440 likes | 21.64k Views
Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig. Banal na Kasulatan/Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo) Koran mula Arabia (Arabic) Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego) Mahabharata ng India (Sanskrit) Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
E N D
1. Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig Banal na Kasulatan/Bibliya
(Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo)
Koran mula Arabia
(Arabic)
Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego)
Mahabharata ng India (Sanskrit)
Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
(Modern English)
Divina Comedia ni Dante Alighieri (vulgar Italian)
2. El Cid Compeador (Espanyol)
Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at Persyano)
Aklat ng mga Araw ni Confucius (Intsik)
Aklat ng mga Patay ng Ehipto
Awit ni Rolando (Pranses)
3. Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig {Pinakamahabang epiko}
Mahabharata
{Pag-uyam sa pag-uugali ng mga Ingles}
Canterbury Tales
{Pananaw sa impyerno, langit at purgatoryo}
Divina Comedia
{Pananampalatayang Kristyano}
Banal na Kasulatan/Bibliya
4. Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Panitikan ng Pilipinas at ng Daigdig {Pang-aalipin sa mga Itim}
Uncle Tom’s Cabin
{Islam}
Koran
{Mitolohiya ng Gresya}
Iliad at Odyssey
5. {Espanya}
El Cid Compeador
{Arabo at Persyano}
Isanlibo at Isang Gabi
{Intsik}
Aklat ng mga Araw
{Ehipto}
Aklat ng mga Patay
{Pranses}
Awit ni Rolando
6. Ilang Kuru-kuro ukol sa mga akdang nakaimpluwensya sa panitikan ng Pilipinas Karamihan ay nakasulat sa wikang HINDI INGLES
Karamihan ay mga akdang Europeo
Salamin ng kolonyal/kolonisadong pag-iisip ng mga Pilipino (utak-Kanluranin)
7. Ang Mga Panahon ng Panitikansa Pilipinas (Historikal na Dulog/Approach)
8. Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/Bago Dumating ang mga Kastila (BAGO mag-1521)
9. Panahong Katutubo/Pre-Kolonyal/Bago Dumating ang mga Kastila Ang panitikan sa panahong ito ay…
Karaniwang pasalindila (oral)
Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng ating mga ninuno
Nagpapatunay na MAY SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila
Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong (isang species ng bamboo) atbp. kung nakasulat
10. Anyo ng Panitikan sa Panahong Katutubo Alamat
Kwentong Bayan
Epiko
Awiting Bayan
Bugtong
Salawikain at Kasabihan
11. Iba’t Ibang Epiko Bidasari (Moro)
Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
Parang Sabir (Moro/Tausug)
Haraya (Bisaya)
Maragtas (Bisaya)
Kumintang (Tagalog)
Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
Ibalon (Bicolano)
Bantugan (Muslim/Maranao)
12. Iba’t Ibang Epiko Labaw Donggon (Ilongo)
Handiong (Bikol)
Hudhud (Ifugao)
Alim (Ifugao)
Hinilawod (Bisaya)
Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)
13. Awiting Bayan Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
Kalusan (paggawa)
Kundiman (pag-ibig)
Diona (kasal)
Kumintang/tagumpay (pandigma)
Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)
Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay)
Soliranin (pagsasagwan)
Talindaw (pamamangka)
14. Mga Bugtong Gintong binalot ng pilak/pilak na binalot ng balat.
(itlog)
Hindi hayop, hindi tao/walang gulong tumatakbo.
(agos ng tubig)
Dahong pinagbungahan/bungang pinagdahunan.
(pinya)
Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin.
(sombrero)
Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan.
(susi)
15. Mga Bugtong Nang bata’y submarino, nang tumanda’y eroplano.
(lamok)
Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha.
(utot)
Prutas na kaysarap kainin, may itim na perlas kung hatiin.
(papaya)
Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari.
(internet)
Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan.
(niyog/buko)
16. Salawikain at Kasabihan Ang hipong palatulog, inaanod ng agos.
Kung may isinuksok, may madudukot.
Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
Kung may tiyaga, may nilaga.
Umiwas sa baga, sa apoy nasugba.
Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
17. Panahon ng Kolonyalismong Espanyol (1521?-1860s)
18. Panahon ng Kolonyalismong Espanyol Ang panitikan sa panahong ito ay…
Karaniwang pasulat
Tumatalakay sa paksang panrelihiyon
Salamin ng kulturang Kanluranin (western)
Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol
19. Mga Unang Aklat na Nilimbag Doctrina Cristiana (bilinggwal na katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.)
