1.18k likes | 10.96k Views
Lohikal at Mapanghikayat na Pagsulat. Lohikal at Ilohikal. Lohikal - ito ay nangangahulugang naaayon sa mga risonableng inaasahan kaugnay ng mga ispesifik na sitwasyon o kaganapan. Halimbawa: Terminong Lohikal na Kandidato lohikal na hakbang o prosijur lohikal na pagpipilian
E N D
Lohikal at Ilohikal • Lohikal- ito ay nangangahulugang naaayon sa mga risonableng inaasahan kaugnay ng mga ispesifik na sitwasyon o kaganapan. • Halimbawa: • Terminong Lohikal na Kandidato • lohikal na hakbang o prosijur • lohikal na pagpipilian • Lohikal na Palaisip-isang taong taong ang pag-iisip ay maayos at konsistent. • Ilohikal-ang isang aksyong hindi naaayon sa isang sitwasyon o kaganapan.
Lohika at Pagsulat • Lohika- tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. • Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mga mambabasa. • Sa larangang ito, madalas na may katwirang kailangang pangatwiranan. Kung ang pangangatwiran ay hindi lohikal, walang mambabasa ang maniniwala sa iyo. • Kaya sa akademikong pagsulat ay kailangan laging maging lohikal upang maging kapwa mapanghikayat at kapani-paniwala.
Mungkahi upang matiyak na magiging lohikal ang iyong pagsulat: a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik tungkol dito kung kinakailangan. b. Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong magagamit. c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento. d. Mangalapng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento. e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran.
Lohikal na Pangangatwiran 2 kategorya ng Pangangatwiran: a. Pangatwirang Pabuod- ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto. Maaari itong magawa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi sa pangyayari, pagtutulad at paggamit ng mga katibayan.
Halimbawa ng Pangangatwirang Buod: Nakakakilabot ang mga ideya at teoryang ipinakita sa Da Vinci Code. Halimbawa, inilarawan doon si Hesus bilang isang tao at hindi Diyos na nagkarelasyon kay Maria Magdalena. Inilarawan din sa nobela ang mga Opus Dei, isang ginagalang na kongregasyon sa Katoliko, bilang isang mersenaryo at gahaman sa salapi. Ayon nga kay Vice Mayor Danny Lacuna, ang pelikula raw at ang pinagbatayan nitong nobela ay offensive to the established beliefs of the Roman Catholic Church. Mapanganib din ang mga ideyang nakapaloob sa mga mamamayan. Maaaring akalain ng marami na faktwal ang mga ito bagama’t si Dan Brown, ang may-akda ng nobela, mismo ay umaming ang kanyang akda ay kumbinasyon ng facts and fiction. Ang problema, where do we draw the line? Sa aklat man o pelikula, hindi nililinaw kung alin ang faktwal at kung alin ang fiksyon. Sino ang aasahan nating gagawa ng distinksyon? Ang mga karaniwang mamamayan? Kaya nga, sa ngalan ng katotohanan at pagbibigay-proteksiyon sa interes ng publiko, dapat lang na ipagbawal ang distrbusyon ng aklat ng Da Vinci Code at ang pagpapalabas ng pelikulang versyon nito.
b. Pasaklaw na pangangatwiran-ito ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una. Ang ganitong pangangatwiran ay gumagamit ng Silohismo tulad ng mga sumusunod: • Tiyakang Silohismo Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano. Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko. Konklusyon: Si Juan ay Kristiyano.
b. Kondisyunal na Silohismo Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Konklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit. c. Pasakaling Silohismo Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi ka makakarating sa langit. Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano. Makararating si Pedro sa langit. Konkusyon: Makararating si Pedro sa langit.
d. May Pamiliang Silohismo Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Joe ay Kristiyano o Muslim. Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim Konklusyon: Si Jose ay Kristiyano. XXXX MALING KONKLUSYON XXXX Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda. Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy. Konklusyon: Si Nena ay isda.
Falasi ng Pangangatwiran Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga falasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento. Narito ang mga karaniwang falasi na madalas katisuran ng marami: • Argumentum ad hominem – pag-atake sa personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento. Halimbawa: Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya’y isang binabae.
b. Argumentum ad baculum – paggamit ng pwersa o awtoridad. Halimbawa: Gawin na ninyo ang aking sinasabi. Ako yata ang Pangulo at ako ang dapat masunod. c. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran. Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
d. Argumentum ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napapatunayan o kaya’y totoo ang anumang hindi napasisinungalingan. Halimbawa: Ito ay isang ebidensiya at kailangan itong tanggapin dahil wala namang tumututol dito. e. Non Sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise. Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki; kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
f. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang konklusyong hindi naman syang dapat patotohanan. Halimbawa: Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa syang mabuting anak at mapatutunayan iyan ng kanyang mga magulang,kapatid, kamag-anak at kaibigan. g.Maling Paglalahat – pagbatay ng isang konklusyon sa isa o ilang limitadong premis. Halimbawa: Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.
h. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang sumasala sa matinong konklusyon. Halimbawa: Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit tag-init. • Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling konklusyon. Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.
j. Maling Awtoridad – paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa. Halimbawa: Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino. k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternativ. Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.
l.Mapanlinlang na tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon. Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
Mga Tanong: 1. Ipaliwanag kung ano ang Lohikal at magbigay ng ilang mungkahi upang maging lohikal ang pagsulat. 2. Ano ang dalawang katergorya ng ng lohikal na pangangatwiran? 3. Magbanggit ng kahit isang Silohismo at magbigay ng halimbawa nito.