1 / 49

MGA PATNUBAY SA PAGSASAGAWA NG PULONG BAHAY

MGA PATNUBAY SA PAGSASAGAWA NG PULONG BAHAY. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY.

edward
Download Presentation

MGA PATNUBAY SA PAGSASAGAWA NG PULONG BAHAY

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. MGA PATNUBAY SA PAGSASAGAWANG PULONG BAHAY

  2. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY

  3. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 1. Manalangin at mag-ayuno. Lahat ng miyembro ng Pulong bahay Team ay kailangang magtalaga ng personal na pag aayuno ( 1 or 2 meals) at humingi sa Diyos ng anointing, pabor at tagumpay para sa kabuuang programa ng PB- pag-anyaya, pagdalo ang mga taong inimbitahan, maayos na programa, mawasak ang mga strongholds, kaliwanagan ng kaisipan at pagkakaroon ng

  4. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY matinding adhikain na suportahan ang adyenda ng Panginoon/ECV at Bangon Pilipinas. 2. Lahat ng PB teams ay dapat nasa diwa ng pananalangin sapagkat ang Diyos lamang ang may kakayanan na humipo at magbigay ng conviction sa puso at isip ng mga tao ( Gawin lamang ito ng tahimik at hindi dapat ipahalata sa mga tao)

  5. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 3. Bumuo ng isang grupo (team) para sa pagsasagawa ng Pulong Bahay. Ang grupo (team) ay binubuo ng mga sumusunod: Host– siya ang tagapag-anyaya sa mga taong dadalo sa Pulong Bahay.

  6. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY Facilitator – siya ang tagapagpaliwanag o tagapagsalita sa Pulong Bahay. Secretary–siya ang mangangasiwa ng attendance at magtatala ngmga pangyayari sa PulongBahay. One or two assistants– sila ang tutulong sa pagsasagawa ng PulongBahay.

  7. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 4. Magbigay ng mga tagubilin sa lahat ng kasapi ng Pulong Bahay team 5. Ihanda ang lahat ng mga materyales na kakailanganin. Siguruhing ang mga ito ay nakahanda.

  8. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY

  9. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 6. Itakda ang lugar at kilalanin ang mga taong kakausapin. Note : Sa mga lugar na walang kakilala maaring gamitin ang voter’s list upang mabatid ang presinto na maaring pagdausan ng PB. Ang stratehiyang ito ay makakatulong upang makubkob ang buong barangay.

  10. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY9 7. Imbitahan ang mga taong ninanais na kausapin. Maaring magbigay ng raffle na may simpleng pa premyo gaya ng tabo, walis, o sabon, upang hikayatin silang lumahok sa Pulong Bahay (optional).

  11. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 8. Magpadala ng “advance party” sa lugar na pagdadausan ng Pulong Bahay upang alamin ang mga kakailanganin. 9. Ihanda ang lugar na pagdadausan ng Pulong Bahay. Siguraduhing may mga flyers, sapat na upuan, atbp. Siguruhin ding may DVD player, telebisyon, at VCD at ang mga ito ay nasa maayos na kundisyon. Magdala ng extrang VCD upang makasiguro.

  12. I. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PULONG BAHAY 10. Alamin at sanaying mabuti ang mga sasabihin at ang takbo ng programa.

  13. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY

  14. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 1. Dumating ng maaga, huwag magpahuli. 2. Ikabit ang tarpaulin ni Bro. Eddie.

  15. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 3. Kunin ang mga pangalan ng mga taong dumarating at magbigay ng isang masaya at magiliw na kapaligiran. Gamitin ang dalawang form ng Consultation & Forum para sa attendance (ireserba ang ikatlong form upang magamit kung kulang pa ang dalawang form) NOTE: Gabayan sila sa pagsulat upang masigurong tama ang mga impormasyong na kanilang isinusulat lalo na ang kumpletong middle name, apelyido at birthday.

  16. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY Sa mga kabataan na ang edad ay 17 pababa hindi na sila kinakailangang pumirma sa attendance subalit importanteng maisama sila sa iyong report sa likod ng membership form. (Halimbawa: Mayroong limang (5)kabataan edad 17 pababa ang dumalo sa PB)

  17. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 4. Ipalabas ang Bus ni Bro ni Gloc 9 at mga TV Commercials ni Bro. Eddie bago at pagkatapos ng Pulong Bahay. 5. Isagawa ang programa ng Pulong Bahay ng may kahusayan. Siguraduhing may tamang koordinasyon sa pagkakasunod-sunod ng ipapalabas lalo na sa mga VCD dokyumentary films ( Ang Palasyo, Sino si Bro Eddie etc)

  18. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 6. Pagkatapos ng closing prayer, bigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagtanong ng isa o dalawang katanungan. Huwag kalimutang pasalamatan ang nagtanong at sumagot ng magalang at matalino. Sa ibang katanungang di tiyak ang sagot, sabihin na ito’y ipagbibigay alam sa pamunuan na may pangakong ito’y makakabalik sa mga dumalo.