Hal. “Ylan po ang Dios?” “Isa po laman, datapuat may tatlon persona.”
Nuestra Seńora del Rosario (novenario; aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na Birhen)
20. Bersyon ng Pasyon Padre Gaspar Aquino de Belen
Luis Guian
Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin ang kanya)
Padre Aniceto dela Merced
21. Halimbawa ng mga saknong sa pasyon
22. Panitikang Didaktiko Nangangaral
Nagbibigay ng mga tuntuning dapat sundin sa maayos na pamumuhay
Dalawang pangunahing halimbawa:
“Pagsusulatan ng dalawang binibinbi na sina Urbana at Feliza” (Padre Modesto de Castro)
“Tandang Basio Macunat”
23. Ang Awit at Korido Hango sa mga akdang Europeo
Romantisista
Eskapista
Kasangkapan upang maipalaganap ang kolonyal na pag-iisip
Ginamit din ng mga Pilipino upang ilantad at tuligsain ang pagmamalabis ng gobyernong kolonyal
24. Duplo at Karagatan Patulang pagtatalo na may halong malalim na pagpapatawa/humor/wit
Isinasagawa sa burol/lamay/wake at sa pasiyam, anibersaryo ng pagkamatay atbp.
Pang-aliw sa kamag-anak ng yumao
Pampalipas-oras sa mga gabi ng lamay
25. Karilyo Puppet show (anino ng mga tau-tauhang gawa sa karton na nasa likod ng puting tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa likuran nito)
26. Moro-moro/Komedya Magarbong presentasyon
Isinasagawa sa tanghalan na itinayo sa lansangan
Ginamit na kasangkapan upang ipalaganap ang Kristyanismo
Romantisista
Kanluraning tagpuan/setting
27. Mga Dulang Panrelihiyon Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris Santa Elena sa krus ni Kristo)
Senakulo (ukol sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo)
Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng matutuluyan ng Banal na Mag-anak sa panahong kagampan/manganganak na ang Birheng Maria)
28. Ang unang “tula” May bagyo ma’t may rilim
ang ola’y titigisin,
aco’y magpipilit din:
aking paglalakbayin
tuluyin kong hanapin
Diyos na ama namin.
29. Tulang bilinggwal Nililikha ng mga LADINO (makatang bihasa sa Tagalog at Espanyol)
Karaniwang nakasingit lamang sa mga aklat sa gramatika o kaya’y katesismo
Mga LADINO: Fernando Bagongbant at Pedro Suarez Osorio
30. “Tunay na Tula” Phelipe de Jesus ng San Miguel, Bulacan – ang “unang tunay na makata” sa Tagalog
“Ybong camunti sa pugad A small bird in the nest
sa inang inaalagad Nurtured by its mother
ay dili macalipad is unable to fly
hangan sa di magcapacpac until its wings develop.
Loob ninyong masilacbo Your angry feelings
parang ningas na alipato are like flying embers
sa alapaap ang tongo that will go to the sky
ay bago hamac na abo. and become lowly ash.
