1 / 22

Kataga

Kataga. ng. Buhay. Enero 2008. “ Maging matiyaga sa panalangin.” (1 Tes 5:17).

asabi
Download Presentation

Kataga

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Enero 2008

  2. “Maging matiyaga sa panalangin.”(1 Tes 5:17)

  3. Ipinagdiriwang ngayong taong ito ang ika-100 taon ng “Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano”. Ito ay unang ipinagdiwang noong Enero 18-25, 1908. Pagkatapos ng animnapung taon, noong 1968, ang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano ay magkasamang inihanda ng Komisyon ng Pananampalataya at Alituntunin (Pandaigdigang Kapulungan ng mga Simbahan) at ng Kagawaran para sa Pagtataguyod ng Pagkakaisa ng mga Kristiyano (Simbahang Katoliko). Mula noon, naging kaugalian na magtipon taun-taon ang mga Kristiyano mula sa Simbahang Katoliko at mula sa iba’t ibang Simbahan, upang maghanda para sa pagdiriwang ng Linggo ng Panalangin. “Pray without ceasing” (1 Thes. 5:17). WEEK OF PRAYER FOR THE UNITY OF CHRISTIANS

  4. Ang Kataga ng Ebanghelyo para sa taong ito na pinili ng malaking grupong ekumeniko ng Estados Unidos ay hango sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Tesalonica, sa Gresya. Ito ay isang maliit at bagong tatag na sambayanan, at pakiramdam ni San Pablo ay dapat maging higit na matibay ang pagkakaisa ng mga kasapi.

  5. Kaya’t inanyayahan niya sila na “magsama-samang mapayapa,” “pagtiyagaan ang lahat,” at “huwag maghiganti sa sinumang sa kanila’y gumawa ng masama”; sa halip ay “magpatuloy sa paggawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat”, gayundin “maging matiyaga sa panalangin.” Nais niyang bigyang-diin na ang buhay-pagkakaisa ng sambayanang Kristiyano ay magaganap lamang sa pamamagitan ng panalangin.

  6. Si Jesus mismo ay nagdasal sa Ama para sa pagkakaisa ng Kanyang mga alagad: “Maging isa nawa silang lahat” (Jn 17:21).

  7. “Maging matiyaga sa panalangin.”(1 Tes 5:17)

  8. Bakit tayo magtitiyagang manalangin?

  9. Dahil mahalaga sa tao ang panalangin. Bahagi ito ng ating katauhan. Nilikha tayo na kalarawan ng Diyos, bilang”ikaw” ng Diyos (sa ugnayang Ako-Ikaw). May kakayahan tayong makipag-ugnay at makipagkaisa sa Kanya. Ang pakikipagkaibigan sa Kanya, ang payak at tunay na pakikipag-usap sa Kanya – ito ang panalangin. Bahagi ito ng ating pagiging tao.

  10. Sa ganitong paraan, tayo ay nagiging tunay na mga tao, dito nagiging ganap ang ating karangalan bilang mga anak ng Diyos

  11. Dahil tayo’y nilikha bilang “ikaw” ng Diyos, maaari tayong patuloy na makipag-ugnayan sa Kanya. Ang ating puso ay pupunuin ng Banal na Espiritu ng pag-ibig at tayo ay ganap na magtitiwala sa ating Ama. Ang pagtitiwalang ito ang magtutulak sa atin na laging makipag-usap sa Kanya, maging bukàs sa pagsasabi sa Kanya tungkol sa ating sarili, ng ating mga iniisip at pinaplano.

  12. Dahil sa tiwalang ito, pinananabikan natin ang sandali para sa panalangin – sandali na inilalaan natin sa isang araw bagamat punò rin ng ibang gawain sa trabaho at pamilya, upang ating makaugnay nang malalim ang Diyos na tiyak na nagmamahal sa atin.

  13. Kailangan nating “maging matiyaga sa panalangin”, hindi lamang para sa ating sariling mga pangangailangan, bagkus ay para gawin din ang ating bahagi sa pagbuo ng Katawan ni Kristo at tumulong sa ganap at nakikitang pagkakaisa ng Simbahan ni Kristo.

  14. Mauunawaan natin nang kaunti ang misteryong ito kung titingnan natin ang magkakadugtong na sisidlan. Kung lalagyan mo ito ng tubig, tumataas ang tubig sa lahat ng sisidlan. Ganoon din ang nangyayari kapag nananalangin ang isa. Ang panalangin ay pagtataas ng ating kaluluwa sa Diyos upang sambahin at pasalamatan Siya. Gayundin, kung ang isa ay tumataas, ang iba rin ay naiitaas.

  15. “Maging matiyaga sa panalangin.”(1 Tes 5:17)

  16. Paano tayo magiging “matiyaga sa panalangin,” lalo’t higit kung punò tayo ng gawain sa araw-araw?

  17. Ang “maging matiyaga sa panalangin” ay hindi nangangahulugan na padamihin ang ating mga panalangin. Sa halip, ang ibig sabihin nito’y ituon natin ang ating kaluluwa at buhay patungo sa Diyos, mabuhay na isinasagawa ang kalooban ng Diyos: mag-aral, magtrabaho, magdusa, magpahinga, at kahit mamatay para sa Kanya. Mararating natin ang sandali na hindi na natin kayang mabuhay na hindi natin kaisa ang Diyos.

  18. Sa ganitong paraan, ang ating mga pagkilos ay magiging banal at ang ating buong araw ay magiging isang panalangin.

  19. Makakatulong sa atin na ialay ang bawat pagkilos sa Diyos, habang binabanggit, “Para sa Iyo, Jesus.”

  20. Atsa sandali ng paghihirap, “Anong mahalaga sa buhay? Ang mahalin Ka lamang.” Kaya’t lahat ng ating pagkilos ay magiging pag-ibig.

  21. At magpapatuloy ang ating panalangin dahil patuloy ang ating pagmamahal.

  22. “Maging matiyaga sa panalangin.”(1 Tes 5:17) “Word of Life,” is a monthly publication of the Focolare Movement. Text by Chiara Lubich Graphics by Anna Lollo with Fr. Placido D’Omina (Sicily - Italy)

More Related