1 / 22

Kataga ng Buhay Abril 2013

Kataga ng Buhay Abril 2013. « Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid » (Snt 5, 9). Upang higit na maunawaan ang Kataga ng Buhay na iminumungkahi sa atin sa buwang ito kailangan nating tingnan ang mga naganap na pangyayari ng panahong iyon.

uzuri
Download Presentation

Kataga ng Buhay Abril 2013

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ngBuhay Abril 2013

  2. «Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid» (Snt 5, 9).

  3. Upang higit na maunawaan ang Kataga ng Buhay na iminumungkahi sa atin sa buwang ito kailangan nating tingnan ang mga naganap na pangyayari ng panahong iyon.

  4. Sa pamayanang Kristiyano kung saan ito ay isinulat, may mga problemang nararanasan kagaya ng mga nakakaeskandalong pag-uugali, diskriminasyon, makasariling paggamit ng kayamanan.

  5. Pang-aabuso sa mga manggagawa, ang pananampalatayang higit na ipinahahayag sa salita lamang at hindi sa gawa, at marami pang iba.

  6. Nagdulot ito ng samaaan ng loob at alitan na lumilikha ng tensiyon sa komunidad.

  7. «Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid.»

  8. Ang mga pangyayaring ito ay maihahalintulad sa nakikita natin sa mga komunidad sa ngayon.

  9. Ang totoo, ang pinakamahirap sa pagsasabuhay ng ating pananampalataya ay kalimitang nagmumula hindi sa labas ng komunidad o kaya sa mundo kundi yaong nagmumula sa loob,

  10. Dahil sa mga nagiging pag-uugali ng mga kapwa miyembro na hindi namumuhay ayon sa maka-Kristiyanong huwaran.

  11. Nagdudulot ito ng pagkabagabag, pag-aalinlangan at kawalan ng pagtitiwala.

  12. «Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid.»

  13. Ang mga pagsalungat at hindi akmang pag-uugali na ito ay bunga ng pananampalatayang hindi gaanong naliwanagan at pagmamahal sa Diyos at kapwa na hindi pa ganap. Ganunpaman, ang isang Kristiyano ay hindi kinakailangang mawalan ng tiyaga at paninindigan. Sa halip ay gawin kung ano ang itinuro ni Jesus.

  14. Sinabi Niya na maghintay tayo ng may pagtitiyaga. Humihingi Siya ng pang-unawa at habag na tutulong sa paglago ng mabuting binhi na itinanim sa atin kagaya ng inilalarawan sa talinghaga tungkol sa masamang damo (Mt 13:24-30; 36-43).

  15. «Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid.»

  16. Paano natin ngayon isasabuhay ang kataga ng buhay sa buwang ito? Inilalagay tayo nito sa isang mahirap na aspeto ng buhay Kristiyano.

  17. Tayo rin ay nabibilang sa iba’t ibang komunidad, maging ito ay sa pamilya, parokya, trabaho, pamayanan o iba’t ibang samahan, kung saan maraming bagay ang maaring mangyari na hindi tama para sa atin.

  18. Maaaring ito ay maghatid ng iba’t ibang damdamin, pala-palagay o opinyon at paraan ng pag-uugali, mga pagkakaiba na nagpapalungkot sa atin at nagiging dahilan upang ito ay ating tanggihan.

  19. Marami pang mga pagkakataon upang isabuhay nang mabuti ang Kataga ng Buhay sa buwang ito.

  20. Sa halip na magreklamo o manghusga- kung saan tayo ay malimit matukso- maaari tayong maging mapagpasensya at umunawa. Hangga’t maaari, sikapin nating ituwid ang pagkakamali ng iba ng may pagmamahal.

  21. Higit sa lahat, ipakita natin ang ating maka-Kristyanong pamumuhay at tumugon sa mga posibleng kakulangan ng iba na magmahal o tulungan silang makatupad sa kanilang pangako sa pamamagitan ng pagpapakita ng higit na pagmamahal. Sikapin din nating higitan pa ang ating pagsasabuhay.

  22. «Huwag na kayong maghinanakit sa isa't isa, mga kapatid.»(Snt 5, 9). Isinulat ni: Chiara Lubich

More Related