  19. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 7. Hamunin ang mga taong sumali na lumagda sa membership Form( PBF2) (Halimbawa: Bago po tayo magkaroon ng simpleng mirienda, nais ko pong hamunin ang lahat na makiisa sa pangarap para sa isang bagong Pilipinas na pinaghaharihan ng katuwiran, kapayapaan at katiwasayan ng buhay sa pamamagitan ng ating pakikibahagi sa layunin ng Bangon Pilipinas Party sa pangunguna po ni Bro Eddie Villanueva… sa pamamagitan ng ating simpleng paglagda sa membership form.

  20. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY Note: Ang ilalagay na lamang sa membership form ay ang kanilang pangalan at lagda, hindi na kailangang ilagay ang lahat ng kanilang impormasyon upang mapadali ang pag lagda( Pagkatapos ng PB kailangang isulat ng Secretary ang kumpletong impormasyon lahat ng mga taong lumagda sa membership form gaya ng address, contact no etc…).

  21. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY Habang nagbibigay ng paliwanag ang Facilitator, dapat na ilibot ng secretary at ng iba pang kasapi ng team ang membership forms sa mga tao.

  22. II. MGA DAPAT GAWIN SA PULONG BAHAY 8. Pasalamatan ang mga tao sa kanilang pagdalo at anyayahan sila sa simpleng salu-salo (ipalabas ang awit ni Rey Valera “ Sa aming Panahon”). Magiliw na makipag-kamay sa kanila upang maipadama ang iyong sinseridad. 9. Ipamahagi ang mga pulyetos o flyers; isa o dalawa sa bawat pamilya.

  23. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY

  24. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 1. I review muli ang attendance form (PBF1) at siguruhing tama ang lahat ng mga impormasyong nakasulat gaya ng pangalan, apelyido at middle name ay tamaupang matiyak kung sila’y mga rehistradong botante ng COMELEC. (www.comelec.gov.ph). Maaring hanapin (verify) ng PB team, Barangay Coordinator, PD Staff sa tulong ng KKB ang mga pangalan ng mga botante sa nasabing COMELEC website.

  25. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Ang pagsusuri ay dapat na gawin batay sa gagawing pag-aalaga sa mga bagong miyembro at mula sa kanila ay maaring kumuha pa ng mga potensyal at maiimpluwensyang kasapi.

  26. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 2. Markahan sa attendance ( PBF1) at tandaan ang mga nagbigay ng positibong tugon at ang mga maimpluwensyang dumalo sa PB upang sila ay mabalikan at mahikayat na maging boluntaryong tagapanguna (potential precinct/cluster coordinators).

  27. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Mula sa kanila at sa mga sektor na kanilang kinabibilangan, maaaring bumuo ng mga iba’t-ibang mga grupo tulad ng Bangon Teachers, Bangon Kabataan, Bangon Seniors, Bangon Farmers, atbp.

  28. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY NOTE: Gamitin ang REMARKS portion sa pagtatala ng OPLAN ABAKA (A-Atin, BA-Baka Sakali, KA-Kanila) at iba pang mga mahahalagang impormasyon gaya ng kanilang kinabibilangang sector at silang nagbigay ng positibong tugon. Huwag kalimutang markahan ang mga pangalan ng mga taong lumagda sa membership forms . Sila ang mga taong “ATIN” sa Oplan Abaka.

  29. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Bigyan ng espesyal na atensyon at bisitahin ang mga pamilyang may malaking bilang ng mga botante. Example: Mr. Frank – Barangay Councilor of San Isidro and a former bank manager. Ang mga taong ito ay maaring maging Precinct o Cluster Coordinators.

  30. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY

  31. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 3. Ang attendance form (PBF1) ay mananatili sa Pulong Bahay team para sa pag-sasagawa ng monitoring at follow-up. Pansamantala, hindi na kailangang ibigay pa ito sa Municipal Project David ( PD) office subalit kailangan itong itago sapagkat ito ay ibibigay sa Municipal PD office pagkatapos ng eleksyon.

  32. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 4. Kailangang siguraduhin ng PB Team leader na ang lahat ng kailangang report o mga impormasyon ay nakopya at naisulat sa likod ng membership form ( PBF2). At lahat ng mga detalye patungkol sa mga taong lumagda sa membership form ay kumpleto ring makopya mula sa attendance form.

  33. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 5. PB team leader ay kailangang mag-sumite ng membership form sa kanyang Barangay Coordinator/Zone Coordinator. Ang Barangay Coordinator/Zone Coordinator ay dapat gumawa ng summary ng lahat ng mga reports ng kaniyang mga Pulong Bahay teams at ito ay dapat ibigay sa Municipal Project David office tuwing Sabado (pagkatapos ng Dawn watch).

