1 / 24

Kataga ng Buhay

Kataga ng Buhay. Marso 2008. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.” (Jn 4:34).

webb
Download Presentation

Kataga ng Buhay

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Kataga ng Buhay Marso 2008

  2. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.” (Jn 4:34)

  3. Ang mga kahanga-hangang salitang ito ni Jesus ay maaaring ulitin ng bawat Kristiyano. Kapag ito’y isinabuhay, makakatulong ito upang higit na umunlad sa Banal na Paglalakbay ng buhay.

  4. Si Jesus ay nakaupo sa tabi ng balon ni Jacob at nakikipag-usap sa isang Samaritana.

  5. Kababalik lang ng Kanyang mga alagad mula sa kalapit na bayan upang mamili ng kanilang mga pangangailangan. Nabigla sila nang makitang nakikipag-usap si Jesus sa babae, ngunit walang nagtanong kung bakit. Nang makaalis ang Samaritana, Siya ay pinilit nilang kumain.

  6. Nahulaan ni Jesus ang kanilang iniisip at ipinaliwanag Niya ang Kanyang pagkilos, “Ako’y may pagkaing hindi ninyo alam.” Hindi naunawaan ng mga alagad si Jesus dahil iniisip nila’y pagkaing materyal. Kaya’t nagtanong sila sa isa’t isa kung may nagdala sa Kanya ng pagkain habang sila’y wala. Sinabi ni Jesus:

  7. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.”

  8. Hindi kaila kay Jesus na kailangan natin ng pagkain araw-araw upang mabuhay. Sa katunayan, tinutukoy talaga niya ay pagkain, isang natural na pangangailangan. Ngunit gusto rin niyang patunayan na may isa pang uri ng pagkain na para sa Kanya’y higit na mahalaga, pagkain na tunay na kinakailangan.

  9. Si Jesus ay naparito sa lupa upang gawin ang kalooban ng Nagsugo sa Kanya at isakatuparan ang ipinagagawa Niya.

  10. Wala Siyang ibang iniisip gawin, maliban sa plano ng Ama. Siya ay nagsasalita at kumikilos ayon sa kalooban ng Ama; hindi Niya ginagawa ang gusto Niya bagkus ang kalooban ng Nagsugo sa Kanya. Ito ang buhay ni Jesus. Sa ganitong pagkilos, Siya ay nabubusog at napapawi ang Kanyang gutom.

  11. Ang ganap na pagsunod sa kalooban ng Ama ay katangian ng buong buhay ni Kristo hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus, kung saan ganap Niyang tinupad ang gawaing ipinagkatiwala sa Kanya ng Ama.

  12. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.”

  13. Itinuturing ni Jesus na Kanyang pagkain ang pagtupad ng kalooban ng Ama dahil sa “pagtanggap nito”, “pagkain nito”, at “pakikiisa dito”, Siya ay nakakatanggap ng Buhay. Ano ang kalooban at gawain ng Ama na dapat gampanan ni Jesus? Ialay ang kaligtasan sa sangkatauhan, at bigyan sila ng Buhay na walang hanggan.

  14. Bago ito, inihasik ni Jesus sa Samaritana ang butò ng Buhay na ito sa pamamagitan ng Kanyang pakikipag-usap at pagmamahal.

  15. Sa katunayan, agad nakita ng mga alagad ang Buhay na bumukal at nakaabot sa iba dahil ibinahagi ng Samaritana sa iba pang mga Samaritano ang kayamanan na kanyang natuklasan at tinanggap: “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Kristo?”

  16. Sa Kanyang pakikipag-usap sa Samaritana, ipinahayag Niya ang plano ng Diyos Ama: na matanggap ng lahat ang handog Niyang buhay. Ito ang gawaing nais agad tupdin ni Jesus, upang ipagkatiwala ito pagkatapos sa Kanyang mga alagad at sa Simbahan.

  17. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.”

  18. Maaari din ba nating isabuhay ang katagang ito ng Ebanghelyo na siya ring katangian ni Jesus na higit na nagpapakita ng Kanyang katauhan, misyon at sigasig?

  19. Tiyak! Kailangan din tayong mabuhay bilang mga anak ng Ama sa pamamagitan ng Buhay na ibinahagi sa atin ni Kristo. Sa ganitong paraan, ang pagtupad sa Kanyang kalooban ang ating magiging pagkain.

  20. Magagawa natin ito sa pagsasakatuparan bawat sandali ng Kanyang niloloob, ganap itong tupdin na para bang wala tayong ibang gagawin. Sa katunayan, walang ibang ninanais ang Diyos mula sa atin.

  21. Gawin nating pagkain ang pagtupad ng kalooban ng Diyos bawat sandali, at mararanasan natin kung paano tayo bubusugin nito. Magbibigay ito sa atin ng kapayapaan, kaligayahan at kasiyahan. Hindi magiging kalabisan kung sasabihin nating maaga nating mararanasan ang tunay na kaligayahan.

  22. Sa ganitong paraan, makikipagtulungan tayo kay Jesus, bawat araw, sa pagtupad ng gawain ng Ama.

  23. Ito ang pinakabuting paraan para isabuhay ang Muling Pagkabuhay.

  24. “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.” (Jn 4:34) Sinulat ni Chiara Lubich

More Related