31. Panahon ng Kilusang Propaganda/Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip (1860s-1892)
32. Panahon ng Kilusang Propaganda/Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong-Isip Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal
Nagkikintal ng pagkamakabayan
Humihingi ng reporma
Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio)
Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na maging malaya ang Pilipinas)
33. Mga Repormang Hinihingi ng Kilusang Propaganda Asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan/probinsya ng Espanya
Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino na tinatamasa ng mga Espanyol sa Espanya (malayang pamamahayag, pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
Pilipinisasyon ng mga parokya
Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes (ang tawag sa parlamento/parliament ng Espanya)
34. Mga Nobela La Loba Negra (Ang Babaeng Lobong Itim) ni Padre Jose Burgos – pinaniniwalaang nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni Rizal
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal
Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento) ni Graciano Lopez-Jaena – ukol sa masasamang katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon
Ninay ni Pedro Paterno – diumano’y kauna-unahang “nobelang panlipunan”
35. Mga Sanaysay Filipinas Dentro de Cien Ańos (Ang Pilipinas Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal – mga hula ni Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas: binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng Estados Unidos sa ating paglaya at totoo nga…
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) – sinagot (sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga Kastila na diumano’y tamad ang mga Pilipino
36. Mga Sanaysay Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos (liham) ni Jose Rizal – isa sa mga akdang Tagalog ni Rizal na naging popular; nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga kababaihan ng Malolos, Bulacan na nais magtayo ng paaralang pambabae sa kanilang bayan
37. Mga Sanaysay La Frailocracia en Filipinas (Pangingibabaw ng mga Prayle sa Pilipinas) – tumutuligsa sa katiwalian at kawalang-katarungan at pangingibabaw sa Pilipinas ng mga prayle noon
38. Parodiya (Parody/Lampoon) Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar – koleksyon ng Katesismo at mga dasal na pinarodiya upang tuligsain ang mga prayle
39. Ilang bahagi ng “Dasalan at Tocsohan” Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng alkansya. Ang prayle ay sumasaiyo. Bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat. Pinagpala rin naman ang kaban mong mapasok. Santa barya, ina ng deretso, ipanalangin mo kaming huwag anitan at kami’y ipapatay. Siya nawa.
40. salin ng Aba Ginoong Barya Hail oh coin, you fill up the piggy bank. The friars are with you. Blessed are you among all and further multiplied by the friars. And blessed also is the chest that you enter. Holy coin, mother of rights, pray for us so that we will not be scalped and be assassinated. Amen.
41. Mga Tula Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenigildo Flores
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar
42. Mga Pahayagan Diariong Tagalog (unang pahayagang Tagalog) – pinamatnugutan ni Marcelo H. Del Pilar
La Solidaridad (Espanyol ang wika) – opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda; pinamatnugutan nina Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.
43. Tatlong Haligi ng Kilusang Propaganda Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang)
Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat; Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel)
Graciano Lopez-Jaena
44. Iba Pang Propagandista Jose Maria Panganiban (Jomapa)
Mariano Ponce (Naning; Tikbalang; Kalipulako)
Isabelo de los Reyes
Antonio Luna
Pedro Paterno (bagamat malao’y 2 beses magtataksil sa Pilipinas)
Pascual Poblete
45. Panahon ng Himagsikan/Rebolusyon ng 1896 at ng Unang Republika (1892-1899)
46. Panahon ng Himagsikan/Rebolusyon ng 1896 Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Nananawagan ng himagsikan
Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)
Nagpapahayag ng marubdob na pagkamakabayan
47. Mga Tula Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio – tahasang nananawagan ng pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa “Inang Espanya”
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Filipinas ni Jose Palma – pinagbatayan ng liriko/titik ng Pambansang awit
48. Bahagi ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
If this country will be endangered
and if she needs protection,
children, wife, parent and brethren
shall be left to heed her call.
49. Bahagi ng “Katapusang Hibik…” Ang lupa at bahay na tinatahanan,
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halaman
sa paring Kastila ay binubuwisan.
Paalam na, Ina, itong Pilipinas
Paalam na, Ina, itong nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag.
Paalam na ngayon, katapusang tawag.
