240 likes | 540 Views
Kataga ng Buhay. Agosto 2008. Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949. “Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.” (Lk 11:34).
E N D
Kataga ng Buhay Agosto 2008 Sinulat ni Chiara Lubich noong 1949
“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.”(Lk 11:34)
Gaano man kadami ang nakakatagpo natin sa maghapon, mula umaga hanggang gabi, subukan nating makita si Jesus sa bawat tao.
Kung simple ang ating mata, ang Diyos ang tunay na nakakakita sa pamamagitan nito. Ang Diyos ay Pag-ibig, at nais ng pag-ibig na bumuo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pamamayani nito sa kalooban ng iba.
Marami ang nagkakamali na tingnan ang mga tao at mga bagay upang angkinin sila. Maaaring ito’y dahil sa makasariling pagtingin, o sa inggit. Subalit kahit anupamang dahilan, ito ay kasalanan. O kaya naman ay tumitingin sila sa sariling kalooban upang ito ay ariin bilang isang yaman. Ngunit walang buhay ang mukha nila dahil sila’y nababagot o nababagabag.
Ang kaluluwa ay larawan ng Diyos, kaya’t ito rin ay pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig na nakatuon lang sa sarili ay tulad ng apoy na kapag hindi ginagatungan ay namamatay.
Tumingin ka sa iyong paligid, hindi sa iyong sarili, hindi sa mga bagay, hindi sa mga tao. Tingnan mo ang Diyos sa iba upang makipag-ugnay sa Kanya.
Nananahan Siya sa kaibuturan ng bawat buhày na kaluluwa. At kung ito ay patay, ang kaluluwang iyon ay isang tabernakolo ng Diyos na naghihintay sa Kanya bilang kaligayahan at kaganapan ng kanyang buhay.
Kaya’t tingnan mo ang bawat tao nang may pag-ibig. Magmahal, ibig sabihin ay, magbigay. Dahil ang isang handog ay nag-aanyayang tugunan din ng isang handog, ikaw din ay susuklian ng pagmamahal.
Kung sa gayon, ibig sabihin ng pag-ibig ay magmahal at ang mahalin din: tulad sa Banal na Santatlo. Ang Diyos sa iyo ang aakit sa mga puso at magsisindi ng buhay ng Santatlo sa kanila, na maaaring nasa kanila na sa pamamagitan ng biyaya, ngunit hindi ito buhày.
Hindi ka maaaring magsindi ng ilaw sa kwarto – kahit may koryente – hangga’t hindi magkadikit ang dalawang dulo ng kawad.
Gayundin ang buhay ng Diyos sa atin. Kailangan itong lumaganap upang magbigay ng liwanag at magbigay-patotoo kay Kristo, Siya na nagbubuklod ng langit at lupa, at ng mga tao sa isa’t isa.
Kaya’t tingnan mo ang bawat tao. Ibigay mo ang iyong sarili sa kanila bilang pagbibigay ng iyong sarili kay Jesus, at si Jesus ang magbabalik nito sa iyo. Iyon ang batas ng pag-ibig. “Magbigay ka at ikaw ay bibigyan”(Lk 6:38).
Bilang pagmamahal kay Jesus, hayaan mong angkinin ka ng iyong kapwa. Tulad ng Banal na Eukaristiya, hayaan mong “kainin” ka ng kapwa mo. Ilagay mo ang buong sarili sa paglilingkod sa kanila; ito ay paglilingkod sa Diyos. At lalapit sa iyo ang kapwa mo at mamahalin ka.
Ang pag-ibig sa kapwa ang kaganapan ng bawat niloloob ng Diyos, na matatagpuan sa Kanyang utos: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo”(Jn 13:34).
Ang pag-ibig ay isang Apoy na pumapasok sa mga puso at ganap itong pinag-iisa.
Kaya’t hindi mo na makikita ang sarili mo, hindi rin ang iyong kapwa. Matatagpuan mo ang Pag-ibig, ang Diyos na nabubuhay sa iyo.
Ang Pag-ibig ang magmamahal sa iyong kapwa. Dahil simple na ang iyong mga mata, matutuklasan mo ang iyong sarili sa kanila, at lahat ay magiging isa. Sisibol sa paligid mo ang isang sambayanan: tulad ng sa paligid ni Jesus ay natipon ang labindalawa, pitumpu’t dalawa, libo-libong tao...
Kahanga-hanga ang Ebanghelyo – dahil ito ay Liwanag sa pag-ibig – kaya’t ito’y nakakabighani at nakakaakit.
Pagkatapos ay maaaring ipako ka sa krus, tulad ng Panginoon. Ngunit mamamatay ka na nagbibigay-buhay sa nagpako sa iyo sa krus, kaya’t pag-ibig pa rin ang magwawagi sa katapusan.
Ngunit ang ugat na dinaluyan ng dugo, na ibinuhos at ibinigay sa maraming puso, ay hindi mamamatay. Magbubunga ito, dahil maghahasik ng kaligayahan at kapayapaan, at magbubukas sa Paraiso. At ang kaluwalhatian ng Diyos ay lalaganap. Ngunit dito sa lupa, dapat tayong maging ganap na Pag-ibig.
“Ang iyong mata ang pinakailaw ng iyong katawan. Kapag malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.”(Lk 11:34)