gaanong pinag-iisipan sapagkat nakakapantay lamang ng ordinaryong pang-unawa • Isang paraan ng pagpapalipas-oras kaya’y paglilibang • Ito ay kasanayang pangmemorya lamang ng mga kaalaman
2. Magpalawak at magpalalim ng pang-unawa • Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil mabigat intindihin ang mga materyal na kinakailangang basahin • Mataas ang antas ng nilalaman nito sa kakayahang umunawa ng bumabasa • Ito ay kasanayang pampagkatuto sapagkat hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para tuklasin ang mga nakapaloob ditong mga konsepto o mensahe • Ginagamit dito ang malarong imahinasyon, matalas na pagmamasid, matalinong panunuri, at masigasig n apagmumuni
Kahalagahan ng Pagbasa • Pangkasiyahan • Pangkaalaman • Pangmoral • Pangkasaysayan • Pangkapakinabangan • Pampaglalakbay-diwa
Hakbang sa Pagbasa Bilang Isang Proseso • Isang mental na aktibidad ang pagbasa • Hindi ito basta pangmata o pagtingin lamang sa nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang simbolo kundi isang pagtuklas sa mga nakapaloob ditong kahulugan 1. Kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang simbolo para magkaroon sa isip ng imahe nito • Ang pagkilalang ito bilang isang hakbang ay tinatawag persepsyon
2. Komprehensyon • Aksyon o proseso sa pagkuha at pag-intindi sa ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo • Naisasagawa ito sa literal o sa maasosasyong • Sa pamamaraang literal, nakukuha at naiintindihan ang kahulugan sa diksyunaryo • Sa pamamaraang maasosasyon, nakukuha naman sa personal na karanasan ng bumabasa • Denotasyon ang tawag sa kahulugang literal, samantalang, konotasyon naman yaong mga kaisipan o konsepto kaya’y mensaheng nakukuha sa teksto sa pamamaraang maasosasyon
Unang Hakbang Pagkilala sa salita Ikatlong Hakbang Realisasyon (paghuhusga at emosyonal na pagtugon) Ikalawang Hakbang Pag-unawa (pagbuo ng konsepto ng isang salita) Hakbang sa Pagbasa ayon kay Gray Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip, pag-eevalweyt, paghuhusga at paglutas ng suliranin Ikaapat na Hakbang Integrasyon (pagsasama ng bagong ideya sa personal na karanasan)
Persepsyon • Kakayahang bigkasin ng mga pang-unawa ang mga salita 2. Komprehensyon • Kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng konsepto 3. Realisasyon • Nangangailangan ng paghuhusga at pagwawari tungkol sa ano ang sinasabi ng awtor 4. Integrasyon • Kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anumang konseptong nauunawaanupang maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan
Ugnayan ng Simbolo at tunog sintaksis • Ipinakita ni Gray na ang pagtuklas ng kahulugan ang dapat na maging sentro ng pagbasa • Mahalaga sa pagbasa ang may kaalaman sa mga salita, balarila at kagalingang pansemantika. Ang mga ito ay makatutulong sa pagbigay ng mabilis ng fidbak o reaksyon sa akdang binasa, makatutulong din ito sa paghinuha ng nilalaman ng iba pang babasahin Balarila at ng wika Kahulugan
Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Interpretasyon • Para mapadali ang pag-intindi sa binabasa, may isang tanging batas na dapat sundin “kilalanin ang pagkakagamit ng mga salita para agad mahinuha ang ipinakakahulugan” 1. Denotasyon • Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal na kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktuwal na kahulugan” • Bigkas – kung paano ang salita isinasatunog o isinasaboses pag sinabi • Bahagi ng panalita – kung nominal ito(pangngalan o panghalip), kung pandiwa, kung panuring(pang-uri o pang-abay), pang-ugnay(pangatnig o pang-angkop)
c. Etimolohiya o pinagmulan ng salita – nagpapahiwatig na ito ng kultural na ring kahulugan d. Kayarian ng salita kung paano nabuo 2. Konotasyon • Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong kahulugan na maaaring nagsaad ng kultural o pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng pragmatikong kahulugan ayon sa pagkakagamit ng salita sa pangungusap • Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito sa ibang salita na kolokasyon naman ang tawag • Sa isang akda namang may kaisahang tinatawag, nangangahulugan itong nagkaugnay-ugnay ang mga ginagamit na salita sa pakikibahagi sa pagbuo ng pangunahing diwa,kaya dito naman matatagpuan ang tinatawag na klaster
