E N D
Kataga ng Buhay Enero 2012
P R E M I S E Bawat taon, ang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano ay ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng mundo mula ika18 hangang 25 ng Enero; sa halip, sa mga Simbahang Orthodox ,ipinagdiriwang ito tuwing Pentecostes. Ang bukambibig para sa Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa sa taong 2012 ay hinango sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto na nagsasabi: “Mapapanibago tayo dahil sa tagumpay ni Kristo Jesus, ating Panginoon.” Para sa Kataga ng Buhay sa buwan ng Enero, iminumungkahi namin ang talatang ito na isinulat ni Chiara bilang paliwanag sa Colossas 3:1, na parang angkop na napiling talata.
“Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya’t hanapin ninyo ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.” (Col 3:1)
Ang mga katagang ito ni San Pablo sa mga mamamayan ng Colosas ay tungkol sa isang mundo kung saan naghahari ang tunay na pagibig, may lubos na pagkakaisa, katarungan, kapayapaan, kabanalan at kaligayahan. Doon, ang kasalanan at katiwalian ay hindi na makakapasok. Ito ay isang mundo kung saan ang kalooban ng Ama ay ganap na tinutupad.
Nabibilang si Jesus sa mundong ito. Binuksan Niya ito sa atin sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay, sa pagtawid Niya sa mabigat na pagsubok ng Kanyang paghihirap.
“Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya’t hanapin ninyo ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.” (Col 3:1)
Sa daigdig ni Kristo, ayon kay San Pablo, hindi lamang tayo tinawag kundi tayo ay sadyang kabilang na.
Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng binyag tayo ay naka-ugnay na sa Kanya. Dahil dito. tayo ay nakikibahagi sa Kanyang buhay, sa Kanyang mga handog, sa Kanyang pamana, sa Kanyang tagumpay sa kasalanan at lahat ng puwersa ng kasamaan. Ang totoo, tayo ay muling nabuhay kasama Niya!
Habang tayo ay narito sa daigdig, ang ating pagiging kasapi sa mundo ni Cristo ay hindi buo at ganap na inilalahad. Higit sa lahat, hindi ito matatag at tiyak.
Habang tayo ay nabubuhay, malalantad tayo sa maraming panganib, paghihirap at tukso na maaaring maging dahilan upang tayo ay mag-alinlangan, bumagal sa ating paglalakbay o lumihis patungo sa maling patutunguhan.
“Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya’t hanapin ninyo ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.” (Col 3:1)
Kaya’t mauunawaan natin, ang pangaral ng apostol: "Ilagay mo ang iyong puso sa mas mataas na kaharian.”
Ikaw ay naglalakbay gamit ang mga materyal na bagay sa daigdig na ito, ngunit maaari mong iwan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng paraang ispiritwal; isuko ang mga patakaran at mga kinahihiligan ng mundo upang hayaan ang mga saloobin at damdamin ni Jesus na gumabay sa iyo sa bawat kalagayan.
“Ang tinutukoy sa mas mataas na kaharian”, sa katunayan, ay ang mga batas ng Kaharian ng Langit na dinala ni Jesus dito sa lupa at nais niyang matupad dito at ngayon na.
“Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya’t hanapin ninyo ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.”
Hinihikayat tayong huwag masiyahan sa pangkaraniwang buhay na binubuo ng hindi ganap na batayan at mga kompromiso lamang. Hinihikayat tayong iayon ang ating buhay- sa tulong ng biyaya ng Diyos- sa mga batas ni Cristo.
Inaanyayahan tayo ng Kataga ng Buhay na ito na isabuhay at magpatotoo sa lipunan sa mga pamantayan na dinala ni Jesus dito sa lupa. Maaaring ito ay diwa ng pagkakasundo at kapayapaan, ng paglilingkod sa ating kapwa, ng pang-unawa at kapatawaran, ng katotohanan, katarungan, at karangalan sa ating mga gawain, ng katapatan, kadalisayan, at paggalang sa buhay, atbp.
Ang mga posibilidad ay kasing lawak ng buhay, ngunit upang maging makatotohanan, ating isabuhay ang batas ni Jesus na siyang kabuuan ng iba pang mga utos: ang makita si Cristo sa bawat kapwa at ilagay ang ating mga sarili bilang kanyang lingkod.
. Sa gayon ay maihahanda natin ang ating mga sarili para sa huling pagsusulit ng ating buhay.
“Binuhay kayong muli, kasama ni Cristo, kaya’t hanapin ninyo ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos.” Text by Chiara Lubich