580 likes | 6.07k Views
MGA YUGTO NG PAGBASA. ni Prof. Magdalena O. Jocson Fakulti, Kagawaran ng Filipino Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila. Basahin nang pabigkas ang mga sumusunod:. 1. Ang susi ni Susie ay nilagay ni Siso sa seesaw.
E N D
MGA YUGTO NG PAGBASA ni Prof. Magdalena O. Jocson Fakulti, Kagawaran ng Filipino Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila
Basahin nang pabigkas ang mga sumusunod: 1. Ang susi ni Susie ay nilagay ni Siso sa seesaw. 2. Nagbaging ang mga matsing at nahulog sa bangin ng ito’y bumahin. 3. Nagbigay ang dakilang alalay ng isang kabang palay. 4. Isang piling ng saging dala-dala ni Saling para kay Lola Laling. 5. Matingkad ang dahlia ni Dahlia samantalang mapupula ang rosas ni Rosa.
Panimula • Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng magiging tungkulin ng pagbasa sa isang indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ng kaalaman upang matuto sa takbo ng buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao.
Hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng pagbasa bilang makro ng komunikasyon. Mula sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo ng isang teksto, pagbibigay ng interpretasyon sa mga kaisipan at mga impormasyong isinasaad sa akda, patungo sa pagiigng mapanuri na hahantong sa pagbibigay ng sariling reaksyon sa mga nakapaloob na kaisipan sa isang teksto hanggang sa pag-uugnay ng mga sariling karanasan sa kaganapan sa tekstong binasa na magtatapos sa pagpapahayag ng mga damdamin o emosyon ayon sa pamamaraan ng may-akda, ang malilinang ng pagbasa sa isang indibidwal.
Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat matamo ng isang mag-aaral sa mga unang taon pa lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito nakasalalay ang tagumpay niya at kaunlaran sa hinaharap. • Ang makabagong daigdig ay isang daigdig na nagbabasa. Sa makabagong daigdig ding ito, ang pagabsa ay isang likas na bahagi ng pag-unlad.
Kailangan ang kapaligirang magkakaroon ng interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral, mag-aaral sa guro at mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kagamitang panturo. Isang malaking hamon ang pagtuturo ng pagbasa Mahalaga ang pagtuturong interaktibo sa pagbasa MGA PANANAW SA PAGBASA Dapat ang gabay sa unti-unting pagkatuto tungo sa pagbasa; tungo sa pagkatuto. Ang pag-aaral ng pagbasa ay hindi isang pakikipag-unahan. Malaking kontribusyon sa pagkatuto ng pagbasa ang mga gawaing nararanasan sa buhay araw-araw. Isaalang-alang din ang literasi sa media at literasi sa kompyuter. Higit sa lahat ang mahalagang papel ng guro sa pagkatutong mga mag-aaral sa pagbabasa.
MGA YUGTO NG PAGBASA Unang Yugto Kahandaan sa Pagbasa (Reading Readiness) Ikalawang Yugto Panimulang Pagbasa (Beginning Or Initial Reading) Ikatlong Yugto Pagpapaunlad ng Kakayahan o Mabilis na Pag-unlad (Expanding Power or Rapid Growth) Ikaapat na Yugto Malawakang Pagbasa (Extensive Reading) Ikalimang Yugto Pagpapapino at Pagpapaunlad pa ng mga kasanayang natamo sa pagbasa
Kahandaan sa Pagbasa • Ang yugtong ito sa pagbabasa ay nararanasan ng mga bata sa iba- ibang edad. May mga batang maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa.
Ilang salik na kailangan sa paglinang ng kahandaan sa pagbasa Pisikal Mga Salik Salik na Emosyonal at Sosyal Mental Wika Personalidad at Karanasan
Palatandaan ng Kahandaan sa Pagbasa • Ayon kay Belvez (2002), mahalagang tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa ng mag-aaral bago turuan ito ng pormal na pagbasa. Kahit na anong sipag, sikap at tiyaga ng guro sa pagtuturo na matutong bumasa ang mag-aaral kung hindi naman siya handa sa ay balewala rin.
