1 / 23

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Agosto 2012. « Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. » ( Mt 10,32-33) .

selene
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Agosto 2012

  2. «Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.»(Mt 10,32-33).

  3. Ang kataga ng buhay na ito ay pinagmumulan ng napakalaking kaligayahan at inspirasyon sa lahat ng Kristiyano.

  4. Dito ay tinatawagan tayo ni Jesus na palaging isabuhay ang ating pananampalataya sa kanya, dahil ang ating walang hanggang patutunguhan ay nakasalalay kung paano ang naging ugnayan natin sa kanya sa ating buong buhay.

  5. Kung ipinagtatanggol natin siya – katulad ng sinabi Niya - sa iba, mayroon siyang dahilan upang ipagtanggol tayo sa harapan ng kanyang Ama. Ngunit kung itatatwa natin sya sa iba, itatatwa niya rin tayo sa kanyang Ama.

  6. «Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.» (Mt 10,32-33).

  7. Ipinapaalala sa atin ni Jesus ang gantimpala o ang kaparusahan na naghihintay sa atin sa kabilang buhay dahil mahal niya tayo. Alam niya, gaya ng sinabi ng isang Ama ng Simbahan, na kung minsan ang takot sa kaparusahan ay mas mabisa kaysa sa magandang pangako.

  8. Sa dahilang ito pinalalaki niya sa atin ang pag-asa sa walang katapusang kaligayahan at gayundin, upang iligtas tayo, iminumulat niya sa atin ang takot na mahatulan ng parusa.

  9. Layunin niya na mamuhay tayo sa lahat ng panahon kasama ang Diyos. Ito lamang ang mahalaga. Ito ang layunin kung bakit tayo nabubuhay. Tanging sa kanya natin makakamit ang kaganapan ng buhay, ang katuparan ng ating mga hangarin.

  10. Ito ang dahilan kung bakit inaanyayahan tayo ni Jesus na “kilalanin” siya dito at ngayon. Ngunit kapag pinili nating mawalan ng anumang kaugnayan kay Jesus, kung itatatwa natin siya ngayon, sa kabilang buhay ay matatagpuan natin ang ating sarili na nakahiwalay sa kanya ng walang hanggan.

  11. Sa katapusan ng ating buhay, uulitin lamang ni Jesus sa Ama ang ginawang pagpili ng bawat isa dito sa daigdig- anuman ang kahihinatnan nito. Sa huling paghuhukom, binigyang-diin niya ang napakalaking kahalagahan at kabigatan ng mga pagpapasyang ginagawa natin dito. Nakasalalay dito ang ating magiging hangganan.

  12. «Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.» (Mt 10,32-33).

  13. Paano natin mapapakinabangan ng lubos ang babalang ito ni Jesus? Paano natin maisasabuhay ang kanyang Salita? Siya na mismo ang nagsabi: « Ang sinumang kumikilala sa akin... » Magpasya tayong kilalanin siya sa harap ng iba sa simple at may kabukasan ng kalooban.

  14. Paglabanan ang ating pangangailangan na purihin ng iba. Talikdan natin ang maging pangkaraniwan lamang at ang buhay na nagkakasya sa kompromiso lamang dahil ginagawa nitong walang kabuluhan ang ating buhay, lalo na bilang mga Kristiyano.

  15. Tinawag tayo upang magpatotoo kay Kristo: sa pamamagitan natin nais niyang maabot ang lahat ng tao sa kanyang mensahe ng kapayapaan, katarungan at pag-ibig. Maaari tayong magpatotoo sa kanya nasaan man tayo, maging sa ating pamilya, sa trabaho, sa mga kaibigan, sa paaralan o sa marami at iba’t ibang kalagayan ng ating buhay.

  16. Maaari natin itong gawin una sa lahat sa pamamagitan ng ating pag-uugali, at kaganapan ng ating buhay, ng ating kadalisayan, kawalang interes sa pera, at sa ating pakikilahok sa saya at paghihirap ng iba.

  17. Maipapahayag natin ito sa pamamagitan ng ating pagmamahalan at pagkakaisa, upang ang kapayapaan at kagalakang ipinangako ni Jesus sa mga nakaugnay sa kaniya ay pumuno sa ating kaluluwa kahit ngayon at ito ay umapaw sa iba.

  18. Maaaring may magtanong kung bakit ganito ang ating ikinikilos, bakit nananatili tayong mapayapa sa mundo na puno ng tensyon. Sasagot tayo ng may kababaang loob at katapatan, gamit ang mga salita na ipapahiwatig sa atin ng Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, magiging saksi rin tayo ni Kristo sa ating mga salita at kaisipan.

  19. At maaaring dahil dito, marami sa humahanap sa Kanya ay matagpuan Siya.

  20. May ibang pagkakataon naman na maaaring tayo ay hindi maunawaan, salungatin, pagtawanan, kamuhian at tuligsain. Binalaan tayo ni Jesus tungkol sa mga posibilidad na ito: «Kung inusig nila ako, uusigin din nila kayo ».

  21. Nasa tamang landas pa tayo, kaya’t patuloy tayong magbigay-patotoo sa kanya ng may katapangan kahit sa gitna ng mga pagsubok, maging kapalit man nito ang ating buhay.

  22. Ang gantimpalang naghihintay sa atin ay may ganap na kabuluhan; ito ay ang langit kung saan kikilalanin tayo ni Jesus na minamahal natin sa harap ng kanyang Ama hanggang sa walang hanggan.

  23. «Ang sinumang kumikilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.» (Mt 10,32-33) Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related