1 / 25

Kataga ng buhay

Kataga ng buhay. Marso 2012. « Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo ang mga Salitang nagbibigay ng Buhay na walang hanggan » (Jn 6,68).

hanzila
Download Presentation

Kataga ng buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng buhay Marso 2012

  2. « Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo angmgaSalitangnagbibigayng Buhaynawalanghanggan» (Jn 6,68)

  3. Nagsalita si Jesus sa grupo ng tao na sumusunod sa Kanya tungkol sa Kaharian ng Diyos. Bagama’t ang ginagamit Niya ay mga simpleng pananalita at mga talinhaga na hango sa pang-araw-araw na buhay, ang Kanyang mga Salita ay may natatanging pang-akit. Ang mga tao ay namamangha sa Kanyang itinuturo sapagkat nangangaral Siya ng may kapangyarihan at hindi tulad ng mga escriba.

  4. Gayundin, nang tinanong ng mga punong pari at ng mga Pariseo at pati ang mga bantay ng Templo, kung bakit hindi nila sinunod ang kanilang utos na Siya ay hulihin, sumagot sila: “Kailanma’y wala pang nangusap ng ganito.”

  5. Ang Ebanghelyo ni Juan ay nagbanggit din tungkol sa pakikipag-kuwentuhan ni Jesus sa ilang mga tao tulad ni Nicodemus at ng babaeng Samaritano.

  6. Ngunit higit na malalim ang pananalita ni Jesus sa kanyang mga Apostoles. Malaya Niyang sinasabi ang tungkol sa Ama at sa mga bagay ng Langit; klaro ang Kanyang pananalita. Naniniwala sila sa Kanyang mga Salita at hindi sila nag-aalinlangan kahit hindi nila ganap na nauunawaan ang lahat o kaya naman ay malaking hamon ito para sa kanila.

  7. “Mabigat ang Salitang ito. Sino ang makakarinig sa Kanya?”,ang tanong ng Kanyang mga alagad nang marinig nila si Jesus na nagsasabi na ibibigay Niya ang Kanyang Katawan para kainin at ang Kanyang Dugo upang inumin.

  8. Nang makita Niya na marami sa Kanyang mga alagad ay lumalayo at hindi na nais manatili pa na kasama Niya, sinabi ni Jesus sa Labindalawa: “Gusto ba rin ninyong umalis?” Si Pedro, na ngayon ay nakasama na sa Kanya habambuhay at naakit na sa mga salitang sinabi ni Jesus noong unang araw pa lamang ng kanilang pagtatagpo, ay tumugon sa ngalan nilang lahat:

  9. «Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo angmgaSalitangnagbibigayng Buhaynawalanghanggan» (Jn 6,68)

  10. Naunawaan ni Pedro na ang mga Salita ng kanyang Guro ay kakaiba kaysa sa ibang mga guro. Ang mga katagang nagmula sa mundo patungkol sa mundo ay kabilang at nauukol sa mundo.

  11. Ang mga Kataga ni Jesus ay Ispiritu at Buhay sapagkat nagmula ito sa Langit; tulad ito ng liwanag na bumaba mula sa Itaas at naglalaman ng kapangyarihan na nagmumula sa Itaas. Ang mga Kataga Niya ay may kayamanan at kalaliman na di tulad ng ibang mga kataga, kahit na ito ay ukol sa pilosopiya, politika, o galing sa isang makata. Ito ay “mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan” dahil ito ay naglalaman at nagpapahayag ng kaganapan ng buhay na hindi magwawakas dahil ito mismo ang buhay ng Diyos.

  12. Si Jesus ay nabuhay muli at nabubuhay. Ang Kanyang mga Salita, bagama’t binigkas sa nakaraan, ay hindi mga alaala lamang. Ito ay mga Salitang patungkol sa ating lahat ngayon at sa bawat tao ng bawat panahon at kultura: ang mga ito ay panlahatan at pangwalang hanggan.

  13. Ang mga Kataga ni Jesus! Maaaring ito na ang pinakadakila Niyang ginawa. Siya ang Kataga na nagpapahayag ng Sarili sa pamamagitan ng wika ng tao: anong kapangyarihan, anong ganda ng nilalaman, anong puwersa, anong lakas!

  14. “Isang araw – kwento ng Dakilang Basilyo (isa sa mga dakilang Ama ng Simbahan, Obispo ng Cesarea), - halos tulad ng pagkagising mula sa mahabang pagtulog, nakita ko ang makapangyarihang liwanag ng katotohanang nilalaman ng Ebanghelyo at natuklasan ko ang kawalan ng kabuluhan ng karunungan ng mga prinsipyong hatid ng mundo.”

