1 / 17

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Enero 2010. Mula ika-18 hanggang ika-25 ng Enero, ang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano ay ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng mundo, samantalang ipinagdiriwang naman ito ng iba sa Araw ng Pentecostes.

trudy
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Enero 2010

  2. Mula ika-18 hanggang ika-25 ng Enero, ang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano ay ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng mundo, samantalang ipinagdiriwang naman ito ng iba sa Araw ng Pentecostes. Maaalala natin na laging ipinapaliwag ni Chiara ang Kataga ng Buhay batay sa Salita ng Diyos na siyang paksa ng pagdiriwang na iyon. Ang Salita ng Diyos ngayong Linggo ng Panalangin sa taong ito ay: “Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito” (Lc 24:48). Upang tulungan tayong isabuhay ito, iminumungkahi namin itong sinulat ni Chiara bilang isang “mahalagang panawagan” sa ating mga Kristiyano upang sama-samang magpatotoo sa pananahan ng Diyos sa mundo.

  3. “Mananahan ang Diyos na kasama nila at sila’y magiging bayan niya.”(Pah. 21:3)

  4. Ang Kataga ng Buhay ngayong buwang ito ay isang panawagan: kung nais nating maging bayan ng Diyos, hayaan natin manahan Siya sa piling natin.

  5. Paano ito mangyayari? Ano ang ating magagawa upang maranasan, kahit dito pa man sa lupa, ang walang-hanggang kaligayahan dahil nakita na natin ang Diyos?

  6. Iyan mismo ang nais ipahayag sa atin ni Jesus. Ito ang tunay na kahulugan ng Kanyang pagparito sa lupa: ipahayag sa atin ang Kanyang buhay ng pag-ibig kasama ng Ama, upang maisabuhay din natin ito.

  7. Tayong mga Kristiyano ay maaaring magsabuhay ng salitang ito ngayon pa man, at maranasan ang pananahan ng Diyos sa piling natin. Ngunit kinakailangang matugunan natin ang ilang kundisyon upang manahan Siya sa atin, tulad ng pinagtibay ng mga Ama ng Simbahan. Para kay Basilio, ang mahalagang kundisyon ay mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos. Para kay Juan Crisostomo, ito ay ang mahalin ang kapwa tulad ng pag-ibig ni Jesus. At para kay Orihen, mahalaga ang pagkakaisa sa isip at sa damdamin, upang makarating sa kasunduan na “bumubuo ng pagkakaisa at taglay ang Anak ng Diyos.” Para kay Teodoro, kailangan ay ang pagmamahalan.

  8. Upang manahan ang Diyos sa piling natin, ang susi ay matatagpuan sa mga turo ni Jesus: “Kung paanong inibig ko kayo, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” Ang pagmamahalan ang susi sa presensya ng Diyos. “Kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya,” “Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila”, sabi ni Jesus.

  9. “Mananahan ang Diyos na kasama nila at sila’y magiging bayan niya.”

  10. Kaya’t darating at hindi nalalayo ang kaganapan ng mga pangako ng Lumang Tipan – “Ako’y mananatiling kasama nila magpakailanman. Ako ang magiging Diyos nila, sila ay magiging bayan ko.”

  11. Ang lahat ay naganap na kay Jesus. Siya ay patuloy na nananahan kahit pagkatapos ng Kanyang pananahan dito sa lupa kapiling ng mga taong namumuhay ayon sa bagong batas ng pagmamahalan na siyang pamantayan ng kanilang pagiging isang bayan, ang bayan ng Diyos.

  12. Itong Kataga ng Buhay ay isang mahalagang panawagan, lalo’t higit sa ating mga Kristiyano, na sa pamamagitan ng pag-ibig ay magpapatotoo tayo sa presensya ng Diyos. “Kung kayo’y nagmamahalan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” Ang pagsasabuhay ng bagong utos ni Jesus ang batayan ng presensya ni Jesus sa Kanyang bayan.

  13. Wala tayong magagawa kung hindi tiyak ang Kanyang presensya. Ito ay isang presensya na nagbibigay-kahulugan sa makalangit na kapatiran na dinala ni Jesus dito sa lupa para sa buong sangkatauhan.

  14. “Mananahan ang Diyos na kasama nila at sila’y magiging bayan niya.”

  15. Una sa lahat, tungkulin natin, bagamat tayo’y kabilang sa magkakaibang sambayanang Kristiyano, na ipakita sa mundo ang “iisang bayan” na binubuo ng iba’t ibang lahi at kultura, bata at matanda, malusog at maysakit. Isa itong bayan na tunay na maglalarawan tulad ng mga unang Kristiyano: “Tingnan ninyo kung paano sila magmahalan; handa nilang ibigay ang kanilang buhay para sa isa’t isa.”

  16. Ito ang “himala” na inaasahan ng sangkatauhan upang muling umasa. Mahalaga itong tulong sa pagsulong ng ekumenismo, ang paglalakbay tungo sa ganap at nakikitang pagkakaisa ng mga Kristiyano. Isa itong “himala” na kaya nating maabot. Higit dito, isa itong “himala” ng Diyos na nananahan sa mga nagkakaisa sa Kanyang pag-ibig at may kakayahang baguhin ang kapalaran ng mundo at dalhin ang sangkatauhan tungo sa pagkakaisa.

  17. “Mananahan ang Diyos na kasama nila at sila’y magiging bayan niya.” Sinulat ni Chiara Lubich

More Related