270 likes | 566 Views
Kataga ng Buhay. Agosto 2007. “Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.” (Heb 12:1-2).
E N D
Kataga ng Buhay Agosto 2007
“Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.” (Heb 12:1-2)
Ang buhay ng mga Kristiyano, tulad ng nabanggit sa sulat sa mga Hebreo, ay puno ng mga pagsubok at paghihirap. Kung minsan tayo ay nanghihina at nawawalan ng pag-asa: bakit hindi na lamang piliin ang mas madaling paraan, o bakit hindi na lang sumuko?
Ang sulat sa mga Hebreo ay nag-aanyaya sa atin na magpatuloy sa daàng ating sinimulang tahakin. Mahirap ito at kailangan ng pagsisikap, ngunit ang daàn ng Ebanghelyo ang magdadala sa atin tungo sa kaganapan ng buhay. Sa katunayan, hinihimok niya ang mga Kristiyano na magpatuloy sa daàng ito nang walang patid, kahit nabibigatan na sa mga paghihirap
Tayong nagpasya na sumunod kay Jesus ay dapat matulad sa mga manlalaro. Upang marating natin ang ating mithiin, kailangan natin ang pagsisikap, lakas at tiyaga. Ito ay magmumula sa paninindigan na ang Diyos ay nasa puso natin at sa matibay na hangad na maabot ito.
Higit sa lahat, hinihiling sa ating ituon ang paningin kay Jesus, na nagbukas ng daàn para sa atin at Siya nating gabay.
Si Jesus sa krus ang huwaran ng katapangan, pagtitiyaga at katatagan, higit sa lahat nang maramdaman Niya na siya ay pinabayaan ng Ama.. Nanatili siyang matibay sa gitna ng pagsubok at muli Niyang ibinigay ang sarili sa Diyos na pakiramdam Niya ay pinabayaan Siya.
“Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.”
Ganito malimit ilarawan ni Chiara Lubich si Jesus: hinaharap ni Jesus ang pinakamalaking pagsubok nang buong tapang at walang pagsuko. Si Jesus ang huwaran sa ating pagtakbo at kung paano malalampasan ang mga pagsubok. Bawat paghihirap o pagsubok natin sa buhay ay inangkin na Niya noong Siya ay ipinako at pinabayaan sa krus.Ipinaliwanag ni Chiara Lubich kung paano mananatiling nakatuon ang ating paningin kay Jesus.
“Nababalot ba tayo ng takot? Hindi ba’t si Jesus sa krus, noong Siya ay pinabayaan, ay parang nadaig ng takot na Siya ay kinalimutan na ng Ama?”
Kung tayo’y nawawalan ng pag-asa, masdan natin si Jesus, lalo na sa sandaling “tila ba nababalot Siya ng pakiramdam na wala ang Ama upang aluin Siya sa Kanyang paghihirap, na para bang halos wala ng lakas na harapin hanggang katapusan ang napakalaking pagsubok...
Nang dumaan si Jesus sa malaking pagsubok, parang hindi Niya maunawaan ang nangyayari sa Kanya dahil napasigaw Siya, “Bakit?”...
Kung tayo’y nabigo, o nasaktan dahil sa mabigat na karanasang nakakabagabag, isang di-inaasahang kamalasan, pagkakasakit, o di-maunawaang sitwasyon, lagi nating tandaan ang paghihirap ni Jesus sa krus. Naranasan Niya lahat ang mga pagsubok na ito.”
Kasama natin Siya sa lahat ng paghihirap. Handa Siyang makibahagi sa lahat nating paghihirap.
“Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.”
Tingnan natin si Jesus at makaugalian nating “tawagin Siya sa oras ng pagsubok sa ating buhay. Sa ganoong paraan, makikilala natin Siya at masasabi natin sa Kanya: Jesus sa krus Jesus sa krus Jesus sa krus pag-aalinlangan pag-iisa, sugat
Jesus sa krus Jesus sa krus pagsubok pag-iisa, at patuloy pa.
Kapag narinig Niyang tinawag natin Siya sa pangalan, mararamdaman Niya na kinikilala natin Siya sa lahat ng mahihirap na pagkakataon, at sasagutin Niya tayo ng higit na pag-ibig.
Matapos nating yakapin Siya, Siya ay magiging ating kapayapaan, pag-aalo, lakas, pagkakapantay, kalusugan, tagumpay. Siya ang magiging paliwanag at kalutasan ng lahat.”
“Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.”
Ito ang nangyati kay Louise. Ilang taon na ang nakalipas, may nabasa siyang ganitong Kataga ng Buhay. Kwento niya: “Nakatanggap ako ng di-inaasahang balita: ang panganay kong anak, 29 na taon, ay malubhang naaksidente.
Tumakbo ako sa ospital. Naroon ang anak ko, nakahiga, hindi gumagalaw, nakatingin sa kawalan. Nawalan ako ng pag-asa.
Nang mga lumipas na araw ng paghihintay, tumigil ako sa simbahan sa ospital isang araw. Doon ko nakita ang Kataga ng Buhay na nag-aanyaya sa akin na ituon ang tingin kay Jesus sa krus. Binasa ko itong mabuti, oo, nasabi ko sa sarili ko, binabanggit dito ang aking pagsubok.
Wala ng pag-asa na gumaling pa siya at naunawaan ko na hindi ganito maging martir, ito ngayon ang nag-ugnay sa akin sa pag-ibig ng Diyos. At nakaya kong magdasal, habang hawak ang kamay ng aking anak. Ipinagdasal ko siya habang siya ay lumilisan. Namatay siya, ngunit higit kong naramdaman na buhay siya.
“Magpatuloy tayo … sa takbuhing nasa ating harapan at ituon natin ang ating paningin kay Jesus.” (Heb 12:1-2) “Word of Life,” a monthly publication of the Focolare Movement Text by Fr. Fabio Ciardi and Gabriella Fallacara Graphics by Anna Lolloin collaboration with Fr. Placido D’Omina (Sicily – Italy)