  15. Sa isang sulat noong ika-9 ng Mayo, 1897 ni Teresa ng Lisiuex: “Minsan, kapag ako ay bumabasa ng mga banal na babasahin…ang aking ispiritu ay agad na napapagod. Isinasara ko ang mabibigat na babasahing ito na bumibiyak sa aking ulo at pinatutuyo ang aking puso, at kinukuha ko ang Banal na Kasulatan. Ang lahat ay magliliwanag. Isang salita lamang ay sapat na upang ipahayag sa aking kaluluwa ang walang katapusang pananaw. Parang napakadaling abutin ang kaganapan.

  16. Oo, ang mga makalangit na Kataga ay pumupunô sa ispiritu na nilikha para sa walang hanggan. Ang mga ito ay nagbibigay-liwanag sa kalooban hindi lamang sa kaisipan, kundi sa buong katauhan, sapagkat ang mga ito ay Liwanag, Pag-ibig at Buhay. Nagbibigay ito ng kapayapaan – kapayapaang tinatawag ni Jesus na Kanya: “Aking kapayapaan” – gayundin sa mga sandali ng pagkabigla at panghihina.

  17. Nagbibigay ito ng ganap na kaligayahan kahit na sa gitna ng pagdurusa na minsan ay bumabagabag sa kaluluwa. Nagbibigay ito ng lakas, lalo na sa panghihina ng loob at kawalan ng pag-asa. Nagbibigay ito ng kalayaan sapagkat nagbubukas ito ng daan patungong Katotohanan.

  18. «Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo angmgaSalitangnagbibigayng Buhaynawalanghanggan» (Jn 6,68)

  19. Ang Kataga ng Buhay sa buwang ito ay nagpapaalala sa atin na ang tanging Guro na nais nating sundan ay si Jesus, kahit na ang mga Salita Niya ay mabigat at mapanghamon. Ibig sabihin nito: maging tapat sa pagtatrabaho, magpatawad, ilagay ang sarili sa paglilingkod sa iba sa halip na isipin lamang ang sarili, manatiling tapat sa ating pamilya, tulungan ang mga maysakit at malapit na sa kamatayan na hindi sumang-ayon sa kaisipang euthanasia…

  20. Maraming guro ang nag-aanyaya sa atin na gumawa ng madaliang lunas, makipagkompromiso. Nais nating pakinggan ang ating Guro at sundan Siya, Siya na tanging nagsasabi ng katotohanan at Siya na nagsasabi ng “mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” Sa ganitong paraan masasabi rin natin ang mga Salitang sinabi ni Pedro.

  21. Sa panahong ito ng Kuwaresma kung saan tayo ay naghahanda para sa malaking pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay, dapat nating tunay na ilagay ang ating sarili sa paaralan ng tanging Guro at maging Kanyang alagad.

  22. Gayundin, dapat magkaroon tayo ng isang maalab na pag-ibig sa Kataga ng Diyos. Maging handa tayong tanggapin ito kapag ito ay ipinapahayag sa simbahan, basahin natin ito, pag-aralan at pagnilayan…

  23. Ngunit higit sa lahat, tayo ay tinatawagan na isabuhay ito, tulad ng itinuturo mismo ng Kasulatan: “Nawa’y isagawa ninyo ang Salita at huwag pakinggan lamang. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili.” Kaya nga ba’t sa bawat buwan, kinukuha natin ang isang Kataga, hinahayaan itong tumagos sa atin upang tayo ay hubugin, “mabuhay sa atin”.

  24. Sa pagsasabuhay ng isang Kataga ni Jesus, isinasabuhay natin ang buong Ebanghelyo, sapagkat sa bawat Kataga Niya, ibinibigay Niya ang buo Niyang Sarili, Siya mismo ang dumarating upang mabuhay sa atin. Tulad ito ng isang makalangit na patak ng Kanyang Karunungan, ang Karunungan ni Jesus, na unti-unting tumatagos sa kaibuturan ng ating puso at pinapalitan, sa bawat pangyayari ng ating buhay, ang ating pamamaraan ng pag-iisip, pagnanais at pagsasagawa.

  25. «Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo angmgaSalitang nagbibigayngbuhaynawalanghanggan» (Jn 6,68) Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related