160 likes | 437 Views
MICROCHIP SA TAO, BAGONG BUHAY AT MALAWAKANG PAGBABAGO. Carpio. M A N A N A L I K S I k :. Casin. Famacion. Balidoy. Bagaipo. Dela Peña. Gagarin. Dayag. Chicano. Albolote. Abstrak.
E N D
MICROCHIP SA TAO, BAGONG BUHAY AT MALAWAKANG PAGBABAGO
Carpio M A N A N A L I K S I k: Casin Famacion Balidoy Bagaipo DelaPeña Gagarin Dayag Chicano Albolote
Ang microchip na ito ay ini-implanta o itinuturok sa ilalim ng balas sa kanang kamay, at balang araw balak itong ilagay sa ilalim ng noo, para sa mga taong walang kanang kamay ay malalagyan parin sila ng microchip. Ang tawag sa microchip na inilalagay sa tao ay tinatawag na VeriChip. Bawat microchip ay may kaukulang datos na tumutukoy sa kung kanino ito inimplanta, tulad ng kung ano ang kanyang pangalan, tirahan, edad, at lahat ng mga datos tungkol sa kanya. Maging ang microchip na ito ay maaari ding gamitin sa pag hanap ng isang tao kung sakaling itoy mawala sa tulong ng antena na nakalagay dito.
Ang microchip na ito ay may sukat na kasing-laki ng butil ng bigas. Bagamat may mga magagandang maitutulong ang microchip na ito ay napakaraming tao ang salungat dito, lalo na ang Simbahang Katoliko. Ayon sa Simbahang Katoliko ay may bagay ng kayang gawin ang microchip dahil sa itoy itinuturok sa katawan, hindi daw makakasiguro ang tao na balang araw ay dadating na ang mga tao ay kokontrolin ng iba ang ating utak gamit ang signal mula rito, at sinasabi ring ang tao ay maaaring magkaroon ng walang kamatayang buhay at maaari naring gamitin ang bagay na ito pra bumuhay ng tao sa hinaharap.
Isa lang ang microchip 666 sa mga bunga na buhat sa mga kaalaman at pagnanais ng tao na maging perpekto, dahil isa sa mga pwedeng paggamitan ng bagay na ito ay ang pagkakaroon ng malawakang paglagpas sa kung hanggang saan lang ang dapat na alamin lang ng tao. Hindi natin alam , maaaring sa susunod na 30 taon, ay gigising nalang tayo na lahat tayo ay kimokontrol na ng makinang nooy tayo ang gumawa.
Mulat ba ang mata natin sa mga maaaring maging dulot ng anu mang ating gagawin?. Dahil marami sa atin ngayon ay lahat gagawin para lamang makilala at yumaman. Hindi nila iniisip ang malawakang masamang dulot ng kanilang ginagawa, at isa ang microchip sa mga imbensyong ito.
Noong 1948 nailimbag ang librong Cybernetics ni Norbert Weiner, na tumutukoy sa “neurological communication” o ang komunikasyon sa pagitan ng utak lamang at ang pag control sa utak ng tao gamit ang mga chips. Ang unang operasyon ng pag implanta sa utak ng tao ay isinagawa noong 1974 sa estado ng Ohio, USA at sa Stockholm, Sweden. Ang chip na ito ay tinatawag na Brain electrodes na ipinasok sa bungo ng mga sanggol kahit hindi ipinaalam sa mga magulang ng mga ito noong 1946. Noong 1950s at 1960s, ginagamit ang chips para makontrol ang mga nilagyan nito. Sa katunayan, ang mga ganitong uri ng gamit ay ginawa lamang para sa mga hayop lang, ginagamit ito para malaman ang kinaroroonan at kung sino ang nagmamay-ari ditto.
Tatlumpong taon na ang nakakaraan na makita ito sa X-ray na may sukat lamang na isang sentimetro. Ang mga sumunod na ini-implanta ay may sukat na na kasing laki lang ng isang butil ng bigas. Gumawa sila ng uri nito na gawa sa silicon, at sumunod ang Gallium Arsenide. Higit na naipalawak ang pag-aaral tungkol sa microchip dahil nilalagay narin ito sa leeg o sa likod, o kaya sa alin mang bahagi ng katawan na naisin ng nagpapalagay. Pag nailagay na ang microchip sa katawan ng tao ay halos imposible na itong matagpuan o tanggalin dahil itoy humahalo na sa laman at nagiging parang cell ng tao.
Bagamat itoy ginawa at naimbento para makatulong sa tao, hindi ito maaaring tumukoy sa pag sama ng teknolohiya at buhay ng tao. Kahit may mga taong mismoy may kailangan sa kagamitang ito, tulad ng mga matatanda sa ilang bahagi ng amerika, kailangan nila ito para makatulong sa pag –alala ng mga bagay, dahil karamihan sa kanila ay may Alzheimer's Disease o sakit ng pagkalimot. Kahit maganda ang pag gamit nito ay may magandang dulot para sa iilang pagkakataon lamang, malalaman din natin ang mga detalyeng kaugnay at nasa likod ng usaping hindi dapat nating balewalain dahil itoy may malaking kaugnayan sa atin miso at sa mundong ating ginagalawan.
Suliranin • Kung anu-ano pa ba ang mga positibo at negatibong dala ng pag tuturok ng microchip 666 at ano ang mga magiging reaksyon ng tao tungkol dito. Ang mga mahahalagang katanungan na kinakailangan ng kasagutan na kailangan nating malam tungkol sa microchip ay ang mga sumusunod: • Bakit may mga taong sang-ayon sa pag gamit ng microchip sa tao? • Bakit may mga sumasalungat ditto? • Paano makiki-alam ang tao sa usaping ito? • Paano ito inilalagay sa katawan ng tao? • Anu-ano ba ang mga magagandang dulot nito sa tao? • Anu-ano rin ang mga negatibong dulot nito?
Layunin • Ang layunin n gaming pananaliksik ay upang maging malinaw sa atin ang mga detalyeng kakibat at nasa likod ng tinatawag na microchip 666. Isa-isahin ang mga positibong gamit nito sa mundo, at paano ito makakatulong sa pagtaas ng antas ng kalidad ng buhay, at kung mga negatibong dulot ay ang mga dahilan ng pagtuligsa at pagsalungat sa ganitong uri ng device na isang likha ng syensya, at para narin nating balansehin ang dalawang panig tungkol sa usaping gaya nito. Ang mga inaasahang malaman sa aming pananaliksik ay ang mga sumusunod: • Malaman ang mga negatibo at positibong dulot ng pag implanta ng microchip sa tao. • Malaman ang mga impormasyon kung bakit ito kailangan ng tao. • Malulutas ang mga problema kung itoy tuluyang mapalaganap sa lahat.
Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura Ayon sa ulat ni Jessica Soho
Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura Ayon sa ulat ni Pelikulang Wall-E