1.13k likes | 4.93k Views
UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT ni Patrocinio V. Villafuerte Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas. Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang “nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.”.
E N D
UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT ni Patrocinio V. Villafuerte Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas
Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang “nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.”
Sa kumbensyonal na mga programa ng pagtuturo ng wika, kasunod ng pagtuturo ng pagbasa ang pagtuturo ng pagsulat.
Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay. • Inihihiwalay rin ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat. • Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malalaking titik.
Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo. • Hindi nabubuo ang tuluy-tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.
Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina. • Ang mga salitang natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa talasalitaang nakapaloob sa tekstong binabasa.
Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa pagbaybay. • Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto.
Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. • Napatunayan sa pag-aaral nina Noyce at Christie (1989) na mabisa ito sa pagtuturo kung pag-uugnayin.
Ang Pagbuo ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat • 1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat. • 2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat. • 3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.
4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip. • 5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip. • 6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.
ANG LIMANG SAKLAW NA MAG-UUGNAYSA PAGBASA AT PAGSULAT • 1.Kaalaman sa Informasyon • 2.Kaalaman sa Istruktural • 3.Kaalaman sa Transaksyonal • 4.Kaalaman sa Aestetiko • 5 Kaalaman sa Proseso
Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na nakapagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasa.
Kapag sila’y nakapagsusulat tungkol sa aklat ay kanilang natututuhan ang proseso ng pagkakasunud-sunod na yunit ng wika. • Nalilinang nila ang mga kasanayan sa:
1. Encoding at decoding • 2. Pagsulat ng pangungusap • 3. Paglinang ng talata • 4. Pagsulat ng higit na mahabang seleksyon
ANG KAHALAGAHANNG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT • 1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi. • 2. Nagaganap ang pagkatuto. • 3. Nalilinang ang aspeto ng pagkaunawa.
4. Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay sa kanila.
ANG PAGSULAT BILANG PROSESO • 1. Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at binibigyan ng kaukulang evalwasyon ng guro ng kanilang mga naging produkto.
Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi produkto. • Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong pagdulog sa pagsulat.
Mga Hakbang sa Prosesong Pagdulog sa Pagsulat • 1. Panimulang pagsulat • 2. Paghahanda ng burador • 3. Pagrerebisa • 4. Pagwawasto • 5. Pagpapalathala
ANG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT SA KASALUKUYAN • Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oprtunidad upang pag-ugnayin ang pagbasa at pagsulat. • Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat
Ang Reader Response Journal • Ang Reader Response Journal ang pinakagamiting uri ng journal na nagagamit sa iba’t ibang paraan.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Reader Response Journal • 1. Pagbasa ng isang tekstong literari
3. Paggamit ng mga panimulang ideya para sa malawak na saklaw ng susulatin
Gumagamit ng reader response journal ang mga mag-aaral upang makapagtala ng kanilang mga ideya at saloobin mula sa tekstong kanilang binasa.
Magagamit ang reader response journal sa malayang pagbabasa at maging sa mga babasahing seleksyon na itatakda ng guro.
Sa paggamit ng reader response journal, hinahayaan ng guro ang mga mag-aaral na makontrol ang kanilang mga tugon sa pagtatakda ng gawaing-bahay.
Sinusuportahan ng guro ang mga karanasan ng kanyang mga mag-aaral sa tulong ng teksto upang maging masaklaw ang pagtalakay nila sa kanilang mga karanasan.
Ang mga tekstong naitala sa reader response journal ay maaaring mapalawak. Nagagawa ito kung gaganyakin ng guro ang kanyang mga mag-aaral na balikang basahin ang mga ideyang naisulat nila sa reader response journal.
May 10-15 minuto araw-araw ang nilalaan ng guro sa pagpapasulat ng reader response journal.
Sa panahong ito ay pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral batay sa kanilang binasang seleksyon – anuman ang nais nilang sulatin at dapat nilang sulatin.
Mahalaga lamang na masubaybayan at mapatnubayan ng guro ang kanyang mga mag-aaral habang isinasagawa ang proseso lalo na sa mga di-gaanong familyar na gawain.
Halimbawa ng akdang maipababasa sa mga mag-aaral: TIKTAKTOK AT PIKPAKBUM (Ang Magkapatid na Laging Nag-aaway) ni Rene Villanueva
Magkapatid sina Tiktaktok at Pikpakbum. • Pero magkaiba ang ugali nila. • Kaya madalas, nag-aaway sila.
Maraming kalaro si Tiktaktok. • Marami namang kagalit si Pikpakbum.
Marunong bumilang si Tiktaktok. • “Isa, dalawa, tatlo.”
Sagot naman ni Pikpakbum, • “Ang tatay mong kalbo!”
Malusog si Tiktaktok dahil mahilig sa gatas, gulay at itlog.
Pero sakitin si Pikpakbum dahil mahilig sa softdrinks, tsokolate at kendi.
Isang araw, may napulot na karne si Tiktaktok. • “Tingnan mo ito,” sabi niya kay Pikpakbum.
Kinuha ni Pikpakbum ang karne at tinikman. • |Ang sarap,” sabi ni Pikpakbum.
Mabilis na tumakbo si Pikpakbum at tinangay ang kapirasong karne.
“Pahingi naman,” sigaw ni Tiktaktok. “Bigyan mo ako kahit konti.”
Sumagot si Pikpakbum, • “Kainin mo ang paa mo!” • At nagtawa nang nagtawa habang mabilis na tumatakbo.
At naghabulan ang dalawa. • Nakapagtago agad si Pikpakbum. • Hingal na hingal naman si Tiktaktok.
Nang hindi makita ang kapatid, naupo na lamang si Tiktaktok. • Habang nagpapahinga si Tiktaktok, may dumating na isang matadero.
“May nakita ka bang magnanakaw na may dala-dalang karne?” tanong sa kanya ng matadero.
“Wala ho, sagot ni Tiktaktok. • Ninakaw pala ang karne sa palengke,” naisip ni Tiktaktok.