Naririto ang ilang palatandaan ng batang may kahandaaan sa pagbasa. 1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis, anyo at laki. Halimbawa: iba ang sa iba ang sa iba ang sa
2. Nakikilala na iba ang: n sa h b sa d m sa n M sa W O sa Q R sa B at iba pa.
3. Nakakahawak na ng aklat na wasto at maayos. Marunong magbukas ng aklat at magbuklat ng mga pahina. Nahahawakan ang dyaryo o magasin nang hindi patuwad o pabaliktad.
4. Nakikita, napapansing mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan sa isang tingin. Halimbawa: Kulang ng isang tainga, kamay o paa ang isang bata.
5. Napapangkat-pangkat ang magkakatulad, naibubukod ang naiiba. Halimbawa: • Pinagsasama-sama ang magkakahugis. • Nilalagyan ng X o bilog ang bagay na hindi kapangkat.
6. Nakauulit ng buong pangungusap na narinig. Nauulit ang naririnig na pahayag. 7. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang mula kaliwa pakanan. 8. Naisasaayon sa wastong pagsunud-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan. 9. Nakakapagsalaysay ngpayak na kwento,payak na pangyayari. 10. Nakapag-uugnay ng kawilihan sa aklat, sa pagbuklat ng aklat, pagkilala ng aklat, pagkilala ng mga larawan at simbolong naroon.
Panimulang Pagbasa • Sa yugtong ito ng pagbasa, naririto ang pagkatuto sa pagkilala sa partikular na simbolo, sa salita, parirala at pangungusap at ang isinasaad na ideya o kaisipan. Dito nakikilala ang salita, ang iba-ibang kombinasyon ng pantig na ang bawat kombinasyon ay nakabubuo ng ibang salita. Gaya ng ba-ta, sa sa-ba, ta-sa, ga-wa, bababa at Bababa ba? Habang unti-unting nakikilala ang mga pantig ay dumarami ang salitang nababasa. Bukod sa iba-ibang kombinasyon ng KP pantig (katinig-patinig) gaya ng ba, be, bi, bo, bu, ka, ke, ki, ko, ku, at iba pa, may ipinakikilala ring paisa-isang salitang sight word gaya ng ang, ay, at. Ito’y upang makabasa rin sila ng parirala at pangungusap gaya halimbawa ng “ Ako ay may aso. Itim ang balahibo.” Gayon din ang ilang salitang lagi na lamang nilang nababasa sa paskilan, sa leybel (label) ng gamit sa silid-aralan, gaya ng silya,mesa, pinto, bintana. • Sa pagbabasa sa aklat, iniingatang kontrolin ang dami ng salitang pag-aaralang basahin sa araw-araw upang hindi makagulo sa isipan at memorya ng mag-aaral.
Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang–alang ng guro sa panimulang pagbasa. • Unti-unting bilang ng salita lamang ang dapat ipasok sa mga araling babasahin. • Ilang paraan ang magagamit sa pagkilala sa bagong salita. 2.1 kombinasyon ng pantig na kilala na 2.2 sa tulong ng larawan 2.3 sa pamamagitan ng konteksto o gamit sa pangungusap 2.4 maaari rin ang configuration cues, bagaman hindi gaanong gamit ito sa Filipino tulad ng Ingles.
3. Gawing lubhang kawili-wiling gawain o karanasan ang unang gawain sa pagbasa upang kagiliwan ang pagbabasa. Samakatuwid, ipabasa ang kwento, tula na maikli lamang, kawili-wili at humahamon sa angking kakayahan sa pagbasa. 4. Sikaping mapalawak ang nababasa at maunawan ang mga salita, parirala at pangungusap.
Magkaroon ng maraming gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng binasang aralin. Maaaring: • pag-uugnay ng salita sa larawan • pagbubuo ng bagong salita mula sa dati nang alam na pantig at salita • pagkuha ng maliliit na salita mula sa mahabang salita • pagsagot sa tanong tungkol sa binasa • pagsunod sa panuto • pagsulat sa nawawalang salita • pagpili sa angkop na salita • pagsasadula sa binasang kwento • pagkukwentong muli • pagsusunud-sunod sa mga pangyayari • pagbibigay ng angkop na pamagat • pagbabago sa wakas ng kwento
Pagpapaunlad ng Kakayahan / Mabilis na Pag-unlad (Expanding Power / Rapid Growth) • Sa yugtong ito, nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagkilala sa salita, parirala at pangungusap at ang mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa binasa.
