1 / 23

KATAGA NG BUHAY

KATAGA NG BUHAY. Mayo 2007. “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” (Jn 13:35).

adair
Download Presentation

KATAGA NG BUHAY

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. KATAGA NG BUHAY Mayo 2007

  2. “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” (Jn 13:35)

  3. Si Jesus ay naghahapunan kasama ng Kanyang mga kaibigan. Iyon ang Kanyang Huling Hapunan bago lumisan sa mundong ito. Iyon ang pinakadakilang sandali nang ipahayag Niya ang Kanyang Kalooban, halos huling habilin.

  4. “Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo”(Jn 13:34).

  5. Sa sumunod na mga daang taon, ito ang naging tandâ ng pagkakakilanlan ng pagiging alagad ni Kristo: dahil dito, sila ay makikila ng lahat!

  6. Ganito na simula’t sapul pa. Ang unang sambayanan ng mga mananampalataya sa Jerusalem ay kinalulugdan at iginagalang ng lahat ng tao dahil sa kanilang pagkakaisa, (tingnan Gawa 2:47; 4:32; 5:13). Sa katunayan, marami ang sumasali sa kanila bawat araw (tingnan Gawa 2:47).

  7. Kahit pagkalipas ng ilang taon, si Tertullian, isa sa mga unang manunulat na Kristiyano, ay nag-ulat tungkol sa mga Kristiyano: “Tingnan ninyo kung paano sila magmahalan, handa rin nilang ibigay ang kanilang buhay para sa isa’t isa.”(1) Ito ang kaganapan ng mga salita ni Kristo:

  8. “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”

  9. Ang pagmamahalan ay “kagawian na maaaring isuot ng kahit na sinong Kristiyano, matanda at bata, lalaki at babae, may asawa at wala, maysakit at malusog, upang laging isigaw at ipahayag saanman sa pamamagitan ng kanilang buhay, kung Sino ang kanilang pinaniniwalaan at nais nilang mahalin.”

  10. Sa pagkakaisa na nagmumula sa pagmamahalan ng mga tagasunod ni Kristo, makikita ang larawan ng Diyos na ipinahayag ni Jesus bilang Pag-ibig. Sa katunayan, ang Simbahan ay isang larawan ng Banal na Santatlo.

  11. Sa kasalukuyang panahon, ito ang pinakamainam na paraan upang ipahayag ang Ebanghelyo. Ang lipunang madalas na natutuliro dulot ng iba’t-ibang mensahe ay naghahanap ng mga magpapatotoo at hindi ng mga guro.

  12. Nais ng mga tao ang mga halimbawang naka-ugat sa buhay at hindi lamang mga sermon. Higit silang naniniwala kung ang Ebanghelyo ay isinasabuhay, kung may mga bagong ugnayan ng kapatiran at pag-ibig.

  13. “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”

  14. Paano natin maisasabuhay itong Kataga ng Buhay?

  15. Panatilihin nating buhay ang pagmamahalan at bumuo tayo saanman ng mga “buhay na selula” ng Katawan ni Kristo.

  16. Sinulat ni Chiara Lubich: “Kung ang iba’t-ibang lugar sa isang bayan ay pagniningasin… ng apoy na dinala ni Kristo sa lupa, at malalabanan ng apoy na ito ang panlalamig ng mundo sa pamamagitan ng kagandahang loob ng mga nakatira dito, di-magtatagal at magliliyab ang bayang ito sa pag-ibig ng Diyos

  17. Si Jesus mismo ang apoy na dinala sa mundo. Ito ay pag-ibig: ang pag-ibig na hindi lamang nagbubuklod ng puso sa Diyos, bagkus ay nagbubuklod din sa puso ng bawat isa.

  18. “Isang tunay na makalangit na lakas sa mundo ang dalawa o higit pang mga tao na nagkakaisa sa ngalan ni Kristo, na hindi natatakot o nahihiyang ipahayag sa isa’t isa ang kanilang pagnanais na mahalin ang Diyos, bagkus pinipili bilang mithiin ng kanilang buhay ang pagkakaisa kay Kristo.

  19. “Saanmang bayan, maaaring sila ay nasa mga pamilya: isang ama at ina, isang anak at ama, isang manugang at biyenan. Maaari silang magtagpo sa parokya, sa mga samahan sa simbahan at lipunan, sa paaralan, sa opisina, at kung saanman.

  20. “Hindi kinakailangan na sila ay mga banal na, dahil kung ganoon dapat ay binanggit ito ni Jesus. Sapat na sila ay nagkakaisa sa ngalan ni Kristo, pagkakaisang hindi magmamaliw.

  21. Natural, hindi sila mananatiling dalawa o tatlo, dahil ang pag-ibig ay lumalaganap at lumalawak.

  22. “Bawat maliit na selula, na sinindihan ng Diyos saanman sa mundo, ay nararapat lamang na lumaganap. Saanman, palalaganapin ng pag-ibig ng Diyos ang mga apoy na ito at ang mga pusong nagliliyab upang ang mundo ay muling makaranas ng init ng pag-ibig ng Diyos at muling umasa.

  23. “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” Text by F. Ciardi and Gabriella Fallacara Taken from the “Word of Life,” a monthly publication of the Focolare Movement Graphic by Anna Lollo with Fr. Placido D’Omina (Sicily, Italy)

More Related