580 likes | 5.84k Views
Kasanayan sa Pakikinig. Pakikinig. Aktibong pagtanggap at pag-unawa ng mensahe Ito rin ay ang pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagpadala ng mensahe. Proseso ng Pakikinig. 1. Pagtanggap ng mensahe – dito nakasalalay ang pagbibigay ng reaksyon o tugon
E N D
Pakikinig • Aktibong pagtanggap at pag-unawa ng mensahe • Ito rin ay ang pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagpadala ng mensahe
Proseso ng Pakikinig • 1. Pagtanggap ng mensahe – dito nakasalalay ang pagbibigay ng reaksyon o tugon • 2. Pagpokus ng atensyon sa tinanggap na mensahe • 3. Pagpapakahulugan– pagbibigay ng interpretasyon o kahuligan sa mga tunog na narinig na maaaringpositibo o negatibo • 4. Pagtanda sa narinig • 5. Pagtugon – dito masusubok kung naging matagumpay ang paghahatid ng mensahe.
Mga Elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig • 1.Edad o gulang • 2. Kasarian • 3. Oras • 4. Tsanel • 5. Kultura • 6. Konsepto sa sarili
Layunin sa Pakikinig • 1. Makikinig upang maaliw • 2. Makikinig upang lumikom ng mga impormasyon o kaalaman • 3. Makikinig upang magsuri
Patnubay sa Mabisang Pakikinig • 1. Maging handa sa pakikinig • 2. Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig • 3. Kilalanin ang mahalagang kaalaman o impormasyon • 4. Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita • 5. Iwasan ang pagbibigay ng puna hanggang hindi pa tapos ang nagsasalita
Uri ng Pakikinig • 1. Deskriminatibo – binibigyang pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita • 2. Komprehensibo – ang pinagtutuunan ng pansin ng tagapakinig ay ang nilalaman ng mensahe ng tagapagsalita • 3. Paglilibang – ginagawa upang maglibang o aliwin ang sarili
4. Paggamot – sa pamamagitan nito, natutulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makikisimpatya sa nagsasalita • 5. Kritikal – uri ng pakikinig na gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig
Gumuhit ng katamtamang laki ng parihaba sa gitnang bahagi ng papel • Gumuhit ng katamtamang laki ng bilog sa gitna ng parihaba • Gumuhit ng bulaklak na may limang petals at dalawang dahon sa gitna ng bilog • Lagyan ng bilang 1 sa kanang itaas na bahagi sa loob ng parihaba • Gumuhit uli ng parehong laki ng parihaba sa itaas ng unang parihaba • Gumuhit ng katamtamang laki ng parisukat sa gitna ng parihaba • Gumuhit ng baso na may lamang kalahating tubig sa gitna ng parisukat • Lagyan ng bilang 2 sa kaliwang itaas na bahagi sa loob ng parihaba
Gumuhit uli ng katamtamang laki ng parihaba sa ilalim ng unang parihaba • Gumuhit ng tatsulok sa gitna ng parihaba • Gumuhit ng araw na may walong silahis sa gitna ng tatsulok • Lagyan ng bilang 3 sa gitnang ibaba ng tatsulok sa loob ng parihaba • Sa pinakahuling espasyo sa kaliwang ilalim ng inyong papel isulat ang inyong pangalan na nauuna ang inyong apelyedo. Ilakip ang inyong middle initial. All capital letters • Sa katapat ng inyong pangalan isulat at petsa ngayon na nauuna ang buwan in Filipino. Ang unang titik lamang ng buwan ang nakasulat nang malaki • Sa gitnang itaas ng inyong papel isulat ang sumusunod Pagsunod sa tagubilin at Panuto. All caps
Pagbabagong Kulay ng BuhayJosefina C. Mangahis • Bakit naging mailap si Rosa sa kanyang mga kamag-aral? • Paano siya nagbago ng pananaw sa buhay? • Paano nagamit ang kasanayan sa pakikinig sa kwentong binasa? • Ano ang kabutihang naidulot nito kay Rosa?