80 likes | 790 Views
Pediculosis (Mga kuto sa ulo). Pediculus humanus var. capitis. Ang mga kuto sa ulo…. ay mga insektong walang pakpak na nagiging sanhi ng pangangati ng anit ay nabubuhay sa pamamagitan ng dugo ng tao ay nabubuhay sa anit at nangingitlog sa buhok (lisa)
E N D
Ang mga kuto sa ulo… • ay mga insektong walang pakpak na nagiging sanhi ng pangangati ng anit • ay nabubuhay sa pamamagitan ng dugo ng tao • ay nabubuhay sa anit at nangingitlog sa buhok (lisa) • Kapag namisa na ang itlog (lisa) kinakailangan ng mga ito na kumain ng dugo sa loob ng 24 hours; lumalaki ito at nagiging kuto sa loob ng 2 to 3 na linggo.
Ang mga kuto sa ulo… • ay pinakakaraniwan sa mga batang pumapasok sa iskuwela, kindergarten o childcare. Bihira ang mga ito sa mga sanggol. • Ang malimit na dahilan ng pagkakaroon nito ay ang hindi pagpapanatili na malinis ang katawan lalo na ang buhok at anit. • Naipapasa ang mga kuto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak na ulo sa ulo o paggamit ng parehong mga sumbrero, mga bandana sa ulo o mga suklay • ay hindi maaring mabuhay nang malayo sa katawan ng tao nang mahigit sa ilang minuto