210 likes | 482 Views
Kataga ng Buhay. Disyembre 2009. Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.” ( Mt 5,16).
E N D
Kataga ng Buhay Disyembre 2009
Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”(Mt 5,16)
Ang liwanag na ito ay makikita sa “mabubuting gawa”. Ipinapamalas ito ng pag-ibig ng mga Kristiyano sa lahat ng tao sa kanilang paligid.
Maaari mong sabihin: ngunit hindi lang ang mga Kristiyano ang gumagawa ng mabuti. Maraming iba ang nagtatrabaho para sa kaunlaran, kawang-gawa, katarungan...
Tama ka. Totoong ginagawa rin ito ng mga Kristiyano, ngunit hindi ito ang tanging tungkulin ng isang Kristiyano. Kailangan ng isang bagong espiritu sa pagsasakatuparan ng mabubuting gawa, ibig sabihin ay hindi na sila ang kumikilos bagkus ay si Kristo na nasasakanila.
Nang isulat ito ni San Mateo, hindi niya inisip lamang ang ilang gawain ng pagmamahal tulad ng pagbisita sa bilanggo, pagdadamit sa wala, at iba pang gawain ng pagkakawang-gawa upang tugunan ang mga pangangailangan ng panahon ngayon. Sa halip, iniisip niya ang ganap na pagtupad sa kalooban ng Diyos ng isang Kristiyano, upang ang kanyang buong buhay ay maging isang patuloy na paggawa ng kabutihan.
Kung ganito ang gagawin ng isang Kristiyano, “makikita” siya at anumang papuri na ibibigay ay hindi para sa kanya kundi para kay Kristo na nasa Kanya. At sa pamamagitan niya ay babalik ang presensya ng Diyos sa mundo. Ang tungkulin ng isang Kristiyano ay hayaan ang liwanag na nasa kanya na magningning, upang maging “tandâ” ng presensya ng Diyos sa mga tao.
Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
Kung ang mabubuting gawa na isinasakatuparan ng bawat mananampalataya ay may ganitong katangian, ganito rin ang dapat maging tungkulin ng sambayanang Kristiyano na nabubuhay sa gitna ng mundo - ipahayag sa pamamagitan ng kanilang buhay ang presensiya ng Diyos, presensiyang ipinangako sa Simbahan hanggang sa katapusan ng panahon kung saan may dalawa o tatlong tao na nagkakaisa sa ngalan ni Jesus.
Malaking pagpapahalaga ang ibinigay ng Simbahan noong unang panahon sa mga salitang ito ni Jesus. Hinihikayat ng Simbahan ang mga Kristiyano na huwag gumamit ng karahasan lalo’t higit sa panahon ng pagdurusa kung kailan sila ay tinutuligsa at sinisiraan sa lipunan. Ang kanilang pagkilos ang pinakamabisang pagtugon sa kasamaang ibinibintang sa kanila.
Sa sulat ni San Pablo kay Tito ay mababasa: “Pagbilinan mo rin ang mga kabataang lalaki na sila’y magpigil sa sarili. Sa lahat ng paraan, magpakita ka ng magandang halimbawa. Maging tapat ka sa iyong pagtuturo at huwag itong gawing biro. Wastong pangungusap ang lagi mong gagamitin upang hindi mapintasan ninuman ang sinasabi mo. Sa gayon, mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang maipaparatang sa atin.”
Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
Narito ang isang karanasan ng buhay-Kristiyano na kahit sa ngayon ay isang liwanag na nagniningning at gagabay sa mga tao patungo sa Diyos. Hayaan ninyong kuwentuhan ko kayo.
Si Antoinette na taga-Sardinia, Italya ay kailangang pumunta ng Grenoble, France upang humanap ng trabaho.
Nakakuha siya ng trabaho sa isang opisina kung saan karamihan ay ayaw magtrabaho. Dahil siya’y isang Kristiyano at nakikita si Jesus na dapat paglingkuran sa bawat tao, tinulungan niya ang lahat. Lagi siyang malumanay at nakangiti.
Malimit, may isang tao na pinagbubuntunan siya ng galit at sinisigawan ng may pagkutya: “Dahil gusto mong magtrabaho, kunin mo ito at ikaw na rin ang magmakinilya ito.”
Ngunit naging mapayapa lang siya at patuloy na nagtatrabaho. Naniwala siya na ang mga kasamahan niya ay hindi tunay na masamang tao, na marahil bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang problema.
Isang araw na wala ang iba niyang kaopisina, nilapitan siya ng kanyang boss at tinanong: “Sabihin mo sa akin ngayon kung papaano hindi ka nawawalan ng pasensiya at kung bakit ka laging nakangiti.” Tumugon si Antoinette na paiwas sa tanong: “Sinisikap ko lamang na manatiling mapayapa at tingnan ang positibo sa lahat ng bagay.”
Hinampas ng boss ang mesa at nagsabi, “Hindi, sigurado akong may kinalaman ang Diyos sa bagay na ito. Kung hindi, imposible itong mangyari! Isipin na lang na hindi ako kailanman naniwala sa Diyos!”
Pagkaraan ng ilang araw, ipinatawag ng direktor sa opisina si Antoinette. Sinabihan sa kanya na ililipat siya sa ibang sangay. Idinagdag pa niya, “...upang mabago mo rin ang lugar na iyon tulad ng ginawa mo sa opisina mo ngayon.”
Dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.” Sinulat ni Chiara Lubich