220 likes | 902 Views
Pagsulat ng Sanaysay. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay. Pokus sa Proseso. Pagpili ng tiyak na paksa Pagpormula ng isang “ thesis statement” Pagtatakda ng isang “ Conceptual framework “ Paggawa ng banghay Pagsulat at Pagrebisa. Pokus sa “ Thesis Statement “.
E N D
Pokus sa Proseso • Pagpili ng tiyak na paksa • Pagpormula ng isang “ thesis statement” • Pagtatakda ng isang “ Conceptual framework “ • Paggawa ng banghay • Pagsulat at Pagrebisa
Pokus sa “ Thesis Statement “ • Kahulugan: Ang “ thesis statement “ ang sentro o pinaka-nucleus ng buong sanaysay. • Pormula: datos ( fact) + saloobin / opinion ( value judgement ) • kahalagahan: sapagkat ang sanaysay ay itinuturing na “ expository , ” nagsisilbing gabay sa masusing pagsusuri at pagbubuo ng mga argumento ng manunulat ang “ thesis statement. “
Pokus sa “ Conceptual Framework” • Kahulugan: Halaw mula sa salitang “ konsepto, ” ang “ conceptual framework “ ay nagsisilbing malikhaing katawan ng buong sanaysay. Ito ang nagdidikta ng istraktura at paraan ng paglalahad ng datos. • Katuturan: Binibihisan ng “ conceptual framework” ng isang magarang kasuotan ang sanaysay. Ang matalinong paggamit nito’y makatutulong upang mapalutang ang husay ng manunulat sa istilo at pagbibigay impormasyon ( style and content )
Pokus sa Istruktura • Tinatayang isa sa pinakanaabusong uri ng panitikan ang sanaysay dahil halos walang limitasyon ang istilong maaring gamitin sa pagsulat nito. • Maaring pagsanibin ang elemento at istruktura ng pamamahayag at panitikan sa pagsulat ng sanaysay. Ang tawag dito ay “ literary journalism.” • Lahat ng sanaysay ay may tatlong bahagi: simula, katawan at wakas.
Pagsulat ng simula • paggamit ng retorikal na tanong • paggamit ng mga sipi • paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan • paggamit ng mga hiram na elemento mula sa pamamahayag • mas mainam na ihayag ang “ thesis statement “ sa simula upang mabigyang pokus ang argumento at mensaheng nais ipahayag. • maari ding gumamit ng tema maliban sa “ thesis statement . “
Pagsulat ng katawan • Isang ideya isang talata lamang. • Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilibing transisyon. Maari ding tumayo ang isang pangungusap na talatang transisyon. • Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap. Dapat lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa ideya ng sinundang talatang pangungusap.
Pagsulat ng konklusyon • Ang konklusyon ay hindi lamang paglalagom ng kabuuan ng sanaysay. • Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay.
Pokus sa mga gamit sa pagsusuri ( Tools of Analysis ) • Lahat ng bagay ay nagbabago. • Lahat ng bagay ay magkakaugnay • Lahat ng bagay ay may patutunguhan
Pokus sa Wika • Iwasan ang paggamit ng sunod-sunod na mahahabang pangungusap. • Gawing tiyak ang gamit ng wika. Huwag maging maligoy. • Gumamit ng idyoma at tayutay kung kinakailangan.
Paksa • Ano ang pinag-uusapan? • Ano ang pinagtutuunan ng pansin? • Saan dadaloy ang paglalahad?
Tema • Paano ba tinalakay? • Ano ang himig ng pagtatalakay?
Panimula • Ano ang nais bigyang kahulugan? • Pagbibigay ng mga naunang kaalaman. • Mga impormasyon na maaring makatulong. • 1. Pagbibigay ng sariling karanasan. • 2. Pagbibigay ng karanasan ng iba. • 3. Pagbibigay ng impormasyon mula sa nabasa.
Nilalaman • Mga paliwanag hinggil sa mga katanungan. • Mga negatibo o positibong katangiang taglay ng isyu. • Katayuan o punto ng nagsasalaysay. • Mga katibayan o suporta sa katayuan.
Konklusyon • Mga napatunayang bagay hinggil sa isyu. • Pagpapatibay ng punto o katayuan. • Maaring mag-iwan ng kakintalan o paghihikayat sa mga mambabasa.