290 likes | 472 Views
Kataga ng Buhay. Abril 2011. “ Hindi ang akin kundi ang iyong kalooban .” (Mc 14,36). Si Jesus ay nasa Hardin ng Oliba, sa lugar na tinatawag na Getsemane. Dumating na ang pinakahihintay na oras. Ito ang mahalagang sandali ng Kanyang buhay.
E N D
Kataga ng Buhay Abril 2011
“Hindi ang akin kundi ang iyong kalooban.” (Mc 14,36)
Si Jesus ay nasa Hardin ng Oliba, sa lugar na tinatawag na Getsemane. Dumating na ang pinakahihintay na oras. Ito ang mahalagang sandali ng Kanyang buhay.
Nagpatirapa Siya sa lupa at buong pagtitiwalang nagmakaawa sa Diyos na tinawag Niyang “Ama”. Hiniling Niya na “alisin ang kalis” mula sa Kanya (Mk 14:36), isang pahayag na patungkol sa Kanyang paghihirap at kamatayan. Nanalangin si Jesus na lumipas na sana ang oras… Ngunit sa katapusan, ganap Siyang tumalima sa kalooban ng Ama.
Alam ni Jesus na ang Kanyang paghihirap ay hindi nagkataon lamang, o isang pagpapasya ng tao, kundi isang plano ng Diyos. Siya ay lilitisin at tatalikuran ng tao, ngunit ang “kalis”ay galing sa kamay ng Diyos.
Itinuturo sa atin ni Jesus na ang Ama ay may plano ng pag-ibig para sa bawat isa sa atin, na minamahal Niya ang bawat isa sa atin. Kung naniniwala tayo sa pag-ibig na ito at tutugunan ito ng ating pag-ibig – ito ang kundisyon – igagabay niya ang lahat ng bagay patungo sa kabutihan.
Para kay Jesus, walang bagay na nangyayari na nagkataon lamang, maging ang Kanyang paghihirap at kamatayan.
At ito’y sinundan ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, na buong kabanalang ipinagdiriwang natin ngayong buwang ito. Ang halimbawa ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ay dapat maging isang liwanag sa ating buhay.
Dapat nating maunawaan na ang lahat ng nangyayari sa atin, lahat ng nagaganap, lahat ng bagay sa ating paligid at kahit na ang lahat ng nagpapasakit sa atin, ay kaloob o pinahintulutan ng Diyos dahil mahal Niya tayo.
Kaya’t lahat ng bagay ay may halaga sa buhay, lahat ay kapakipakinabang. Gayundin ang bagay na tila sa sandaling iyon ay hindi natin maunawaan at hindi makatwiran, o isang bagay na nagdudulot sa atin ng sobrang hapis tulad ng nangyari kay Jesus.
Kasama ni Jesus, ulitin lang natin nang may ganap na pagtitiwala sa pagmamahal ng Ama:
Ang kalooban Niya ay ang tayo’y magsabuhay at buong galak Siyang pasalamatan sa mga biyaya Niyang ibinibigay sa atin. Ang Kanyang kalooban ay hindi, tulad ng maaari nating isipin, isang bagay na dapat na lamang tanggapin, lalo’t higit kung may pagdurusa. Hindi rin ito ang paulit-ulit at nakakabagot na bagay na ating ginagawa sa ating buhay.
Ang kalooban ng Diyos ay ang Kanyang tinig na patuloy na nagsasalita at nag-aanyaya sa atin. Ito ang paraan ng pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig upang ibigay sa atin ang kaganapan ng Kanyang buhay.
Maaari natin itong ilarawan tulad ng araw at ang mga sinag ay ang Kanyang kalooban para sa bawat isa sa atin. Bawat isa ay naglalakad sa kanyang sinag, na iba sa sinag ng kapwa na katabi niya, ngunit laging nasa sinag ng araw. Ito ang kalooban ng Diyos.
Lahat tayo ay iisa lamang ang tinutupad na kalooban, ang kalooban ng Diyos, ngunit kakaiba sa bawat isa. At habang lumalapit ang mga sinag sa araw, higit na lumalapit sila sa isa’t isa.
Gayundin sa atin, habang lumalapit tayo sa Diyos sa patuloy na pagsasagawa ng makalangit na kalooban hanggang ito’y maging ganap, napapalapit tayo sa isa’t isa... hanggang lahat tayo ay maging isa.
Sa ganitong paraan, lahat ay nababago sa ating buhay. Sa halip na makisama lamang sa mga taong gusto natin at sila lang ang mahalin, lalapitan natin ang sinumang niloob ng Diyos na makasama natin.
Sa halip na piliin lang ang mga bagay na gusto natin, pipiliin natin ang iminumungkahi sa atin ng kalooban ng Diyos.
Kapag tayo ay lubos na nakatuon sa pagtupad ng makalangit na kalooban sa bawat sandali (“kung ano ang Iyong Kalooban”), tayo ay magiging ganap na malaya sa anumang bagay, at sa ating sarili (“hindi ang kalooban ko”). Ngunit dahil ang tangi nating hinahanap ay ang Diyos lamang, ang kalayaang ito ang naging bunga.
Kaya’t magiging ganap ang ating kaligayahan. Ganap lang nating ituon ang sarili sa bawat sandali at isakatuparan ang kalooban ng Diyos, habang inuulit nating sabihin:
Lumipas na ang nakaraan; ang bukas ay hindi pa dumarating. Tulad ng isang pasahero sa tren, hindi niya iniisip magparoo’t parito sa loob ng tren upang makarating agad sa kanyang paroroonan, sa halip ay nananatili siyang nakaupo.
Gayundin tayo, dapat tayong manatili sa kasalukuyan. Ang tren ng panahon ay kusang tumatakbo. Maaari lamang nating mahalin ang Diyos sa kasalukuyang sandali na mayroon tayo. Bigkasin natin ang ating “oo” – isang malakas, ganap, at buhay na buhay na “oo” sa Kanyang kalooban.
Kaya’t magalak nating ibigay ang isang ngiti, isakatuparan ang isang gawain, magmaneho ng kotse, ihanda ang pagkain, isaayos ang trabaho. Mahalin natin ang mga taong nagdurusa na nasa paligid natin.
Hindi tayo matatakot sa mga pagsubok o pagdurusa kung, kasama ni Jesus, kikilalanin natin ang kalooban ng Diyos dito, ang Kanyang pagmamahal para sa bawat isa sa atin. Tunay na maaari tayong manalangin nang ganito:
“Panginoon, tulungan mo akong huwag matakot sa anumang bagay, sapagkat lahat ng magaganap ay tanging kalooban mo lamang! Panginoon, tulungan mo akong huwag magnais ng anuman, sapagkat walang kanais-nais kundi ang iyong kalooban.” Ano ang mahalaga sa buhay? Ang gawin ang Iyong kalooban! Tulungan mo akong huwag mawalan ng pag-asa o maging mapagmataas dahil lahat ng ito ay Iyong kalooban.”
“Hindi ang akin kundi ang iyong kalooban.” (Mc14,36) Sinulat ni Chiara Lubich