50. Mga Sanaysay Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng pag-ibig sa ningning ng kayamanan
Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni Andres Bonifacio – panawagan sa mga Pilipino na tuklasin kung saan nagmula ang mga paghihirap na kanilang dinaranas (sa KOLONYALISMO/Pananakop at pangingibabaw ng mga dayuhan)
51. Mga Sanaysay El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) ni Apolinario Mabini – sampung utos na kahawig ng 10 Utos sa Bibliya; nagbibigay-diin sa pag-ibig sa bayan at kapwa
Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto – naglalaman ng mga tuntuning dapat sundin ng mga Katipunero
52. Mga Sanaysay Ordenanzas dela Revolucion at Programa Constitucional dela Republica Filipina ni Apolinario Mabini – dokumentong nagpapahayag ng mga patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo ng mga Pilipino (na malao’y magiging republikano); binanggit sa Ordenanzas… ang reporma sa lupa
53. Ilang bahagi ng “Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog” Itong Katagalugan (Pilipinas) na pinamahalaan ng unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga Kastila ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawahan….bata’t matanda at sampung (pati) mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog (ang alibata)…
54. Ilang bahagi ng “Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog” Itinuturo ng katwiran na huwag sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan…
55. Mga Pahayagan Kalayaan – opisyal na pahayagan ng Katipunan
Heraldo dela Revolucion [Tagapagbalita ng Himagsikan] – opisyal na pahayagan ng Republikang Pilipino
La Independencia [Ang Kalayaan] – pahayagang pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna
56. Panahon ng Kolonyalismong Amerikano (1900s-1942)
57. Panahon ng Kolonyalismong Amerikano Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian
Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista
Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano
Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong Kanluranin
58. Bakit sa Espanyol pa rinnagsulat ang iba? Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na nagsasalita ng Ingles
Mas matulain at mas akma sa panitikan ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila
Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano
Espanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon
59. Mga Manunulat sa Kastila Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga bayani at tumutuligsa sa mga Amerikano
Fernando Ma. Guerrero – naglabas ng antolohiya/koleksyon ng mga tula na pinamagatang Crisalidas (“Mga Higad”)
Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling (isang uri ng puno); “poeta laureado” (poet laureate)
Manuel Bernabe – makatang liriko
Claro M. Recto – naglabas ng antolohiyang Bajo Los Cocoteros (“Sa Lilim/Shade ng Niyugan”)
Apolinario Mabini – “utak ng Himagsikan”; ipinatapon ng mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan ang kanyang mga sinusulat
60. Mga Nagsulat sa Tagalog Julian Cruz Balmaceda – sumulat ng “Bunganga ng Pating”
Lope K. Santos – nobelista at mambabalarila (grammarian); Ama ng Balarilang Tagalog
Jose Corazon de Jesus – “Huseng Batute”; “Makata ng Puso/Pag-ibig”
Pascual Poblete – sumulat ng pasyon na anti-prayle
61. Mga Nagsulat sa Tagalog Florentino Collantes – batikang duplero; “Kuntil-Butil”
Amado V. Hernandez – “Makata ng mga Manggagawa”
Valeriano Hernandez-Peńa – “Tandang Anong”; nobelista
Ińigo Ed Regalado – “Odalager”; kwentista, nobelista at peryodista
62. Mga Nagsulat sa Tagalog at Iba Pang Wikang Katutubo Severino Reyes – “Ama ng Dulang Tagalog”
Aurelio Tolentino – “Ama ng Dulang Kapampangan”
Juan Crisostomo Sotto – “Ama ng Panitikang Kapampangan”
Hermogenes Ilagan – mandudula (playwright)
Patricio Mariano – kwentista
63. Mga Nagsulat sa Ingles Jose Garcia Villa – makatang Pormalista (art for art’s sake); “Doveglion”
Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela sa Ingles
Zulueta de Costa – makata
N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales – kwentista
Paz Marquez Benitez – kwentista
64. Maximo Kalaw – nobelista
Juan Laya – nobelista
Leon Arguilla – kwentista
Nick Joaquin – kwentista
66. Mga Sanaysay El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina (Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni Apolinario Mabini – tumatalakay sa pagtataksil ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika ng Pilipinas
Aves de Rapińa (Mga Ibong Mandaragit-EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH) – tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali; nilathala sa pahayagang “El Renacimiento”; ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang mga editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng ari-arian ng dyaryo
67. Isinaling sipi ng Aves…
68. Mga Tula Al Yanqui ni Apostol – tumutuligsa sa pananakop ng mga Amerikano
Maria Clara ni Guerrero – nagpapahayag ng pagluluksa dahil sa inagaw na kalayaan
Pasyong Poblete – tumuligsa sa mga prayle sa pamamagitan ng tulang estilong pasyon
69. Mga Tula Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA DULA) ni Aurelio Tolentino – alegorikal at sarkastikong batikos sa huwad na kabaitan ng Estados Unidos
Sa Dakong Silangan (“modernong awit”) ni Jose Corazon de Jesus – alegorikal na pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula pagdating ng mga Kastila hanggang sa pagdating ng mga bagong mananakop (Amerikano)
70. Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus – tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at nagbibigay-pag-asa na balang araw, lalaya rin ang bayan (nilapatan ng musika ni Prop. Constancio de Guzman kaya naging awit)
Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin Mańibo Mga Tula
71. Mga Tula Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez
Ang Lumang Simbahan ni Florentino Collantes
72. Sipi mula sa “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” Lumuha ka, aking bayan, buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika…
(Weep, my country, with all sadness weep for
the miserable plight of your poor land:
the flag that symbolizes you is eclipsed by a foreign banner,
even your language of heritage is enslaved by another.)
