1 / 24

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Abril 2009. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42).

ulfah
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Abril 2009

  2. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42)

  3. Napansin mo ba na malimit ang buhay mo ay isang mabigat na pasanin lamang dahil hindi ito ganap na isinasabuhay at naghihintay na lang sa “bukas”, umaasang ito’y magiging isang “magandang bukas”? Tunay na may isang “magandang bukas” na nakalaan para sa iyo, ngunit hindi ito ang inaasahan mo. Isang banal na udyok ang nagtutulak sa iyong tumanaw sa hinaharap para sa isang bagay o isang taong makakapagbigay-kasiyahan sa iyo.

  4. Umaasa ka sa isang pagdiriwang, isang bakasyon, o isang natatanging pagtatagpo. Ngunit pagkatapos ng lahat, hindi ka pa rin masaya o ganap na nasisiyahan. At iikot muli ang pang-araw-araw mong buhay na walang maliwanag na hinaharap, laging naghahanap.

  5. Sa totoo lang, may isang bagay sa mga pangyayari sa ating buhay na hindi matatakasan ninuman, pati ikaw – ito ang harapang pakikipagtagpo sa Panginoon na darating. Ito ang “magandang bukas” na hindi mo namamalayan ay iyong hinahanap. Nilikha ka para maging maligaya at tanging Siya lamang ang makakapagbigay sa iyo ng ganap na kaligayahan. Alam ni Jesus na ikaw at ako ay mga bulag na naghahanap ng kaligayahan, kaya nagbabalâ Siya:

  6. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42)

  7. Maghanda; magbantay, imulat mo ang iyong mga mata dahil hindi ka nakakatiyak sa maraming bagay dito sa mundo. Ngunit isang bagay ang tiyak, isang araw ay papanaw ka. Para sa isang Kristiyano, ito ang sandali ng pakikipagtapo kay Kristo na darating.

  8. Maaaring tulad ng marami ay kinakalimutan mo ang kamatayan. Kinatatakutan mo ang sandaling iyon at namumuhay ka na parang hindi ito dadating. Higit kang nalululong sa mundo kaya’t nasasabi mo, “Natatakot ako sa kamatayan, walang kamatayan.” Ngunit darating ang sandaling iyon dahil tiyak na darating si Kristo.

  9. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42)

  10. Tinutukoy dito ni Jesus ang Kanyang pagdating sa huling araw. Kung paanong Siya ay umakyat sa langit, gayundin Siya babalik. Tinutukoy din ng mga salitang ito ang pagdating ng Panginoon sa katapusan ng buhay ng bawat tao. Kapag namatay ang isang tao, ito na rin ang katapusan ng mundo para sa kanya.

  11. Dahil hindi mo alam kung si Kristo ay darating ngayon, mamayang gabi, bukas, o sa isang taon o higit pa, dapat kang maging handa. Dapat kang matulad doon sa mga nagbabantay dahil alam nilang darating ang magnanakaw ngunit hindi alam kung anong oras.

  12. Kung darating si Jesus, ibig sabihin ay pansamantala lamang ang buhay na ito. Ngunit hindi nangangahulugan na hindi mo ito papahalagahan. Bagkus, dapat mo itong higit na pahalagahan. Ihanda mo ang iyong sarili sa pagkikipagtagpong iyon kay Jesus sa pamamagitan ng isang buhay na kapakipakinabang.

  13. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42)

  14. Maging handa ka rin. Ang buhay ay hindi lang isang mapayapang pagdaan ng mga pangyayari. Isa rin itong pagpupunyagi. At ang mga una mong kaaway ay ang napakaraming tukso, sa larangan ng sekswalidad, kapalaluan, pagmamahal sa pera, karahasan.

  15. Kung laging kang handa, hindi ka na magugulat. Ang taong nagmamahal ay laging handa. Ang pagiging handa ay katangian ng pag-ibig. Kung minamahal mo ang isang tao, lagi kang nagbabantay at naghihintay sa kanyang pagdating. Lagi mo siyang iniisip sa bawat sandaling malayo ka sa kanya.

  16. Halimbawa, laging iniisip ng maybahay ang asawang nagtatrabaho, kaya’t naghahanda siya. Bawat pagkilos niya ay para sa kanya. Kaya’t pag-uwi ng asawa ay masayang-masaya siya.

  17. Gayundin ang isang ina na nag-aalaga ng maysakit na anak, lagi niya siyang iniisip kahit siya’y namamahinga.

  18. Sa parehong paraan kumikilos ang isang nagmamahal kay Jesus. Laging nasa isip niya ang Diyos at nakakatagpo Siya sa bawat pagtalima sa Kanyang kalooban sa bawat sandali. Pinaghahandaan niya ang banal na pakikipagtagpo sa Kanya sa araw ng Kanyang pagdating.

  19. Ika-3 ng Nobyembre, 1974. Sa Santa Maria sa timog ng Brazil, katatapos lang ng isang pagtitipon ng 250 kabataan. Marami sa kanila ay galing sa bayan ng Pelotas.

  20. Ang unang bus ay umalis sakay ang 45 tao na masayang nag-aawitan. Habang sila’y naglalakbay, ilan sa mga babae ang nagsimulang magdasal ng Misteryo ng Hapis ng Rosaryo. Hiniling nila sa Birheng Maria na tulungan silang maging matapat sa Diyos hanggang sa katapusan ng kanilang buhay.

  21. Pagkatapos ng ilang sandali, biglang nasira ang preno ng bus at hindi ito napigilan kaya’t sa isang kurbada ay bumaliktad ito ng tatlong beses at pagkatapos ay nahulog sa lalim ng 45 metro. Anim ang namatay. Isa sa mga nakaligtas ang nagsabi, “Nakita ko ang kamatayan ngunit hindi ako natakot dahil naroon ang Diyos.”

  22. Isa pa ang nagsabi, “Nang makita kong nakakagalaw pa ako, lumuhod ako sa gitna ng mga katawan ng aking mga kasamahan at tumingala sa mabituing langit at nagdasal. Kasama namin ang Diyos sa sandaling iyon. Ang ama ni Carmen Regina, isa sa mga namatay, ay nagsabi na malimit niyang sambitin, “Isang magandang bagay ang kamatayan, Tatay, dahil ito ay pagtungo kay Jesus.”

  23. “Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Mt 24,42)

  24. Ang mga kabataan ng Pelotas ay nagbabantay dahil sila’y nagmamahal. Nang dumating ang Panginoon, maligaya silang humarap sa Kanya. Sinulat ni Chiara Lubich

More Related