Kolokasyon Mahaba ang lubid na itinali niya sa kahoy. Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay. Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo. Mahaba ang buhay ng pusa. Makati ang alipunga. Makati ang dila niya. Makati siya. • Klaster pagmamahal pag-ibig magulang lalaki/babae mapagbigay makasarili mapagparaya mapang-angkin walang malisya sekswal • Kultural at pangkaranasan Habang nakasakay sila sa paragos na pausod na hinihila ng kalakian, nasasamyo nila sa simoy ang bulaklak ng papaya, sumasabay sa pakawag na kaway ni Ingkong na abot-tenga ang ngiti
Ang mga Kaantasan ng Pagbasa • Kumulativ ang antas ng pagbasa sapagkat tumataas ang grado nito kapag sund-sunod o patuloy na nadaragdagan ang salansan binabasang materyal. 1. Batayang antas – tinatawag ding panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang rudimentaryong kakayahan, ibig sabihin, dinidivelop ito mula sa kamangmangan - elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatututo sa paaralang elementarya - wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa - unang konsentrasyon ang pagkilala sa aktwal na mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng mga ito
- literal din kung turingan ito kaya mababaw pa ang pagsukat sa pag-intindi na umiikot lamang sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan? • malalamang umabot na sa literal na antas ng pag-unawa ang pagbasa kung nakapagbubuod na, nakakikilala na ng mga pangunahing kaisipan, at nagagawan na ang mga ito ng balangkas
2. Inspeksyunal na Antas – panahon ang pinakamahalaga sa antas na ito - Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa - kinukuha lamang dito ang mga superfisyal na kaalaman - Pre-reading o sistematikong iskiming din kung tawagin ito na naglalayong tayahin kung dapat o di-dapat basahing mabuti. - kahit di ito basahing mabuti, marami na rin namang bagay na nakukuha tungkol sa libro. Paano? 1. Tinitingnan ang pamagat at ang paunang salita 2. Sinusuri ang talaan ng nilalaman
3. Tinataya ang index, indorso o blurb ng publisher 4. Tinitingnan din ang inaakalang mahahalagang kabanata lalo na ang bahaging panimula at pangwakas na pahina - tuluy-tuloy ang pagbasa at hindi na pinapansin ang mga salitang hindi nauunawaan dahil ang paghinto para tingnan sa diksyunaryo ang mahihirap na salita ay makasasagabal lamang sa halip na makatulong sa pagkatuto 3. Mapanuri o Analitikal na Antas – Aktibo naman ang antas na ito sapagkat hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-interpreta sa mga metapora.
- Interpretatibo ito sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya. - Minamahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan at ang taglay nitong mga katotohanan. - Hindi rin maihihiwalay ang pagpapahalaga sa kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito ang antas na ito. 4. Sintopikal na Antas – Pinakamataas na antas ng pagbasa. - Kumplikado at sistematikong pagbasa ito sapagkat ito’y humahamon sa kakayahan ng bumabasa. - Komparatibo rin dahil dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa. para
makapag-hambing siya, makapagtulad at makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga - Napapailalim din sa antas na ito ang pag-unawang integratibo. sapagkat nagaganap sa antas na ito ang pag-uugnay ng bumabasa sa mga kaisipang nakukiha sa kanyang pansariling kaalaman at karanasan hanggang sa tuluyan niya itong isanib sa kanyang binabasa
Ang mga Teknik sa Pagbasa • Patern o uri ng pagbasa ang tawag sa mga teknik ng pagbasa • Nalalaman ang iba’t ibang teknik ng pagbasa ayon sa layunin ng bumabasa 1. Iskiming – teknik ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng inpresyon sa materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti - gayundin kung hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang impormasyon ng materyal - ang pokus ay wala sa detalye kundi sa pangkalahatang kaisipan
Hakbang sa Pag-iiskim a. Prebyuwing – pag-iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu tungkol sa paksang sasaliksikin • isinasaalang-alang din dito ang antas ng pag-unawa na kakailanganin para mabigyang-kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang pagtataya sa panahong mailalaan sa epektibong pagbasa sa materyal • sa pamagat pa lamang matutukoy na kung nagtataglay nga ang materyal o hindi ng paksang sinasaliksik, gayundin sa mga sub-title
b. Sarveying at Overvyuwing – pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng aklat ang pagsasarvey para madetermina kung may kaugnayan o wala ang nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na paksa • pagbubuod naman ang overvyuwing • dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang natunghayan sa ginawang pangkalahatang sarvey 2. Iskaning- isa rin itong mabilisang teknik ng pagbasa • ispisipikong impormasyon tungkol sa isang babasahin ang partikular na hinahanap sa pag-iiskan