73. Sipi mula sa “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos…
[Weep over a thousand and one tragedies that conspired
to heap burdens upon you, tonic for the foreigners:
all of your treasure chests have been totally emptied,
all of your liberties were simultaneously murdered.
74. Sipi sa tulang “Al yanqui”(Sa mga Yankee)ni Apostol ˇYankee!
Si mis estrofas logra sobrevivirme,
sus palabras vibraran
en los siglos venideros el odio eterno
del eterno paria.
(Yankee!
Should my lines outlive me,
their words will make known
to future ages the eternal outcast’s
eternal hatred.)
75. Sipi sa tulang “Maria Clara” ni Guerreroni Apostol Lore sobre nosotros,
alma hermana,
Sobre esta tierra que te
quiere y te nombra…
ˇTodavia no surge la mańana!
ˇTodavia lloramos en la sombra!
{Weep over us, sister spirit
Weep for this land which
loves you and calls on you…
Morning still has not come!
We are still weeping in the shadows!}
76. Sipi sa tulang “Kahapon, Ngayon at Bukas” (iba pa sa dula) (Nagsasalita ang Estados Unidos
At sasagot ang Pilipinas:)
Ang tunay kong nais kayo ay turuan
ng pamamahala nitong inyong bayan
saka pagkatapos sa inyo’y ibigay
ang pagsasarili ng malayang buhay.
Ani Kalayaan: Aking hinihiling
Itong aking baya’y iyong palayain
Pabayaan akong gumawa ng aming
Mga kautusang sukat kailanganin.
77. Sipi sa tulang “Kahapon, Ngayon at Bukas” (iba pa sa dula) (patama sa Estados Unidos:)
Siya palibhasa ay MALAKING hari
Sa ibayong dagat MALAKI ang lahi
kaya MALALAKI lahat niyang gawi
at lalong MALAKI gugol na salapi.
Pawang MALALAKI ang ginawang bahay
at MALALAKI rin ang tulay at lansangan
at lalo pang MALALAKI naman
ang lahat ng buwis na pataw sa bayan
78. Sipi mula “Sa Dakong Silangan” (Patama sa katangahan ng ilang Pilipinong maka-Amerikano)
Sa gayo’y pamuling lumamlam ang araw
nitong sawing lahi sa dakong silangan;
Mayroon bayan palang kahit sinasakal,
ay di mo makita ang bakas ng kamay.
(Patama sa edukasyong Kanluranin/Kano:)
At ang kabataang tila nabubulag
kay dami ng aklat ngunit walang aklat
libo-libong aral, laksa-laksang pilak
paglabas sa templo’y dayuhan ang utak.
79. (Tagubilin sa kabataan:)
Kayong kabataang pag-asa ng bukas
huwag mangawili sa masayang palad
habang ang bayan mo’y may kadena’t hirap
paglaya’y hanapin sa aklat o tabak.
{Oh young men and women, tomorrow’s hope,
do not be intoxicated with the good life
while your country’s enslaved and oppressed
seek out liberty in books or through force.} Sipi mula “Sa Dakong Silangan”
