2.96k likes | 15.18k Views
Ponema sa Filipino. Filipino 1 – 2 nd topic. Introduksyon. Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental at suprasegmental. Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.
E N D
Ponema sa Filipino Filipino 1 – 2nd topic
Introduksyon • Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga segmental at suprasegmental. • Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto. • Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune o pitch), paghaba (lenghtening) at hinto (juncture).
Ponemang Segmental • Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental – 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig. • Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/ • Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik. Sa halip, isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y hindi normal na tulad ng ibang ponema.
Ponemang Segmental • Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay glotal o impit na tunog. • Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay. • Hal: bata/h/=robe, bata/’/=child
Ponemang Segmental • Mga Patinig - /i, e, a, o, u/ • Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig. • Halimbawa: ba – hay, ba – ba – e, u – lo, di - la
Ponemang Segmental • May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat wika. Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o palitan ito. Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at ito’y nagiging bao. Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo. Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong ponemang segmental o ponema.
Ponemang Suprasegmental Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/. - ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito. Halimbawa: 1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao. 2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Ponemang Suprasegmental Tono o intonasyon – pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. - Parang musika ang pagsasalita nang may tono – may bahaging mababa, katamtaman at mataas. - Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng tono/tinig.
Ponemang Suprasegmental Antas ng tono: 4= pinakamataas 3= mataas 2= katamtaman 1 = mababa Halimbawa: 3 Pahayag: 2 ha 2 ka pon 4 Patanong: 3 pon 2 ha ka
Ponemang Suprasegmental Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap. Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda. Panloob • Maikling hinto: /I/=, (kuwit), /+/= isang krus na pananda • Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok, _______=isang mahabang guhit, //=dalawang guhit pahilis, >=palaso, -=gitling, …=tulduk-tuldok.
Ponemang Suprasegmental • Halimbawa: • Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.) • Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan. • Magalis (puno ng galis) mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Ponemang Suprasegmental Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita 1. Likas na haba Halimbawa: • /asoh/ - usok /a:soh/ - isang uri ng hayop • /pitoh/ - bilang na 7 /pi:toh/ - silbato
Ponemang Suprasegmental • Panumbas na haba a. /’aywan/ - /e.wan/ c. /tayo nah/- /te.nah/ b. /taingah/ - /te.nga/ d. /kaunti/ - /kon.ti/ 3. Pinagsama na haba a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim b. Mananahi = /manana : hi/ = modista mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at bubuo ng kasuotan.