madaling nagagawa ito kung maikli lamang, malalaki ang tipo ng pagkakalimbag at pamilyar ang materyal • Mahalaga ang iskaning kapag nagrerevyu na hindi kailangang basahing lahat ang detalye 3. Kaswal – ito ang karaniwang pagbasang isinasagawa kung ang layunin ay palipasin lamang ang oras habang naghihintay nang hindi mainip 4. Komprehensiv – intensiv o malalim na pagbasa ang teknik na ito • iniisa-isa ang bawat detalye, walang pinalalampas sapagkat maituturing na isang malaking kawalan
maingat, masinsin, matalino itong pagbasa sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto • Sinusuri, pinupuna, kinukwestyon, binibigyang opinyon, tinataya, binubuod, lahat-lahat na maaaring gawing paghimay s amateryal para lamang maintindihang mabuti • Masyadong matrabaho, mapaghamon ng kakayahan, nakakapagod ngunit hindi matatawaran ang sukling kaunungan nito • Ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong pagbasa
5. Kritikal – tinatawag ding malikhain ang teknik na ito • Layunin dito ang maging mapanlihka, ang makatuklas ng panibagong konsepto at magawan ito ng bagong porma na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural 6. Pamuling-Basa – muli’t muling pagbasa ng isang babasahin sapagkat napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa 7. Basang-Tala – teknik ng pagbasa na sinasabayan ng pagsulat - Pag may nasusumpungang mahahalagang kaisipan o konsepto, itinatala ito, kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang muli ang impormasyon, madali itong makita o makuha
8. Suring-Basa o Revyu – ito ay pagpapakilala ng isang akda • isa itong maikling kririka na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat para pahalagahan ang kabuuang porma at nilalaman nito • hindi lamang simpleng pagbubuod kundi isa rin itong pagtataya sa mga katangian ng akda o aklat • para epektibong magampanan ang pagsusuring-basa, maingat at masinsing busisiin ang buong akda,“cover to cover”, nang mapag-alaman nang husto
Pagbasa ng Graf, Talahanayan at Tsart • Ang paggamit ng graf, talahanayan at tsart ay makatutulong upang maging malinaw, maayos at maagham ang pagtalakay ng paksa • Sa mga mambabasa, ito ay makatutulong upang mapabilis ang pag-unawa at makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga inilahad na kaisipan
Graf • Mapamaraag ilustrasyon ito ng mga data na istatistikal na may layuning ipakita ang ugnayan ng mga guhit at tambilang sa paksang tinalakay • Tinatawag na graf ang sistematikong paglalarawan ng mga datos na istatistikal • May layunin itong maipakita sa madaling paraan ang mahalagang kaisipan o ideya Talahanayan • Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga kaugnay na impormasyong tambilang • Ang paksa at bilang ay maayos na inihahanay sa kolum upang mabilis na mabasa at makagawa ng paghahambing
Ang mga Uri ng Graf • Piktograf – ginagamit upang ipakita nang malinaw ang halaga o bilang ng aytem • Bar Graf – ginagamit sa paghahambing ng mga sukat at halaga ng aytem • Pasirkulong Graf o Pie Graf – ginagamit upang mahusay na maipakita ang elasyon ng bahagi sa kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento, proporsyon at fraksyonal • Line Graf – ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagsulong • Binubuo ng dalawang dimensyon • Linyang vertikal – nagpapakita ng bilag o halaga • Linyang horisontal – nagpapakita ng taon o ibang faktor
Empleyado Empleyado Empleyado Ang Mga Uri ng Tsart • Tsart ng Organisasyon – binubuo ito ng mga kahon na pinag-uugnay ng mga linya • Ang mga kahon ay nakahanay mula sa itaas pababa • Ang kahon na nasa itaas ay karaniwang nag-iisa lamang at kumakatawan sa pinakamataas na posisyon • Nakasulat sa loob ng mga kahon ang tungkulin o posisyon • Ang mga kahong magkakasama sa isang hanay ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng posisyon Tsart ng Organisasyon ng Isang Tanggapan na Nagpapakita ng mga Posisyon mula sa Manedyer Hanggang Empleyado
Flow Chart – ipinapakita rito ang iba’t ibang paraan ng paglalahad ng proseso • Maaaring gumamit ng larawan simbolo o kaya ay kahon • Karaniwang ito ay sinisimulan sa kaliwa patungo sa kanan o kaya ay itaas pababa • Ito ginagamitan ng arrow upang ipakita ang daloy ng proseso • Sa bawat kahon o larawan ay may nakasulat na paliwanag upang ganap na maunawaan ang proseso • Ang tsart na ito ay karaniwang makikita sa mga plantang industriyal Himayan Durugan Initan Salaan Singawan Kristalan Flow Chart sa Paggawa ng Asukal