80. Sipi mula “MahalinAng Sariling Wika” Ang wikang sarili’y arteng mahiwaga
landasin ng bayan sa pagkatimawa
ngunit kapag ito’y hindi nakalaya
malulugami na sa pagdaralita
{A nation’s language is a mysterious art
the path of a country towards freedom
but if it fails to be liberated
the nation will miserably stay in poverty.}
81. Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
82. Bayan Ko Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal-laya.
83. Mga Dula Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes – ukol sa pag-iibigan ng isang babae at ng Katipunero
Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino – tuligsa sa pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid ang mga pagpapalabas
Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan] sarswela ni Juan Crisostomo Sotto
Tanikalang Ginto ni Juan Abad – dulang pag-ibig ang paimbabaw (superficial) na tema ngunit pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang tunay na mensahe
84. Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga Mayaman] sarswela ni Isabelo delos Reyes – tumatalakay sa kaawa-awang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas
Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino – tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng mga manggagawa upang makamit nila ang kanilang hinahangad na uri ng lipunan Mga Dula
85. Mga Nobela Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni Lope K. Santos – kauna-unahang nobelang tumalakay sa sosyalismo
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peńa
Madaling Araw [Dawn] ni Ińigo Ed Regalado
Pinaglahuan ni Faustino Aguilar – nobelang nananawagan ng rebolusyon ng mga manggagawa
Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano
Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario
86. Mga Nobela Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A. Amado – tampok ang karakter na mala-Simoun
Pusong Walang Pag-ibig ni Roman Reyes
87. Sipi sa “Banaag at Sikat” …Sa Estado Sosyalista, ang lahat ay mag-aaral, gagawa ng bagay-bagay ayon sa kanyang hilig at sa pangangailangan ng sambayanan. Wala nang matututong magnakaw, sapagkat wala namang pag-aari ng ibang nanakawin: ang lahat ay sa lahat na.
{…In the socialist state, everyone will study, will do things in accordance to what he wants and what the people needs. There would no longer be thieves, because private property that can be stolen no longer exists: everything belongs to everyone.}
88. Sipi sa “Pinaglahuan” Sa ikapagtatagumpay ng alinmang layon, sa ikabibihis ng katauhang dinudusta, at sa ipagwawagi ng Katwiran laban sa Lakas ay kailangan ang luha’t ang apoy na panunog. Maggiba muna saka magbuo pagkatapos.
{To successfully attain any objective, to redeem the oppressed people, and for Right to overcome Might, tears and fire that burns are needed. Destroy first so as to create afterwards.}
89. Sipi mula sa“Bulalakaw ng Pag-asa” (Pag-aalay ng may-akda sa “Bayan Ko”)
…Upang matubos nang ganap sa kuko ng mga kaaway mong lihim ay kinakailangang matanim sa puso at mabatid ng bawat Pilipino, na ang una at huling tungkulin niya sa iyo ay ang matutong gumiba, gumutay, tumupok, nang walang kapangi-pangimi, sa dapat igiba, gutayin at tupukin.
{…So as to totally redeem you from your disguised enemies, it should be inculcated in the hearts of and be known to every Filipino, that his first and last duty is to learn how to demolish, destroy and burn, without any restraint, things that should be demolished, destroyed and burned.}
90. Ang Balagtasan Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s
Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to tilt) ang paksa ng mga patulang pagtatalo gaya ng sa duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan
Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga paksang gaya ng: wikang sarili, wikang Ingles o Kastila?; obrero o eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o awtonomiya?
Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng bersyon sa ibang wika gaya ng sa Kapampangan (Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)
91. Mga Pahayagan El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]
El Grito del Pueblo [Ang Sigaw ng Bayan]
El Renacimiento [Ang Muling Pagsilang]
92. Mga Nobelang Ingles A Child of Sorrow ni Zoilo Galang
The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw
His Native Soil ni Juan Laya
His Dishonor the Mayor ni Leon Ma. Guerrero
93. Panahon ng Pananakop ng Hapon/Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog (1942-1944)
94. Panahon ng Pananakop ng Hapon Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng Tagalog
May “katutubong kulay”
Tumatalakay sa buhay sa lalawigan/kanayunan (countryside), paghahangad ng kalayaan at pagkamakabayan
95. Mga Tula Haiku (5-7-5)
Hila mo’y tabak…
Ang bulaklak: nanginig!
Sa paglapit mo.