Sa ikakatagumpay ng paglinang ng mabilis na pagbasa nang may pag-unawa at may kawilihan at kasiglahan sa gawain, narito ang ilang dapat isaalang-alang: 1.Simulan ang aralin tuwina sa maayos, angkop at kawili-wiling pagganyak o panggi- sing ng kawilihan. 2. Tiyaking naialis na ang mga balakid sa maayos, angkop at kawili-wiling pagbasa gaya ng pagkilala sa mga bagong salita at iba pang paghawan ng sagabal. 4. Ang komprehensyon sa binasa ay pag-uugnay ng dati ng alam o prior knowledge at ng hindi pa alam. Iniuugnay ang bagong ideya o impormasyon sa dati ng nakaimbak na kaalaman sa kanilang isipan. 3. Magbigay ng mga tanong pangganyak na siyang sasagutin matapos ang pagbasa.
Malawakang Pagbasa (Extensive Reading) • Sa yugtong ito, pinipino at pinauunlad ang pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang angkin ng mag-aaral ay isang instrumento rin sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretasyon.
Sa yugtong ito, patuloy na nalilinang ang iba-ibang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon, bokabularyo, interpretasyon gaya ng: • pag-aaral at interpretasyon ng talaan, tsart, grap, dayagram atb. • kasanayan sa paggamit ng Talaan ng Nilalaman at Indeks • kasanayan sa paggamit ng diksyunaryo, • ensayklopedya, almanac atb.
Pagpapapino ng Kasanayang Natamo sa Pagbasa • Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong ito. Mula sekondarya hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral ang ibinubunga ng iba’t ibang kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad: marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat natututong gumamit ng grap, tsart, mapa maliwanag na pagbasang pasalita nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang mga pangunahing kaisipan at layunin sa pagbasa. sanay bumasa sa pagitan ng mga linya nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga yumayaman ang talasalitaan bilis sa pagbasa nang tahimik pag-unawa sa salita pagkilala ng salita
Sa patuloy na pagpapapino at pagpapaunlad ng pagbasa, maaaring gamitin ang pormulang SM3B sa pagbasa. • S Nangangahulugan ng SARBEY na binubuo ng tatlong gawain. S 1 Balik-gunita sa ating nalalaman kaugnay ng paksang babasahin. S 2 Pagkilala sa mensaheng ibig ipahatid ng awtor. S 3 Pagpapasya sa layunin sa pagbasa.
MMagtanong: ng mga nais malaman sa teksto sino, ano, kailan, paano, bakit B 1 Unang PAGBASA. Simulang basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang pamamaraang angkop sa layunin. Masaklaw bang pagbasa ang gagawin o masinsinang pagbasa? Sagutin na ang mga tanong na ginawa at nais masagutan sa pagbasa. B 2 BALIK-BASA. Basahing muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang kasagutan sa mga tanong. Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong. Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong. Ang pagtiyak at paggunita sa mga natutuhan ay nakatutulong upang mabasa ang inyong pantanda o memorya. B 3 BUOD. Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa maayos na pag-uulat. Ang paggawa ng buod sa binasa ay katiyakan na nauunawaaan ang binasa. Nakatutulong sa paggawa ng buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng binasa.
KAPIT-KAMAY I Huwag maligaw Sa bawat araw Ang narating Huwag mong sayangin Magtiwala sa iyong pangarap Umasang magaganap Isabuhay, katotohanan Matatamo’y tagumpay
REFRAIN: Kapit-kamay ang dapat Upang pangarap matupad Sa adhika magsamasama Habang buhay walang hanggan III Ang pagyuko ay di pagsuko Magsimula sa iyong adhika Kung may luha ay may ligaya Na iyong madarama Pananalig, laging isipin Minimithi’y darating
REFRAIN: Kapit-kamay ang dapat Upang pangarap matupad Sa adhika magsamasama Habang buhay walang hanggan IV Kung tayo ay nasa dilim Mithiin ay ningning Ang puso’y pag-alabin Tagumpay mararating (ulitin ang Refrain)
Resipe ng Magandang Buhay GAWIN: Isama (+) ang Panginoon sa iyong buhay Alisin (-) ang lahat ng takot Paramihin (x) ang mabuting gawi Ipamahagi () sa iba ang mga biyayang natatanggap KALALABASAN: (=) ISANG MASAYA AT MAGANDANG BUHAY