5.69k likes | 22.77k Views
PAGBASA. ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na mensahe ng sumulat isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag na mga titik sa bawat pahina ng babasahin.
E N D
PAGBASA • ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na mensahe ng sumulat • isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag na mga titik sa bawat pahina ng babasahin
KahalagahanngPagbAsa 1. Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay 2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa pangaraw-araw 3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin 4.Nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karununggan
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan 6. Nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay 7. Nagsisilbing susi sa malawak na karunungan na natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
MGA LAYUNIN NG PAGBASA Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang layunin kung bakit nagbabasa. Sa pangkalahatan, nagbabasa tayo upang makakuha ng mga impormasyon, mapalawak ang ating mga kaalaman, at mag-aliw.
MGA TEKNIK NG PAGBASA AyonkayBadayos, may mgatekniksapagbasanadapatisaalang-alang: • Iskaning • Mabilisnateknikitongpagbasanaangpokusngmambabasa ay makuhalamangangmgaespesipikongimpormasyon.
2. Iskiming • Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap. 3. Kaswal • Ang teknik na ito ay tinatayang pang – ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling sabi, wala kang tiyak na layunin at intensyon kaugnay sa iyong binabasa.
4. Kritikal • nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap. Ibig sabihin, ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo. 5. Komprehensibo • tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye maging ito man ay maliit o malalaking detalye.
6. Pribyuwing • Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin. 7. Replektib • Replektib na teknik ang pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambabasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos.
8. Muling – Basa • Tinatawagitosa Ingles nare–reading at tumutulongsamgamambabasanamagingpamilyarsamgadetalyengbinabasatungosalubosnapag – unawa. 9. Pagtatala • Notetakingnamanito kung tawaginsa Ingles namalakiangnaiaambagsamambabasa. Nagagawakasinitongmabigyang emphasis o haylaytangiyongbinabasa. Kadalasanitongisinasagawasapamamagitanngpagsasalungguhitsateksto, paglalagayng asterisk, paggamitnghaylayter at iba pa.
ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA 1. Literal na Pang-unawa • Ang pang-unawang ito ay ang kakayahang pansinin ang katotohanan o opinyon sa binasa. Mahalaga ang kakayahang ito upang malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay sa mga patunay o saliksik.
2. Pagbasa sa Pagitan ng Salita (Inferential Level) • ang kakayahang maintindindihan o unawain ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag na salita.
3. Pang-unawang Kritikal • nangangailangan ng malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang mapagtanto at makabuo ng matatag na pananaw.Ang mga bagay na maaaring makatulong sa bumabasa sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang kung sino ang may akda, ang paninindigan nito, mga karanasan at ang may kinalaman o patungkol sa may akda.
4. Malikhaing Antas ng Pagbasa (Creative Level of Comprehension) • ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga binasa. Sa antas na ito, nagaganap ang pagbabago sa buhay o pananaw ng isang mambabasa, ito ang pinakamahalagang antas ng pagbabagong naidudulot.
MgaHakbangsaPagbasa 1. Komprehensyon o pagkaunawa • Higit pa ito sa pagkilala ng mga salita dahil sa nangangaghulugan ito nang lubos na pag-unawa sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng mga pangungusap sa isang talata ng isang buong akda o artikulo.
2. Persepsyon o pagkilala • Nakapaloob dito ang pagkilala sa mga salita. 3. Reaksyon • Kinapapalooban ito ng dalawang hakbang: Una ay ang pa-emosyunal na ang bumabasa ay humahanga In sa estilo at nilalaman ng akdang kanyang binabasa at ang ikalawa ay paintelektwal, na ang bumabasa ay nakapagpapasya sa kawastuhan at tinataglay nitong lohika sa kanyang akdang binabasa.
4. Asimilasyon • Hakbang ito ng pagkuha sa mga impormasyon o kaalaman na iuugnay at isasantabi muna pansamantala sa isipan upang muling balikan sa oras ng pangangailangan. 5. Kabilisan/Kabagalan ng Pagbasa • tumutukoy sa panahon o oras ng isang mambabasa. Ipinaliliwanag dito, ang kabilisan o kabagalan ng isang mambabasa taglay ang layunin at dahilan niya sa pagbasa, pagpapalawak ng vokabularyo, at marami pang iba,at higit sa lahat ang ginagamit na wika.
6. Kasanayan at Kaugalian sa Pag-aaral • Ipinapaliwanag dito, na ang kasanayan at kaugalian sa pagbabasa ay nakasalalay sa isang mahusay na atityud o sistema ng pagbabasa ng isang indibidwal.
MgaDapatTandaanTungo Sa MabisangPagbasa 1. Pumili ng lugar na makakaramdam ng komportabilidad. 2. Tiyakin na walang hadlang ang lugar na pinili. 3. Iwasang magbasa sa lugar na sobrang komportable. 4. Alamin ang oras kung saan alerto ang isipan. 5. Tiyakin na laging may oras sa pagbabasa. Gawin itong habit kung maaari.
6. Laging isaisip ang layunin kung bakit nagbabasa upang lalong tumaas ang motibasyon sa pagbasa. 7. Magkaroon ng barayti ng babasahin upang hindi ito kasawaan. 8. Ang diretsong tatlong oras na pagbasa ay mainam. Subalit, matapos ang tatlong oras, maglaan ng dalawampung minutong break. Sabi nga sa Ingles, breaking the monotony.
9. Sa tuwing nagbabasa, iwasan ang paghawak sa susunod na pahina ng binabasa. Nagbubunsod ito ng pagmamadali sa pagbabasa na maaring magresulta sa mababang antas ng komprehensyon. Nagtataglay ito ng epektong sikolohikal. 10. Laging tandaaan, mataas ang posibilidad na kaunti lamang ang maunawaan sa tuwing binibilisan ang pagbabasa kung ihahambing sa mabagal na magbasa at pilit na inuunawa ang binabasa.
11. Iwasan ding bilangin o tingnan kung gaano karami ang pahinang babasahin. Nagdudulot din ito ng hindi magandang saloobin tungo sa mabisang pagbasa.
12. Para sa mga magbabasa nang tahimik, siguraduhing iwasan ang sumusunod: a. Lipping • Madalas na paggalaw na labi na kung minsan ay nagiging hadlang sa mabisang pagbasa. Upang maiwasan ito, kumuha ng bolpen o lapis at itapat ito sa iyong labi sa paraang horizontal. Gawin ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo hanggang sa tuluyan na itong maalis.
b. Tongue – Warbling • Madalas na paglalaro ng dila sa loob ng bibig na nagdudulot ng tunog at nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagbasa. c. Jawing • Madalas na paglalaro naman ito ng panga dulot din ay hadlang