  34. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Ang layunin nito ay para sa monitoring, recording at consolidation ng mga reports at upang malaman ang progreso ng Pulong Bahay.

  35. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 6. Isulat sa likod ng membership form ang mga pangalan ng Pulong Bahay team. Ang team leader at ang kanyang mga miyembro. 7. Pag-aralan ang naging takbo ng Pulong Bahay. Gumawa ng isang simpleng report sa likod ng membership form bilang summary sa nangyaring pulong bahay.

  36. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY SUMMARY NG GAWAIN KUNG SAAN GINANAP ANG PULONG BAHAY (PB) Halimbawa: Kung ang lugar ng pinagdausan ay sa Barangay Quebiawan, City of San Fernando, Pampanga

  37. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY A. Attendance Profile Total Attendance: 20 Analysis ng Kabuuang bilang ng mga Rehistradong Botante na dumalo sa PB (pagbasehan ang attendance form)

  38. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY

  39. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Interpretasyon (Gabay lamang ito sa paggawa ng attendance/voter’s profile at hindi na kailangan lumitaw sa actual na report na isusulat sa likod ng attendance at membership form): Ipinapakita na mula sa 20 na dumalo sa PB, 2 ang hindi rehistradong botante, 18 ang rehistrado. Mula sa 18 na rehistradong botante, 14 ang bumoboto sa loob ng barangay kung saan naganap ang PB.

  40. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Mula sa 18 na rehistradong botante, 2 ay rehistradong botante mula sa labas ng barangay na kabilang sa mga barangay ng San Fernando. Mula sa 18 na botante, 1 ang bumoboto sa loob ng Pampanga na hindi sakop sa barangay o munisipyo na kung saan ginanap ang PB at ang 1 ay bumoboto sa labas ng Pampanga. (Note: Tignan ang address sa attendance para sa karagdagang impormasyon.)

  41. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Ang kabuuan ng mga botante na para kay Bro. Eddie ay 16. Ito ay nangangahulugang ang dalawa sa mga rehistradong botante na dumalo sa PB ay hindi lumagda sa membership form sa pag-suporta kay Bro. Eddie. Maari pa rin naman silang bisitahin upang kumbinsihin.

  42. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY B. Other Bullet Report/Observation • Matagumpay at karamihan sa mga dumalo ay lumagda sa membership form. • Ilan sa mga katanungang mahalaga na lumutang ay: • Winable ba si Bro Eddie? • Bakit pa siya tatakbo ulit? Note : Lahat ng tanong ay nasagot ng mahusay / may isang tanong ang kailangan irefer sa kinauukulan ( Isulat ang tanong na hindi nasagot)

  43. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 8. Sa pamamagitan ng koordinasyon ng Barangay Coordinator at ng Precinct Coordinator bumuo ng mga Precinct/Cluster Coordinators batay sa mga nakalap na mga miyembro ( maaring mag refer sa voters list). Bisitahin silang muli.

  44. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 9. Kausapin ang mga potential na precinct o cluster coordinator, Gumawa ng rekomendasyon sa Barangay Coordinator sa mga itatalagang Precinct/Cluster Coordinator. Ang Barangay Coordinator ay gagawa ng final na listahan at siya ang opisyal na mag tatalaga sa mga ito.

  45. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 10. Magsagawa ng mga pamamaraan upang alagaan at mapanatili ang mga nakalap na mga bagong miyembro. Halimbawa: Pagtatatag ng Precinct/ Cluster groupings o PD/Bangon Cell Group/ Pulong Barangay Consolidation gathering ( ito ay makakatulong din sa pag-oorganisa sa mga tao sa kanilang purok/sitio kung saan sila nakatira at makapagtatalaga ng magiging Sitio/Purok Coordinator.

  46. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY 11. Ang mga dapat i-susumite linggu-linggo: • Lahat ng Membership forms (PBF1) 12. Ang Pulong Bahay leader ay kailangang kumuha ng materyales at forms (Attendance form-PBF1 at Membership Form- PBF2) sa kanyang Barangay/Zone Coordinator

  47. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY pagkatapos niyang i-sumite ang mga membership forms ng mga bagong miyembro. Ang mga sobrang flyers ay itago para sa mga susunod na gagawing pulong bahay.

  48. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY NOTE: MAGING ISANG MAHUSAY NA KATIWALA SA LAHAT NG MGA MATERYALES. MAY PAG-ASA PA! BANGON PILIPINAS!

  49. III. MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG PULONG BAHAY Note: Maaring gamitin ang mga unang format ng attendance at membership form ng PULONG BAHAY kung mayroon pa nito. Maaaring gamitin ang mga bagong forms kung naubos at nagamit na ang mga lumang forms.

More Related