5.37k likes | 23.09k Views
Pananakop ng mga Amerikano. Prepared by: Arnel O. Rivera, MAT-SS. PANIMULA. Matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902, unti-unting inihanda ng mga Amerikano ang pamamahala ng bansa. Benevolent Assimilation.
E N D
Pananakop ng mga Amerikano Prepared by: Arnel O. Rivera, MAT-SS
PANIMULA • Matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902, unti-unting inihanda ng mga Amerikano ang pamamahala ng bansa.
Benevolent Assimilation • The Philippines is ours not to exploit but to develop, to civilize, to educate, and to train in the science of self-government. William McKinley • Tungkulin ng Estados Unidos na turuang maging sibilisado ang mga “unggoy” sa Pilipinas.
Pamamahala ng Amerika sa Pilipinas Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Militar • Layunin nitong mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa. • Pinamumunuan ng gobernador-militar na nagsisilbing kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos sa bansa.
Mga Gobernador-Militar ng Pilipinas • Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas. Gen. Wesley Meritt (1898) Gen. Elwell Otis (1898-1900) Gen. Arthur MacArthur (1900-1901)
Nagawa ng Pamahalaang Militar • Naging mapayapa at maayos ang buong bansa. • Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano. • Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. • Nakapagpatayo ng pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan. Mga Thomasites Mga Kawal na Pilipino na Sumuko sa mga Amerikano
Philippine Commission • Mga pangkat na ipinadala ni Pang. McKinley na magmamasid, magsisiyasat, at mag-uulat tungkol sa kalagayan ng Pilipinas • Layunin nito na matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang Estados Unidos sa pamamahala ng Pilipinas.
Schurman Commission (Enero 20, 1899) • Layunin nito na makipag-ayos sa mga Pilipino, siyasatin ang kalagayan ng bansa, at magrekumenda ng pamahalaang angkop sa bansa. • Ayon sa ulat nito sa pangulo, hindi pa handa sa pagsasarili ang Pilipinas. Jacob Schurman
Taft Commission (Hunyo 3, 1899) • Layunin nito na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino at pagsasa-ayos ng serbiyo sibil ng bansa. • Inirekumenda nito sa pangulo ang pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas na kabibilangan ng mga Pilipino. William H. Taft
Susog Spooner (Marso 2,1901)Spooner Amendment • Isinusog nitong palitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang militar sa Pilipinas. • Inilipat sa kongreso ng US ang pamamahala sa Pilipinas. Sen. John C. Spooner
Pamahalaang Sibil (1901-1935) • Layunin nitong sanayin at makilahok ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa. Pinasinayaan sa Maynila noong Hulyo 4, 1901 ang Pamahalaang Sibil ng Pilipinas. Itinalaga bilang unang Gobernador Sibil si William H. Taft.
Mga Pinuno ng Pamahalaang Sibil “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.” William H. Taft (1901) William H. Taft (1901-1904) Unang Gobernador Sibil ng Pilipinas
Cayetano Arellano Punong Mahistrado ng Korte Suprema Gregorio Araneta Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi
Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas Luke Edward Wright (1904-1905) Francis Burton Harrisson (1913-1921)
Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas Leonard Wood (1921-1927) Frank Murphy (1933-1935)
Mga Nagawa ng Pamahalaang Sibil • Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong makilahok sa pamahala. • Naibahagi sa mga magsasaka ang ilang lupaing dating pag-aari ng mga Kastila. • Nabigyang halaga ang kalusugan at sanitasyon sa mga lungsod. • Itinuro ang wikang Ingles at kaisipang demokratiko sa mga Pilipino.
Konklusyon • Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang pagdating ng mga Amerikano. Dahil dito, marami sa mga dating tutol sa pamamahala ng mga Amerikano ang sumuko at nakipagtulungan sa kanila.
Thank Y u! To download this file, log-on to: http://www.slideshare.net/ArnelSSI/