290 likes | 490 Views
Kataga ng Buhay. Setyembre 2008. “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.” (Lc 6, 27-28).
E N D
Kataga ng Buhay Setyembre 2008
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.”(Lc 6, 27-28).
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway.” Malakas ang dating ng mga salitang ito. Ganap nitong binabaligtad ang ating pag-iisip at pinipilit palitan ang direksyon ng buhay natin!
Harapin natin ang katotohanan na lahat tayo ay may kaaway, maliit, malaki, anupaman.
Maaaring kaaway ko ang aking kapitbahay, o iyong hindi kanais-nais at pakialamerang babae na lagi kong iniiwasan na makatagpo sa daan.
Maaaring kaaway ko ay isang kamag-anak na nagmalupit sa tatay ko maraming taon na ang nakalipas at hindi ko na kinausap buhat noon.
Maaari ding isang kaklase na hinding-hindi ko na kinausap sapul noong ipinasamâ niya ako sa aking guro.
O kaya ay isang dating girlfriend na nakipag-break upang sumama naman sa iba.
O kaya ay iyong magtitinda na nanloko sa iyo. Malimit din nating tingnan bilang kaaway ang mga politiko na kakaiba ang mga opinyon sa atin...
At malimit din, may mga tao na galit sa Simbahan kaya’t kaaway din nila ang mga pari. Il cardinale Van Thuan
Lahat ng ito, at marami pang iba na itinuturing nating kaaway ay dapat nating mahalin.
Ito ang sinabi ni Jesus: Dapat mahalin? Oo, dapat silang mahalin! Ngunit hindi ibig sabihin nito ay alisin lang ang poot at maging mabait. Higit pa dito ang hinihingi.
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.”
Nakikita natin na nais ni Jesus na magtagumpay ang kabutihan sa kasamaan. Hinihiling Niya sa atin na ipakita ang pag-ibig sa gawa. Maaari tayong magtaka kung bakit ito ang hinihiling ni Jesus.
Sa totoo lang, nais niyang maging huwaran ng buhay natin ang buhay ng Diyos, ng Kanyang Ama na “pinasisikat ang araw sa masasama at sa mabubuti at pinapapatak ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.”
Ito ang dapat nating tandaan: hindi tayo nag-iisa sa mundo. May Ama tayo at dapat tayong matulad sa Kanya.
at namumuhay sa kadiliman ay una Niya tayong minahal nang ipinadala Niya ang Kanyang Anak na namatay sa sukdulang paraaan para sa bawat isa sa atin. Higit doon, may karapatan Siya na hingin ito sa atin dahil noong tayo’y mga makasalanan pa
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo...”
Alam na ito ni Jerry, isang batang Afro-American mula sa Washington. Dahil siya’y matalino, natanggap siya sa isang espesyal na klase kasama ng mga puti. Ngunit hindi sapat ang kanyang talino upang siya’y tanggapin nila.
Walang may gusto sa kanya dahil sa kulay ng balat niya. Pagdating ng Pasko, lahat ay nagpalitan ng regalo maliban kay Jerry kaya’t napaiyak siya.
Ngunit nang makauwi siya ay naalala niya ang mga salita ni Jesus, “Mahalin mo ang iyong kaaway.” Sa pahintulot ng kanyang ina ay namili siya ng mga regalo at buong pagmamahal niyang ibinigay sa “kanyang mga puting kapatid.”
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway... idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.”
Si Elizabeth, isang kabataan mula sa Florence, Italya, ay papasok sa isang simbahan nang biglang sinimulan siyang pagtawanan ng isang grupo ng mga kabataan na nasa labas ng simbahan. Nasaktan siya sa ginawa nila at gusto niyang sigawan sila. Sa halip, nginitian niya sila at ipinagdasal pa.
Nang papalabas na siya ay lumapit sila at nagtanong kung bakit ganoon ang naging pagkilos niya. Ipinaliwanag niya na siya ay isang Kristiyano kaya dapat siyang magmahal lagi. Sinabi niya ito na may matibay at matatag na paniniwala. Nang sumunod na Linggo, natuklasan niya na nagbunga ang kanyang ginawa. Pagpasok niya sa simbahan, nakita niya ang mga kabataan na nakaupo sa unang hanay.
Ganito isinasabuhay ng mga kabataan ang salita ng Diyos. Kaya’t sila’y itinuturing ng Diyos na mga “dakila”.
Marahil, kailangan din nating gumawa ng hakbang upang ituwid ang ilang bagay sa ating buhay, dahil tayo’y huhusgahan kung paano rin tayo humusga ng iba. Tayo mismo ang nagbibigay ng panukat kung paano tayo susukatin ng Diyos. Malimit tayong magdasal, “patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.” Kaya, mahalin natin ang ating mga kaaway. Sa ganitong paraan lang natin mapaghihilom ang mga di-pagkakaisa, mabubuwag ang mga balakid at makakabuo ng sambayanang Kristiyano.
Mahirap ba ito? Masakit? Hindi ba tayo makatulog dahil sa bagay na ito? Lakasan mo ang iyong loob, hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Kaunting pagsisikap mo lang at ang Diyos ang gagawa ng 99 na bahagdan. Mararanasan natin ang walang-sukat na kaligayahan sa puso natin!
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo.”