Tanaga (7-7-7-7)
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
96. Maikling Kwento Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni NVM Gonzales
97. Dula Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo
98. Natatanging Kontribusyon ng mga Hapon sa Panitikan ng Pilipinas Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles (taktika upang maakit ang mga Pilipino sa republikang papet ng mga Hapon)
Hinikayat ang mga manunulat na magsulat sa Tagalog at iba pang wikang katutubo
Pinayagan ang pag-iral (existence/operation) ng mga magasin na gaya ng Liwayway na nagpalaganap sa sariling panitikan ng Pilipinas (bagamat nakapailalim ito sa sensura o censorship)
99. Panahon ng “Isinauling Kalayaan”/ “Malayang Republika” (1946-1960)
100. Panahon ng “Isinauling Kalayaan”/ “Malayang Republika” Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Tumatalakay sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon
Isinasali/inilalahok sa mga patimpalak gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (ang pinakapopular na timpalak sa pagsulat sa Pilipinas)
Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa lipunan)
101. Mga Antolohiya/Koleksyon Ako’y Isang Tinig – mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza-Matute
Parnasong Tagalog – mga piling tulang Tagalog
102. Mga Unang Nagwagi saTimpalak Palanca Maikling Kuwento
Unang Gantimpala – “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute
Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at Mga Bituin”
103. Mga Unang Nagwagi saTimpalak Palanca Dula
“Hulyo 4, 1954 A.D.” ni Dionisio Salazar
104. Mga Nobela Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio Kapulong at Alejandro G. Abadilla
Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
Tundo Man Ay May Langit Din ni Andres Cristobal-Cruz
105. Mga Tula Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla (AGA)
106. Panahon ng Aktibismo (1960s-1970s)
107. Panahon ng Aktibismo Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Aktibista
Sosyal-realista (social realist: sumasalamin sa lipunan)
Tumatalakay sa mga suliraning panlipunan (kawalan ng lupa ng mga magsasaka, mababang sahod ng mga manggagawa, rebelyon sa kanayunan, katiwalian sa pamahalaan atbp.)
Mapanghimagsik
108. Mga Tula Mga Duguang Plakard [mahabang tulang alay sa mga demonstrador na pinatay sa Mendiola] ni Rogelio Mangahas
Ang Burgis sa Kanyang Almusal [pagtuligsa sa kawalang-pakialam/insensitivity ng mga middle class sa karukhaan ng taumbayan] ni Rolando S. Tinio
109. Mga Tula Tata Selo [iba pa sa maikling kwento] ni Romulo Sandoval
Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz ni Jose “Pete” Lacaba
May Bango Ang Awit ng Rebolusyon ni P.T. Martin
Elehiya sa Isang Rebelde ni Virgilio Almario
110. Sipi sa “Kagila-gilalas…” Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dala’y gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa ring laman ang bulsa
umakyat
sa Arayat
ang namayat
na si Juan de la Cruz
111. Sipi mula sa “May Bango…” Ang awit ng rebolusyon The song of revolution
ay awit ng isang baliw is the song of a lunatic
sa lipunang in a society where
kabaliwa’y kalayaan lunacy is freedom
para lumaya to be free
sa kabaliwan from the lunacy
ng pagiging alipin. of slavery.
112. Sipi mula sa “May Bango …” Aling awit pa kaya What other song
ang magpapaligaya can give happiness
sa pusong inulila to a heart forsaken
ng pag-ibig at hustisya by love and justice
kundi awit ng rebolusyon. except the song of the revolution.
O kaysarap How sweet it is
masamyo,madama to savor, to feel
ang lagitik, ang sonata the creak, the sonata
ng bala’t pulbura of bullet and gunpowder
sa bayang pinuputa. in a prostituted country.
113. Sipi mula sa “Elehiya…” Ngayon lalong luksa ang kalang malamig
Maging ang ulilang araro sa linang
Daga’y magpiging man sa banga’t kamalig
Wala nang sisinop sa ipang iiwan.
(Now the cold stove is more mournful
so is the plow forsaken in the field
Though the rats feast on pots and in the barn
no one will throw the hulls that are left.)
114. Sipi mula sa “Elehiya…” Sapagkat nang ikaw’y bistayin ng punglo
Habang nagpupunla ng bagong pag-asa
Sa nayo’t bukirin, ang tumapong dugo’y
may katas at samyong sa lupa’y pamana.
(Because when you were smothered by bullets)
while you were sowing renewed hope
in the fields and the countryside, the blood spilled
had flavor and fragrance that is your legacy to the land
115. Mga Nobela Daluyong ni Lazaro Francisco
Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
116. Mga Maikling Kuwento Banyaga ni Liwayway Arceo
Impeng Negro ni Rogelio Sicat
Tata Selo ni Rogelio Sicat
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg
Servando Magdamag ni Ricky Lee
Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac
117. Panahon ng Batas Militar/“Bagong Lipunan”/Diktadurang Marcos Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…
Tumatalakay pa rin sa mga suliraning panlipunan
Matimpi (subdued) at pailalim/indirekta (subtle) ang pagbatikos sa kawalan ng kalayaan
118. Mga Tula Kung Ang Tula Ay Isa Lamang ni Jesus Manuel Santiago